| 15 |

84 4 5
                                    




in real life

serene

pagkadating na pagka-dating ko sa magic shop, hindi ko pa nailalabas ang cellphone ko nang may kotseng bumusina sa tabi ko. wala man akong alam pagdating sa kotse, pero masasabi 'kong obvious na mamahalin itong nasa harap ko ngayon at mukhang lalaki ang may ari. siya na ba to?

nang bumaba ang bintana sa shotgun seat at may gwapong mukha na ngumiti sa akin, hindi na ako nagtaka kung bakit mukhang mamahalin ang kotse. model ba naman ang may ari eh. "hey gorgeous." nakangising sabi ni maxime sa akin.

"hey... you?" mentally, gusto 'kong pasabugin ang sarili ko sa sobrang awkward. nakakahiya ka serene.

"hop in."

hindi na ako nag-abang sumapit ang pasko at sumakay na din sa shotgun seat. medyo bumibilis yung tibok ng puso ko dahil ang makita si maxime in flesh, grabe, nakaka starstruck. i mean i don't really know a lot about his modelling career pero the fact na he is a model na kasama ko sa iisang kotse? wow.

"i was planning on stopping over for a breakfast first but i take it you already had yours?"

and yung boses niya.

"oh." inabot ko sakanya yung hawak 'kong paper bag. "this is actually yours. i only drink coffee for breakfast." bago ako makarating dito dumaan na muna ako sa isang fast food chain at binilhan din siya ng pancakes.

nang tumigil siya sa isang stop light, tinignan nya yung laman ng paper bag. "pancakes?"

"yup! who doesn't like pan— oh. may photoshoot ka nga pala ngayon, i'm sorry! i should've brought some salad..." i forgot how strict their diets are. okay points deducted ka serene.

"what are you saying? i love pancakes! wala silang pake kung ano ang kainin ko. thank you."

binuksan ni maxime ang takip ng packaging at humiwa ng maliit na slice— kaso bago niya pa masubo nag green light naman ang traffic lights kaya bumalik ang kamay niya sa manibela. nakita ko sa mukha niya yung bitin at pinilit na isubo yun habang ang isang kamay ay tuloy sa pag maneho.

"akin na." sabi ko bago kunin ang packaging ng pancake at tinapat sa bibig niya yung tinidor. "say aah." palarong sabi ko habang siya halos tumirik na yung mata sa pag rolyo. pfft.

"favorite ko itong pancake na ito eh. sarap diba?"

"oo."

"done na?"

"y-yeah."

"choo choo, open na ulit."

unconsciously, binukas niya naman kaagad yung bibig niya para sa pancake. halos magdugo na labi ko sa kaka-kagat ko para lang mapigilan tumawa. yung mata niya paulit ulit na rumo-rolyo, pero yung bibig niya 'aah' naman ng 'aah'.

"you're enjoying this aren't you?" buntong hiningang sabi niya habang ang tingin nasa daan parin.

"super."

parang gumive up sya sa pagtataray nya at bigla nalang din napangiti. kung poker face palang ang gwapo na niya, what more kung ngumingiti siya? wow the visuals of this guy is out of this world. parang nahiya yung bland face ko.

tuloy ko parin siyang tinulungang ubusin ang pancake niya at di nagtagal nakarating na din kami sa studio. pinagbuksan niya pa ako ng pinto na hindi ko inexpect. and they say chivalry is dead. "thank you." sabi ko pagkababa ng sasakyan.

"anytime. let's go." nilahad niya ang kamay niya at tinignan ko iyon. bakit pati ang kamay niya maganda? ang kinis. wala bang flaws itong lalaking ito?

serene | jungkookWhere stories live. Discover now