A letter for God

5 0 0
                                    

Isinulat noong January 2017

Isang taon na naman ang nag daan.
Taon na madaming nangyari.
Taon ng saya.
Taon ng pasasalamat.
Taon ng lungkot, taon ng iyakan, taon ng pagsuko.
At taon na naging malapit ako Sayo.
Ito na nga yata ang season ko!
Asahan Mo na patuloy pa akong magbabago at magpapagamit Sayo.

Maraming salamat sa lahat ng nangyayari at mangyayari pa sa buhay ko.
Maraming salamat sa mga ala-alang hindi mabubura.
Sa masasaya at malulungkot na ala-ala.
Maraming salamat sa lahat ng binibigay Mo sa akin
Kahit alam kong hindi naman ako deserving,
Pero andami kong blessing.
Maraming salamat sa mga bagay na meron ako.
Maraming salamat sa bawat taong nakapaligid sa akin.
Maraming salamat sa mga taong nakilala ko at makikilala ko pa.
Maraming salamat sa pagmamahal mong walang kataposan.
Maraming salamat.
Salamat!

Hindi ako karapat-dapat sa Iyo pero tinanggap Mo ako.
Ako dapat ang pinako pero ako'y sinalo Mo sa kasalanan ko.
Panginoon.
Punoin Mo ako sa taon na ito nang maipasa ko pa sa ibang tao ang pagmamahal na ibinibigay Mo.
Naniniwala ako na walang imposible Sayo.
Kaya lahat ng hinihiling ko ay Siyang tutuparin Mo dahil taon ko ito.

Spoken Word Poetry Where stories live. Discover now