BADJAO MOMENT [6]: ang galit ni Nana Leng

1.3K 59 1
                                    

Namjoon’s POV

Takteng buhay to. Para akong nakikipamarathon kay Minah ang bilis tumakbo!

MINAH!!!

Pero imbis na tumigil siya mas lalo pa niyang binilisan ang pagtakbo hanggang sa nadapa siya at dun ko na siya naabutan

Minah bakit ka ba tumakbo ha?” tanong ko sa kanya pero nanatili siyang nakaluhod

parepareho lang kayo” bulong niya at hikbi na ang narinig ko

Minah mali naman yung iniisip mo e

APAT NA ARAW PA LANG! SANA NAMAN PINATAGAL MO NG ISANG LINGGO!” sabi niya at pinaghahampas yung sahig

tumayo ka na diyan baka balisawsawin ka

alam mong masagwa para sa isang lalaking walang asawa ang makipagholding hands sa babaeng may asawa na diba?” para akong pinaghampasan ng langit at lupa nagawa niyang ibalik sa akin yung tanong ko dati

Minah we could cut this if you want to” sabi ko at dun napatingin na siya bilib yan sa English ko 

ganun lang yun? Hahaha! Neck neck mo! Cut ka diyan! Crop yun!” sabi niya at tumayo na saka naglakad kahit iika ika siya. Aww mali na naman?

hindi ka pa makikipagbreak?”tanong ko at ngumiti siya

syempre ano ako? Tanga? Bakit ako makikipagbreak kung nageenjoy ako?” sabi niya at pinahiran yung mga luha niya

bumalik ka na dun at kumabit kay Aki pero at the end of the day boyfriend pa rin kita

Kingina ka Namjoon ginising mo ang malditang Minah

Kinagabihan tumingin ako sa bintana ko at nakita ko si Minah na nakahiga sa kama at pinupunasan siya ni Nana sakto naman ng mapatingin ako kay Nana ang sama ng tingin sa akin kaya sinara ko agad yung kurtina ko.

Nagkasakit siya.

Pagkaisip ko nun napabalikwas ako ng bangon at agad nagbihis

o anak san punta mo gabi na” sabi ni Mama

Diyan lang po magpapahangin” sabi ko at tumango lang siya at dumiretso na ako sa bahay ni Minah

Pakatok pa lang ako ng biglang bumukas ang pinto

pakitapon ito saka ka pumasok sa loob magtutuos tayo” sabi ni Nana saka hinagis sa akin yung trashbag. Tuos? Kingina umuwi na kaya ako?

subukan mong umuwi chochop chopin kita saka iluluto” sabi niya at pinakita ang kutsilyo niya

sabi ko nga po papasok na po ako e” sabi ko at pumasok sa loob

umupo ka at ilagay mo yang kamay mo sa mesa” sabi niya

kamusta po si Minah?” tanong ko sa kanya at mas lalong sumama ang tingin niya

bakit mo niligawan ang alaga ko?

kasi po gusto ko si—NANA!!!!!!” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niyang iitakin yung kamay ko

maling sagot putol ang kamay mo wala akong pakialam kung makulong ako. HALA kamay sa mesa!!!” sabi niya at nilagay ko ulit ang kamay ko sa mesa

Badjao MomentsWhere stories live. Discover now