Chapter 5

512 11 11
                                    


Chapter 5: Find me.

He is tired. He is kinda sleepy yet he doesn't want to sleep. He wanted to rewind the time and make it stop there.

He never felt this way before. There's really something into her that he wanted.

For the record, this will be the happiest mistake he've ever done.

~

Tila nagising ang buong diwa ni Steven ng may malakas na hampas ang tumama sa kanyang ulo na nagpaalog hanggang sa utak niya,

Pag lingon niya isang galit na mukha ang tumambad sa kaniya.

"Alam mo 'pre. Nakaka gago ka na kausap, ano ba? Nakatulala ka nanaman?" Galit na giit ni Dekdek.

At mas lalo pa itong nag alburoto ng titigan lang siya ni Steven. Sa pagkakadala sa kanyang galit ay hinablot niya ang kwelyo ng binata itinayo sa upuan nito at binalibag sa dingding.

"Ano na bang nangyayari sayo Steven!? Nung isang linggo ka pa ganyan. Hindi na kita maintindihan, wala ng nakakaintindi sayo. Ayaw mo kami kausapin, ayaw mo na magtrabaho. Sasagutin mo ba ko o tutuluyan na kita" mata sa matang sinabi ni Dekdek ang mga salitang ito.

"Baliw na ba ko Dek?" pabulong na tanong ni Steven sa kaibigan.

Agad namang huminahon si Dekdek ng magsalita na ang huli, halata sa tono nito ang pagod, lungkot at pagiging desperado.

Binitawan nya si Steven at umupo sa sahig, ginaya rin naman siya nito.

"Ano ba kasing nangyari?" tila pagmamakaawang tanong ni Dekdek.

~

Ang buong akala ni Steven ay magiging sunod sunod na ang magandang relasyon nila ni Aubrey.

Dahil nung gabing nagpunta sila sa Laguna ay dama niya na onti onti na niyang nakukuha ang loon at tiwala nito.

Handa na siyang mas makilala pa ang dalaga, handa na siyang malaman pa ang ibang kwento ng buhay nito.

Pero tila hindi na niya naintindihan ang mga sumunod na nangyari...

Pag gising niya agad niyang kinatok ang kabilang kwarto kung saan niya inihatid ang dalaga kagabi.

Mahigit sampung minuto na niya itong kinakatok hanggang sa magdesisyon siyang tawagin si Mark para buksan nalang ang kwarto.

Ngunit hindi niya inaasahan ang sinabi ng binata sa kanya.

"Wala naman po kayong kasama kagabi kuya."

Natawa pa siya dahil akala niya ay inaasar lang siya nito.

"Ano ba Mark, ulyanin ka na ba? Tinulungan mo pa ako pagdating na pagdating ko diba? Nilibot pa namin tong resort."

"Pero kuy--" bakas sa mukha ni Mark ang pagtataka at pag-aalala na rin kay Steven dahil mukhang seryoso niya ito sa sinasabi niya. At sa pagkakatanda niya ay hindi naman ito lasing kagabi.

"Alam mo ibigay mo nalang sakin yung key room." seryosong tugon ni Steven, hindi nalang niya pinatapos si Mark dahil nakaramdam narin siya ng kaba.

"Duplicate nalang ang nasa atin sir. At hindi ko po maibibigay sa inyo yon dahil baka kasuhan tayo ng dalawang Amerikanong naka check-in doon" paliwanag Mark.

"Paanong may naka check in doon na Amerikano!? Pinaalis nyo yung kasama ko doon!?" Medyo tumataas narin ang boses ni Steven dahil hindi na rin niya naiintindihan ang mga nangyayari. At para malaman din nila na hindi na siya nakikipagbiruan at kung prank man ito ay itigil na nila.

"Hindi sir. Isang linggo na po silang nandoon sa kwartong yon. Pasensya na po kung di ko napansin na may kasama kayo kahapon pero baka po ibang kwarto ang binigay nyo sa kanya" medyo natakot naman si Mark kay Steven

Pero hindi pwedeng magkamali ang huli. Sinamahan pa niya ang dalaga sa loob dahil gusto niyang makita kung maayos ba ang kwarto para maging komportable ito at wala siyang nakitang bakas na meron ibang guest ang naka check in doon.

Ano ba ang nangyayari?

Muli niyang tinignan si Mark at bakas sa mukha nilang dalawa ang pagtataka, at tila gulong gulo sa mga pinagsasabi ng isa't isa.

"Sorry." yun nalang ang nasabi ni Steven bago iwan si Mark.

At magmula nga ng araw na iyon ay iba na ang kinikilos ni Steven. Natatakot siya sa nangyari dahil baka hindi nga talaga ito totoo.

~

"Pinakilala mo ba sya sakin?" tanong ni Dekdek. At takang mukha naman ang isinagot sa kanya ni Steven.

"Ang ibig kong sabihin kung may natatandaan kang naipakilala mo siya sakin?" pagpapaliwanag nito.

"Hindi. Ang alam ko hindi pa." simpleng sagot ni Stev.

"Kung sakaling hindi nga talaga totoo. Bakit hindi mo nalang kalimutan. I mean we are both aware that minds are capable of creating anything specially when we are exhausted and emotionally unstable. Naghahanap ito ng kakapitan to survive, and that's normal...somehow"

"But everything seems to be real. I knew it was real Dekdek. We even slept together, drive together, eat, drink. FUCK! What is going on!?" At di na napigilan pang umiyak ni Steven. Naguguluhan na siya. If she's not real then what is she?

A fairy?

An angel?

A ghost?

He wanted to look for her. He wanted to know what really happened starting from the day they first met. Pero natatakot na siya kasi paano nga talaga kung hindi totoo. Kung wala talagang ganoong nangyari.

Sino si Aubrey?

Asan si Aubrey?

Ano si Aubrey?

~

There were times when waking up in the morning becomes the scariest part of my life.

My nightmare started when I woke up in the arms of a deadperson...



----

Hi!

Short UD for the readers who are flood commenting and DM-ing me on Twitter.

Ayan, magisip muna kayo para damay damay tayo kasi tbh limot ko na kung anong daloy ng story na to. 😂✌️

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Mar 01, 2020 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

I love you, Stranger [A RitKen Story]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang