Chapter 2

328 29 28
                                    

"Goodluck sa'yo sis sa nalalapit na weekend. Mukhang mapapasabak kana naman pala sa pakikipag-plastikan sa mga kamag-anak niyo."

"Thank's Jade, kailangan ko talaga ng maraming goodluck." Napabuntong hiningang sagot ni Roan. Gusto niyang ma-relax kaya naman naiisapan niyang yayain ang mga kaibigan n'yang mag Spa.

"Bakit hindi ka nalang nag dahilan na hindi ka makakasama Roan. I'm sure hindi naman ma mi-miss ng mga pamilya ng daddy mo ang presence mo."

"Oo nga, sis, tama naman riva ewan ko ba sa'yo kung bakit hindi mo matanggihan yang mga yan." Ani jade

"Ni-request daw kasi ni Tita Rose na isama ako. Kung sila nga lang daw ang masusunod hindi ko na kailangang sumama."

"Talaga naman yang mga adoptive parents mo mo eh! Bilib ako, nag-ampon pa ganyan lang din naman ta-tratuhin hay naku!"

"Hayaan n'yo na, gusto ko rin namang makita si tita Rose, alam nyo namang nami-miss ko narin 'yon, at alam nyo ring sa lahat 'yon lang ang kakampi ko" sila jade at riva ang tinuturin n'yang mga kapatid mag mula high school palang sila, ang mga ito na ang palagi n'yang kasa-kasama. Sa mga ito s'ya nagsasabi ng kanyang mga problema na walang sayo namang pinakikinggan ng mga ito.

"Saan naman daw kayo mag re-reunion?" Tanong ni Riva.

"Sa Batangas daw." Simple niyang sagot.

"Ano!?...sa Batangas? As in doon talaga kung saan ka basta nangyakap?" Nanlalaki ang matang tanong ni Jade.

"Oo, doon nga.. di'ba doon ang ancestral house ng mga Gerona, Anong bastang nangyakap! Kung hindi naman sa Dare Dare na yan hindi ko gagawin yon 'no!"

"Oh my gosh!! Sis! Kung ganu'n may posibilidad na magkita ulit kayo ni one helluva hunk guy!" Patili namang segunda ni Riva.

"Naku malabo iyan, at saka sa tingin ko parang hindi rin naman taga roon iyon. Parang may lahing amerikano. Baka turista lang."

"Uyyy, bakit parang nahihimigan ko na parang somehow, umaasa karin na makita mo sya." Ngingiti-ngiting tukso ni Jade sa kanya.

"Hindi ah' walang ganu'n, kung pwede nga lang ayoko ng makita pa 'yon, yong guwapong 'yon at parang gusto kong lumubog sa hiya sa mga kalokohan n'yo."

"Asus, if i know gusto mo lang lumubog sa mga bisig n'ya well, kung ako man ganyan din mararamdaman ko ang guwapo kaya! Macho pa. sayang nga lang at nag tatatakbo ka 'di tuloy namin masyadong na sight!" Pang-gagatong ni riva.

"Pero teka, ano ba talaga ang nangyari bakit tinakbuhan mo?"

"Nahiya nga ako, saka duda akong may tama yon sa ulo sukat ba namang sabihin sa aking matagal naraw n'yang hinihintay na may babaeng maghahayag sa kanya ng nararamdaman at matagal naraw s'yang single."

"Wahhhhh! Ang haba ng hair mo sis! Kung lahat ng baliw kasing guwapo at macho n'ya kiber! Magpapaka-baliw nalang ako 'no!" Tila kinikilig pang sabi ni riva.

"Naku nga kayong dalawa, puro kayo kalokohan wala lang 'yon!"

"O, wag kang magsasalita ng tapos. Who knows baka yong Dare na 'yon will lead you to forever with him."

"Seriously, jade? May ganyan? Frustrated writer ka nga talaga, ang layo ng nararating ng isip mo ni hindi ko nga kilala yong tao, ni pangalan hindi n'ya nabanggit."

"Ay, o' may panghihinayang! Tukso ni Riva at sabay pang nagtawanan ang dalawa. Pero paano nga kaya kung muli kaming magtagpo. Ah ewan bahala na. Sa loob-loob n'ya.

********

Tahimik lang si Roan habang nakikinig sa usapan ng pamilya Gerona. Nakikipag-unahan ang iba pa nilang kamag-anak para makaupo malapit kay Tita Rose. She ended up on the other end of the table. Nagpapayabangan lang naman ang mga ito.

She wanted to maintain a low profile kaya hindi siya nakikisali sa usapan ng mga ito. Gusto n'ya lang matapos na ang salo-salo dahil para siyang sinasakal sa klase ng mga taong kasabay n'yang kumain. Pag katapos kumain ay tumalilis na siya. Sinamantala niya na umakyat ang mga kamag-anak sa kani-kanilang mga silid.

"Ma'am Roan, saan kayo pupunt?"

Nilingon niya si mang julio, ang family driver nila. "Pupunta po ako sa bayan." Sagot niya.

Kumunot ang noo ni mang Julio. "Alam niyo ba kung saan ang bayan dito, ma'am?"

Nginitian niya ang matandang driver. "Magtanung-tanong na lang ho ako"

"Sumakay nalang ho kayo sa kotse at ihahatid ko na kayo roon. Baka mamaya'y maligaw pa kayo't hindi kayo makabalik dito.

"Sige nga ho mang Julio paki hatid nalang ako sa bayan"

"Kung gusto niyo sa pier ko nalang kayo dadalhin sa Batangas Port para mas ma relax kayo sa matatanaw n'yong dagat."

Na excite siya sa tinuran nito. "Sige ho, mang Julio sa pier nalang tayo." Sasamantalahin niya ang sandaling pagkakalayo sa mga kapamilya. Kapamilya, sarkastiko niyang ulit sa sarili the word was not appropriate. I wish to have a family of my own someday. Tila ba tukso at mukha nang lalaking baliw ang nakita niya sa imahinasyon. Ikaw ata ang baliw Roan!

Fifteen minutes later ay ipinarada ni mang Julio sa isang malawak na parking lot ang kotse. "Dito ko nalang kayo hihintayin ma'am O gusto niyong samahan ko kayo?"

"Hintatin n'yo nalang ho ako rito. Hindi naman ho ako magtatagal." Nang tumango ito maagaan ang mga paa niyang naglakad patungo sa direksyon kung saan papunta ang maraming tao.

Umupo siya sa isang mahabang silya na nakita niya. She looked at the blue sea. Hinayaan niyang tangayin ng hangin ang buhok niyang hinayaan lang niyang nakalugay. She inhaled the sea breeze.

"Pasalubong ho, ate,"

Saka lang siya nagmulat nang mata. Nang tingnan niya ang nagsasalita sa tabi niya ay nakita niya ang isang batang babae na payat na payat. May mahaba na tali sa leeg nito kung saan nakakabit ang bitbit nitong bilao na punong puno ng iba't ibang klase ng paninda nito. Halatang nabibigatan ito sa dala-dala nito.

"Bili na ho kayo ng pasalubong ate. Makabawas man lang sa bigat ng dala ko" sabi nito.

"Ano bang mga 'yan?" Tiningnan niya ang laman ng bilao nito.

Dinampot nito ang isang plastic sa bilao. "Pinipig ho ito. May barquillos, chicharon, kornik, mani at may kung ano-ano pang tinda, ate pumili lang po kayo"

"Magkano bang lahat yang tinda mo kung bibilhin ko lahat?" Tanong niya. Nakakaipon naman siya mula sa baon na bigay ng mag asawa sa kanya dahil hindi siya magastos.

Na-shock ito sa sinabi niya. "Bibilhin n'yo lahat ng tinda ko, ate?" Lumunok pa ito, tila hindi makapaniwala.

Ngumiti siya. "Bibilhin ko, ayaw mo ba?"

"G-gusto ko ate. Gustong gusto. Para makauwi ako nang maaga sa bahay. May sakit kasi ang nanay ko kaya nag-sideline ako rito sa pier." Pinahid nito ang luhang pumatak sa mga pisngi nito.

Lalo tuloy siyang naawa rito. Ipinangako niya sa sarili na dadagdagan ang ibibigay na bayad dito. "Alam mo ba kung magkano lahat yang paninda mo?"

Umiling ito. "Hindi po pero ipapakwenta ko ito kay kuya Garry doon lang ang pwesto niya. Gusto niyo hong sumama para makasigurado kayo na tama ang total? Kung okay lang po sa inyo,ate"

"Okay lang pero sa isang kondisyon"

"Ano hong kondisyon?"

"Ako nang magdadala ng bilao mo, lumalabas ang litid mo sa leeg, o."

"Nakakahiya naman ho sa inyo papakyawin nyo na ang paninda ko pagbubuhatin ko pa kayo ng bilao ko"

Okay lang yon big girl na ako, kaya mas kaya kong bigat ng bilao kaysa sa'yo ano payag ka na ba?"

"Sige po ate kayo na ang magbuhat ng bilao ko pero mabigat po ito ate." Inalis nito ang tali leeg saka inabot sa kanya ang bilao.

"Ako nang magdadala niyan, 'Ne."

Sabay silang napatingin nang bata sa lalaking nagsalita sa tabi niya. Isang pares nang nakangiting mata ang nakita niya. Ang pares ng matang hindi na naalis sa isip niya. Ang pares nang mata ni one helluva hunk!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 19, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Dare to ForeverWhere stories live. Discover now