Prologue

17 4 0
                                    

Tahimik na nakaupo ang sampong taong gulang na si Joy sa isang sulok ng bahay.

Marami silang bisita at ang bilin sa kanya ng kanyang Tita andy ay wag siyang maglilikot.

Ibinilin din niya ang walong taong gulang na anak na si Raven sa kanya.
Ikatlong taong anibersaryo ng kamatayan ng asawa ni Tita Sandy na si Tito Dave kaya maraming tao. Nagkaroon din ng padasal para kay Tito Dave.

"Joy!!halika na ,maglaro na tayo." ani Raven habang hila hila niya ang isang kamay ni Joy.

Nag iisang anak lamang si Raven nina Sandy at Dave,ang mag asawang kumupkop kay Joy.

Ayon sa kwento ni Sandy kay Joy, nakasabay lamang niya ang nanay ni Joy sa bus nong patungo sila sa Manila.Ipinakarga lang daw siya nong nag stop over ang bus ngunit hindi na bumalik ang kanyang Ina. At dahil wala namang anak si Sandy na dalaga pa noon,kinupkup niya si Joy.

Sa sobrang laki pasasalamat ni Joy sa mag asawa ay pinaki samahan niya ng maayos ang kanilang anak kahit minsan ay naiinis na siya sa kakulitan nito.

Nariyang batuhin siya ng palaka gayong alam niyang siya roon.Masyadong pilyo si Raven habang ang tahi tahimik naman ni Joy.

"Mamaya nalang."sabi ni Joy saka tinanggal ang pagkakakapit ni Raven sa kamay nito.

"Behave lang daw tayo sabi ni Tita Sandy." dagdag pa ni Joy.


"Hindi magagalit si mama sa atin..Tara na."pangungulit ni Raven.


"Mamaya na sabi!" naiinis na sabi ni Joy.


Natigil lang sa pangungulit si Raven kay Joy nong lapitan sila ni Sandy at isa sa kanilang bisita na si Camille..


"Ang laki na ni Raven,Sandy..Magkasin laki na sila ni Joy." komento ni Camille.


The Ladies Man meets The OneWhere stories live. Discover now