Part 1

5 0 0
                                    

"Kxlssknxkslaapdkdxkzlxnlalcmlpanzbjxnzllapzdjsnzk"

Ganyan ang dating sakin ng naririnig ko mula sa discussion na nangyayare sa gilid ko. Wala akong maintindihan ni isa. Nakakatawang naipasa ko ang accounting noong nag aaral palang ako, pero ngayong nasa isang accounting firm na ako, wala man lang akong maintindihan sa mga nasasagap ng tenga ko. At kailangan talaga nilang sa gilid ko magconduct ng discussion about working paper? Di na sila naawa sa ilong ko. Kung totoo lang sigurong dumudugo ang ilong sa mga gantong sitwasyon, naubusan na ako ng dugo sa tagal ng discussion nila.

Nagtataka siguro kayo kung bakit ako nasa isang Acctg Firm eh yung skills, talents, knowledge at etc etc ko eh di nababagay sa trabahong ito? Wag kayong mag alala, accounting staff lang ako. More on encoding ang ginagawa ko. Ibat ibang klase. Daig pa ang halo halo sa dami ng ginagawa ko. Sobrang dami at iba iba pa. Ilan na dyan ang reports for SSS, PHIC, HDMF, 2307, 1604CF, SRS, filing ng docs with SEC, payroll and etc, na every 10th, 15th, 20th, 25th, at 30th, may deadline ako. Umabsent lang ako ng isang beses, pagbalik ko kinaumagahan napakarami kong hahabulin. Sobrang nakakangarag ng trabaho ko, pero since I love encoding, esp numbers, push na push ang job na to. I am more than happy lalo na kung numbers lang ang dapat kong i encode na maning mani without even looking sa keyboard. Inspired na inspired magtrabaho ang ate nyo lalo na marupokpok ang inday para sa Boss nya. Pero ang ate nyo di keri kapag kausap na ang boss. Nauutal pa. Nakakalimutan kung ano ang sasabihin at yung hinandang spiel para sa queries eh di maideliver ng maayos. Lage tuloy nakakunot ang noo ng boss kapag ako na ang kausap. Minsan naman di man lang tumitingin sa gawi ko or sa mata ko. Mahal na mahal ang laptop nya, nasa monitor lang ang mata. Kahit ganun ang trato ng boss ko sakin kilig padin ang ate nyo sa little conversations nila. Lalo na iinspire ang ate nyo magtrabaho pag may mga ganoong sitwasyon, pero mas inspired ang lola nyo magtrabaho pag umaalis ang Ser nya. Syempre walang bantay! Sino ba ang ayaw ng walang bantay? Music is on, volume to mid na buong opisina naririnig ang mga kantang pineplay ko na ako lang ata ang nakakarelate.

"Pasensya na agad kayo mga te ah!" Linya ko bago ko pa buksan ang spotify at pin-lay ang nasa favorites ko. Lesgow kpop!

PART 2

Eve,

Kindly xnidx the reports vxdiv this company kxksoehsna.

Struggle ang ate mo sa pag intindi ng sulat ng kanyang Ser. Ang alam ko mga doctor ang may mahirap intindihing penmanship, pero syempre mali nanaman ako. Agad akong lumapit sa isa kong katrabahong loyal na loyal sa boss ko, that she actually spent already 20 years of her life sa firm na ito.

"Ate, paistorbo po. May love letter kase tong bebeloves ko sakin. Diko gets. Sumasakit na mata ko kakatitig." tumatawa kong singit sa nasa tabi kong lamesa. She then giggled with what I said.

Hindi lingid sa opisina namin ang pagkakagusto ko sa boss ko. Sa tingin ko nga alam din ng boss ko ang patungkol doon. Pano ba naman kase inaasar nila ako once nung marinig ng stepmom ng boss ko ang pang aasar ng mga katrabaho ko. Known for her talkative nature, aba, wala ng ligtas ang kaharutan ni Inday. Nakarating na panigurado sa boss ko ang balita, even yung stepbrother ni boss na isa din sa boss namin, alam na din ang karupukan ko na sya mismo minsan nakikisali sa pang aasar sa akin.

May katagalan din bago na figure out ni Ms Ai ang love letter ng boss ko para sa akin.

"Eve dear, pinapa search nya itong Company sa iview. Paki check nalang." Sabi ni Ms Ai sabay abot ng love letter ni boss.

"Ahhh. Sige po. Thank you po." Kinuha ko ang sulat at agad tinago sa drawer ko. Napagdesisyunan ko lang na ipunin ang lahat ng sulat ni boss para sakin.

After checking sa iview, agad akong nagcompose ng sasabihin ko at kung paano ko sasabihin sa boss ko yung resulta ng di nanaman nauutal. Ang hirap hirap naman ng shy type. Minutes after, napag desisyunan ko ng lumapit sa boss ko.

"Sir, excuse po." I heard his "mm" which means he's listening so I continued.

"About the Company you told me to look for its reports, 2018 FS and GIS were both filed but is not viewable as of the moment. Year 2017 po ang viewable. Do you want me to print them?" Tuloy tuloy kong sabi na mukhang di nasundan ng boss ko sa sobrang bilis ng pagkakasabi kung kayat umangat ang tingin nya sakin na nakakunot nanaman ang noo. Agad kong ini abot ang isang piraso ng papel kung saan naka detalye ang mga sinabi ko. Kinuha nya naman ito at iyon na lamang ang kanyang tinignan at nakuha agad ang nakasulat doon. Bumalik na ang mata nya sa monitor nya kayat nagdalawang isip na ako kung aalis na ba ako o hihintayin ko pa yung sagot nya sa tanong ko. Aalis na sana ako ng magsalita sya finally.

"Print me a copy of FS 2017 charge the fees to the company." Sabi nya without even looking at me.

"Ok po." I replied at agad umalis sa harap nya. Agad akong nakahinga ng maluwag. Di ko man lang napansin na ingat na ingat pala ako sa paghinga ko habang kausap sya. Di maganda sa dibdib. Di maganda sa dibdib humarot.

Agad kong pinrint ang FS 2017. Kapag talaga may inuutos sya, feeling ko laging urgent. Kailangan unahin, at kailangan agad. Kaya eto nanaman ako papunta sa table nya.

"Sir excuse po, eto na po yung FS." Sabi ko. Di nanaman sya nagtaas ng tingin mula sa monitor nya, mukhang busy ang boss ko. Ayaw paistorbo. Ng mukhang wala syang balak abutin ang inaabot ko, inilapag ko na lamang iyon sa gilid ng kanyang mesa. At umalis na.


Lunch Time

"Sungit ng bebe mo Eve ah?" Bungad ni Ate Elle, isa sa katrabaho ko, bago kami tuluyang kumain ng tanghalian.

"Ewan ko ba dun." Sagot ko.

"Nireregla nanaman ata." Sabat naman ni Ate Vern.

"Alam mo kung ano ang kailangan non?" Si Ate Elle na nagpataas ng kilay ko.

"Himas!" Dugtong ni Ate Vern kay Ate Elle.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 19, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Office StoryWhere stories live. Discover now