05

73 4 1
                                    

Ana's POV

"See you tomorrow."

Kinuha ko ang handbag ko mula sa table ko bago ako tuluyang lumabas from faculty room. Dala ko na din yung package nung Wooseok, at hindi ko pa binubuksan dahil may respeto naman ako. Sigurado naman akong hindi din bukas yung package ko, kaya it's only fair to do the same.

Naglakad lang ako para makalabas mula sa campus at pumunta sa Starbucks. Starbucks ang meeting place namin nung Wooseok na 'yun, at sana lang hindi sya ma-late. I will hand it over to him quickly kasi pakiramdam ko mayabang yung lalaki na 'yun. Fresh grad naman, walang binatbat sa akin na apat na taon nang nagtuturo.

Kapatid ko si Hyeongjun. 25 years old na ako at tumutulong na din ako sa pamilya kaya wala akong balak magboyfriend. Nagulat lang ako nung malaman kong adviser pa pala ng kapatid ko yung may-ari nung package na nai-deliver sa table ko. Small world, but a bit too small for me. Sa lahat ng makakapag-palitan ko ng package, bakit sa mayabang pa? Ang kapal ng mukha nung Wooseok nung ka-chat ko sya kagabi. Sana at least sa personal marunong siyang rumespeto pag nagkita na kami sa Starbucks.

Hindi naman nagtagal at nakarating na ako sa meeting place. Nagstay lang ako sa loob habang dala yung package at hawak yung phone. I guess kailangan kong i-chat ulit yung lalaking kinausap ko kagabi. Nasaan na kaya siya? Teacher pa man din na ang yabang pero late naman palang dumadating.

Kim Wooseok
Online

Ana:
Sir, I just arrived at
the meeting place.

Ana:
I would be waiting,
I hope you can come
sooner.

Package | K. WooseokWhere stories live. Discover now