CHAPTER TWELVE : BEGINNING

4.7K 85 2
                                    

JENESSA'POV

Hindi agad ako pinalabas ng doctor, may mga laboratory pa daw kasing gagawin sa'akin. kung ako ang tatanungin ay gusto ko ng umuwi pero ng dumating sila daddy at mommy ay wala akong nagawa.

Sinabi daw sa'kanila ang nangyare ni Colton ng tumawag sa'kanya sila at nang kamustahin ako ay doon na niya sinabi, hindi ako nagalit dahil alam kong karapatan nilang malaman ang nangyare.

hindi ako nakaramdam na galit sila sa'akin bagkos ay pinaramdam pa nila ang suporta at pagdamay nila sa'akin. Nang magising pa ako kinabukasan ay nakita kong seryosong nag uusap si daddy at Colton sa may pintuan kaya hindi ko rinig ang pinag-uusapan nila.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ni mommy kaya naagaw nila daddy ang atensyon. Agad na pinutol nila ang usapan at lumapit sa'akin.

"Okay na po." Tumingin ako kila daddy "Anong pinag-uusapan niyo?" Tanong ko. Nagkatinginan silang dalawa ni Colton

"Sinabi ko lang kay Colton na salamat sa pagdala sayo dito pati narin ang pag aalaga sayo" Umiling ako.

"Kagabi pa kayo nagpapasalamat sa'kanya dad." Ngumisi ako. napakamot naman ito sa ulo.

"H-indi ko kasi maiwasang magpasalamat ulit. Pati sinabi ko din na mag-stay na din muna kami ni mommy mo sa unit mo." Salita neto. Lumapit pa ito kay mommy na siyang nakaupo sa gilid ko.

"Paano yung store?" Tanong ko. umupo ako, lumapit sa'akin si Colton sa gilid na siyang umalalay sa'akin. Nang mapatingin ako kila mommy ay nakangisi na sila.

"Napag-kasunduan namin ng daddy mo na magsasalitan kami. Sabi din pala ng doctor, makakalabas kana mamayang hapon. Pupunta daw dito si doctora." Turan ni mommy. Tumango ako.

"M-ay pagkain po ba?" Biglang tanong ko.

"Wala pa si Tricia eh. Sabi niya kasi pagbalik..."

"Bibili na lang po ako" Biglang salita ni Colton.

"Wala ka po bang trabaho?" Tanong ko bigla kaya naman tumingin din ito sa'akin.

"Wala. Dinaanan ko lahat ng gawain ko sa company kaninang umaga bago ko sinundo parents mo." Turan neto.

"Sinundo?" Tanong ko.Naalala kong may kotse na kami.

"Yes. Dumeretso sila sa unit mo para kumuha ng gamit mo kaya doon ko sila sunundo."

Napatango na lang ako sa iniusal neto. Naglakad ito papunta sa pintuan at lumabas, napatingin ako kila mommy na silang nakatingin sa'akin tila may iniintay silang sabihin ko.

"Sorry" Turan ko. Nagkatinginan silang dalawa bago bumuntong hininga.

"Hindi ka namin papagalitan dahil alam naming alam mong mali ang ginagawa mo pero gusto ko lang malaman kung bakit?" Daddy.

"Mahal ko siya daddy. Alam kong mali pero nung makita at makasama ko siya ulit, naisip ko na doon talaga ako sasaya. Hindi na ako nakakapag-isip ng tama kasi alam kong pag inisip ko yung tama baka... baka mawala yung kaisa-isang taong nakapagparamdam saakin ng ganito."

"Anong ganito?" mommy

"Yung sobrang saya.. y-ung pakiramdam ko kompleto ako, siya lang yung nakapagparamdam sa'akin nun mommy." Naiiyak na turan ko.

"Ngayon ba masaya ka?" Biglang tanong ni mommy. Napahawak ako sa tiyan ko na siyang nagpaiyak sa'akin.

"Sinisisi ko siya kung bakit nawala yung baby ko, kung hindi niya ako iniwan nung araw na yun baka andito parin yung bata sa tiyan ko pero after he left last night naisip kong kung hindi ko dinamdam yung pag alis niya hindi ko mapapabayaan yung anak ko." Tumingin ako kila daddy, napailing sila.

The MistressWhere stories live. Discover now