040

759 27 13
                                    

JISUNG'S POV

Apat na buwan. Apat na buwan ko nang nililigawan si Minjee, at ngayong araw na 'to balak ko nang tanungin si Minjee na maging akin.

Simple lang naman ang plano ko ngayon, dadalhin ko lang siya sa beach at doon ko siya tatanungin.

Papunta na ako ngayon sa bahay nila Minjee, at kahit na medyo malayo pa ang pupuntahan namin ay kinaka-
bahan na ako ngayon, dahil sa magiging sagot ni Minjee mamaya.


Nang maadating na ako sa bahay nila Minjee ay bumaba ako sa kotse ko at nag door bell. Mga ilang segundo ay lumabas si Minjee suot ang shorts at sipleng blouse na bagay na bagay talaga sa kaniya.

"Tulala ka diyan" sabi niya sa akin pag kalabas nya ng gate.

Ang ganda mo kasi.

"W-wala! Iniisip ko lang yung ano.. yung pupuntahan natin mamaya!" Sabi ko. Muka naman siyang naniwala at tumango nalang.

Bilang gwapo at gentleman na si ako ay pinagbuksan ko siya ng pinto at pumasok na din ako sa driver seat.

-

"San ba kasi tayo pupunta?" Tanong ni Minjee. Pang ilang tanong na niya yan simula nung umalis kami. Nakakasawa na yung tanong nya pero di ako magsasawa sa kaniya.



"Oy Jisung, saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong niya.


"Naandito na tayo!" Masayang sabi ko at bumaba para pag buksan siya.


"Nasaan tayo?" Tanong niya habang nililibot ang paningin sa paligid. Nandito pa kami sa parking at may iilang tindahan ang naka harang sa dagat.

"Di ko din alam" sabi ko

"Ano?!" Gulat na tanong niya



" joke lang alam ko kung nasaan tayo" sabi ko at nakatanggap ako ng hampas sa braso.

Masakit pero okay lang basta si Minjee.


"Aray!" Pag aarte ko habang hawak hawak ang braso ko na hinampas niya.


"Masakit?" Tanong nya?



Tumango ako, "oo, kiss mo ako dito para mawala " sabi ko sabay nguso at turo sa labi ko.



"Tumigil ka nga!" Sabi niya at naunang maglakad sa akin.



Mahahalikan din kita mamaya.




"San punta mo? Di dyan ang daan" sabi ko, tumigil naman siya at lumapit sa akin.



"Yan nangunguna kasi di mo naman alam ang daan" sabi ko


"Tara na! Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong nya at nag simula na kaming maglakad.



"Nasa beach tayo" sabi ko nung kita na ang dagat.


"Wow!!" Sabi ni Minjee at tumakbo papunta sa tabing dagat.


"Minjee, hintay!" Sigaw ko at tumakbo papunta sa kaniya. Lumingon sya sa akin at mas binilisan ang takbo. Binilisan ko din ang takbo ko at nag takbuhan na nga kami sa tabing dagat.




"Mahuhuli din kita!" Sigaw ko sa kaniya at mas binilisan ang takbo ko. Ng malapit na sya sa akin ay hinila ko ang kamay nya palapit sa akin at niyakap siya, niyakap nya din ako pabalik.



Di naman ako kinikilig, konti lang, konti nalang mamamatay na ako sa kilig!




Nagkatitigan kami habang papalapit ng papalapit ang muka namin at nagkadikit ang labi naming dalawa.



Eto na ata ang tamang pagkakataon para tanungin siya..


"Minjee, pwede bang maging akin ka na? Pangako, hindi na laro ang lahat, dahil di ko na kayang paglaruan ang isang katulad mo, Mahal na mahal kita Minjee"



"Pwede bang maging sayo at ikaw ay maging akin? "

𝐥𝐚𝐫𝐨 : 𝐉𝐈𝐒𝐔𝐍𝐆 √Where stories live. Discover now