CHAPTER SEVEN

2K 34 1
                                    

RAIZEN

"MAEEEEEE!" rinig kong sigaw ni echo ang aga aga nang bubulabog nanaman siya

Tinignan ko anong oras na 2pm

Shuckz na over sleep ako agad kong binuksan ang pinto kasi katok siya ng katok

"ang tagal mo buksan lintek kakagising mo lang" iritang sabi niya tumango ako parang kagabi ang bait bait niya ngayon ang suplado nanaman sana nga lang umiiyak na lang siya lagi para nag titilang anghel siya

"Mag ayos ka na at bumaba sa salas ikaw na ang susunod na aayusin pagkatapos ko" sabi nito

"Eh maaga pa for party 2pm pa lang " sabi ko

"Matagal ang pag aayos ng buhok ng babae mahirap mag decide ng susuotin ng babae pwede ba sumunod ka na lang" sabi ulit nito kaya pumasok na ako sa bathroom at nagsimulang maligo at mag sipilyo .

Paano ko kaya ipapaalam sa kanya ang pag uwi ko sa probinsya alangan naman hindi ako pupunta siguradong mag tatampo sa akin si papa pag ganoon .

Pagkatapos ko mag ayos eh lumabas na ako at pumunta sa salas . Naabutan ko na inaayos nila ang buhok ni echo kaya umupo muna ako sa sofa

"Hindi ba tayo pupunta sa office muna?" tanong ko sa kanya nagkatinginan kami sa may salamin

"Galing na ako doon hindi kasi kita magising kanina kaya hindi na kita sinama" sabi nito

"Ah sorry" sabi ko na lang bakit hindi kasi ako nagising ng maaga nakalimutan ko pa mag alarm gosh ! Baka alisin niya na ako sa trabaho nag uumpisa pa lang ako eh

"Ma'am azenette ikaw na po" sabi ni ate kaya nagpalit kami ng pwesto ni echo

Una blinower niya ang buhok ko dahil basa pa kasi galing ako sa ligo . Hindi ko na pinansin ang susunod na ginawa niya nagbasa na lang ako ng magazine kasi naiilang ako kay echo tinitignan niya yung ginagawa sa akin

Mga 5pm umalis siya sa pagkaka upo sa likod ko . Akalain mo yun 2 oras siya nagmamasid sa akin habang ako hindi ko man lang maisip kung anong iniisip niya

Ang gwapo niya pa din kasi hanggang ngayon walang kupas . Nag meet na kami noong bata kami siguro mga grade school pa lang nakita ko na siya nasa restaurant kasi kami noon nag meet si papa at ang daddy niya nasa labas siya ng restaurant nun sa may swing sa garden . Tinuro lang siya ng daddy niya sabi nito lapitan ko pero nahihiya na akong lapitan siya nun kasi mahina talaga self esteem ko bata pa lang kasi ako inaasar na akong panget. Isang beses lang yun mula noon hindi ko na siya nakita o may nabalitaan man lang tungkol sa kanya hanggang noong nasa middle school ako nalaman ko kay papa na patay na daw ang magulang niya pero hindi niya sinabi sa akin ang dahilan pag sinesearch ko naman nakatago ang mga information . Kaya ramdam ko talaga ang sakit na nadarama niya kagabi habang naglalabas ito ng kalungkutan

"Ma'am proceed na po tayo sa kwarto niyo" sabi ni ate kaya pumunta naman ako doon

May 2 babae akong kasama dito sa kwarto panay ang lapit nila ng mga damit sa katawan ko

Binigay nila ang isang red dress na may slit sa may bandang left leg at may cut siya sa bandang balakang na dalawa . Hapit iyon sa katawan ko kaya medyo expose ng kunti ang aking balakang

Sinuotan nila ako ng necklace,bracelet at earings . Pinasuot ng black na heels

"Bonga" sabi nila tinignan ko ang sarili ko sa isang long mirror ganto ba ang itsura ng asawa ng bilyonaryo o secretary ng bilyonaryo .

Lumabas na ako sa kwarto ko dahil magka tapat ang kwarto namin ni echo sabay kaming naglakad papalit ng nagkasama na kami sa taas ng hagdanan

"You look--"

"Gorgeous I know" sabi ko sa kanya

"Human, You look human" malamig na sabi nito

Naglakad na kami palabas ng bahay nito at sinalubong kami ni hans gamit ang isang itim na sasakyan

Pinagbuksan ako ni hans at sumakay ako doon . Nagsimula na itong mag maneho

"anong pong pangalan ng guest?" tanong ng isang security guard

"Echo James Ford" sabi ni hans

"Sige po tuloy po" sabi ng isang security guard sa isang malaking gate . Namamangha ako sa mga nakikita ko ang lawak pala dito . Thoo malawak din naman yung kay echo pero parang ang boring kasi ng atmosphere noong bahay niya

Ipanarada niya ang sasakyan namin sa tapat ng isang bahay maganda ito dahil madaming ilaw halatang may party na ganap .

Sabay kaming pumasok ni echo sa loob ang daming tao .

"Mr.Ford ?" tawag ng isang babae sa kanya

"Nasa taas po sila" sabi nito at turo sa itaas banda madaming lalake at babae ang nandoon

"Dito ka na sa baba" sabi nito sa akin mag rereklamo sana ako alam naman niyang hirap ako maki halubilo sa mga mayayaman iiwan niya ako dito pero hindi na ako nagsalita tumango na lang ako . Sumama si hans sa kanya para sa seguridad niya

Humiwalay na ako at umupo sa gilid

Pinagmamasdan ko ang mga babaeng magaganda at makikinis ang balat . Halatang sanay sila sa mga gantong ganap .

Tumayo ako at kumuha ng drinks

Patalikod na sana ako

"fvck" sabi nito nabuhusan ko ang kanyang tuxedo

"Alah ! Sorry , sorry hindi ko sinasadya" sabi ko sabay labas ng panyo na dala ko at punas ko sa tuxedo niya

"No, no its okey" natatawa nitong sabi namumula na ako sa kahihiyan . Kinuha nito ang panyo na pinupunas ko

"Pwede bang akin na lang toh?" tanong nito tinignan ko ang itsura niya gosh ! Ang gwapo din tumango na lang ako

Nginitian niya ako may biglang  may lumapit na babae sa amin parang security niya ata may dala na extra tuxedo agad naman niyang pinalitan .

"sorry talaga" sabi ko sa kanya

"It's okey" sabi nito

May dumaan na waiter kumuha siya ng 2 drinks

"Para sa natapon kong inumin mo" sabi nito

"Thank you" sabi ko

"By the way, Raizen Gavie De Elanza" pagpapakilala niya

"Mae Chiesa Azenette, ikaw may ari noong restaurant De Elanza nuh?" sabi ko sa kanya

"You got it, ikaw anong business mo?" tanong nito sa akin

umiling ako "Secretary lang ako ni Mr.Ford" sabi ko

"Ay sorry hindi ako intensyon na iunderestimate ka ah baka yun ang nafe-feel mo I'm sorry" pag e-explain nito

"Hindi naman" nakangiting sabi ko

"pero maganda ka para kang business woman . Hindi halatang secretary ka" sabi nito

Aba ! Ang bait naman niya " Thank You" nahihiyang sabi ko

The President's SecretWhere stories live. Discover now