Chapter 22

2.2K 56 0
                                    

Laura's POV

Ilang araw na ang lumipas at sobrang dami na ang nag bago umalis na ako sa academy at dito na sa bahay ni Rosh tumutuloy. Matapos ang nangyare non hindi na nila ako kinausap marahil ay galit parin sila sakin, si Brent naman nakipag hiwalay na ako sa kanya.

Masakit man pero kaligtasan nila ang nakataya ayoko ng madagdagan ang galit nila sakin kaya mas pinili ko na lamang lumayo kahit masakit. Masakit sakin ang makipag hiwalay kay Brent napamahal na ako ng sobra sa kanya pero anong magagawa ko? Buhay na nila ang nakataya papalipasin kolang ang ilang araw gagantihan ko ang demonyo na sumira ng buhay ko.


----

Ilang araw muli ang lumipas at habang nag tutupi ng damit agad akong napaupo ng bigla akong nakaramdam ng kaba shit shit diko naman inakala na ngayon na agad yun.

Agad akong nag ready at pumuntang academy tahimik dahil sabado ngayon mga nasa dorm siguro ang mga estudyante. Dumiretso ako sa dorm ng Silvarians at nadatnan silang masaya na nag kekwentuhan kasama na doon si Bella at Risha agad na nangilid ang luha ko dahil mukang masaya sila kahit wala ako :>.

Napabaling ang tingin nilang lahat sakin ng binati ako nagulat pa ako doon pero napatingin rin ako sa kanila ng nawala ang mga ngiti nila kanina napalitan iyon ng galit at lungkot habang nakatingin sakin. Habang si Brent walang emosyong nakatingin sakin na para bang hindi nya ako kilala.

Napatakip ako sa tenga ko ng makarinig ako ng paparating rinig na rinig ko iyon dahil narin sa ability na meron ako. Napaupo ako sa sahig dahil natatakot ako at kinakabahan, narinig ko rin na mag hahagis sila ng bomba sa academy kaya walang pag dadalawang isip akong tumayo at nilabas ang kapangyarihan ko upang gumawa ng barrier.

"L-laura" nauutal na sabi ni Risha.

"LAHAT NG ESTUDYANTE PUMUNTA SA SAFE PLACE UMAATAKE ANGMGA  BLACK MINIAN" halos mapatakip ako sa tenga sa lakas ng boses ng nag announce.

Nataranta silang lahat na tumayo samantalang si Brent nakatingin parin sakin ng seryoso pero hindi kona iyon pinansin dahil ang importante ay ang magaganap na labanan. Nilamon ng pulang usok ang katawan ko at napalitan ng pang armor ang suot ko at tinawag ang espada ko gamit ang isip.

"Ishy pumunta kayo sa physical combat room at kumuha ng mga armas." Seryosong utos ko kaya napatango sya at hinatak si Lucas.

Nag tataka namang nakatingin sakin si Bella, Bryan, Karla and Risha kaya napa buntong hininga ako.

"Eirene Laura Silvary." Sabi ko at nag kibit balikat.

Napalitan ng pagkagulat ang mukha nila ng banggitin ko ang pangalan ko.

"That's my name and i am also a goddess." Mahinang sabi ko na lalong nag pagulat sa kanila.

Gamit ang pulang usok pinalitan ko ang damit ni Brent kagaya ng sa akin kaya napangisi sya at kinindatan ako na para walang nangyare samin. Ngumiti ako at tumango sa kanila, ng makarating si Ishy agad ko ring pinalitan ang damit nila nag tataka man hindi na nila piniling mag tanong dahil marami ng minian ang umaatake sa labas.

Nasa labas na kami dahil sa teleport na ginamit ko hindi kona sila pinansin at tumakbo na ako papalabas ng barrier at nag simulang umatake napangiti naman ako ng makitang ganon na din ang ginagawa nila Ishy. Magagaling nga silang makipag laban.

Ng makitang may aatake kay Karla agad akong gumamit ng Sprint at inunahan ang sasaksak sa kanya.

"Thankyou" nakangiting sabi nya kaya tumango ako.

Nagulat naman ako ng dumating si Rosh kaagad ko syang inabotan ng sword at nakipag laban na rin sya. Ng halos maubos na namin ang kalahate lahat kami ay pagod na at hinihingal kaya pumasok na kaming muli sa loob ng academy at napaupo nalang ako sa sahig dahil sa pagod na nararamdaman.

"Hmmm." Napalingon ako kay Ishy.

Lahat sila ay mukhang inaantay ang paliwanag ko.

"Yeah i am your goddess. I can see the future at nakita kona mangyayari to kaya bumaba ako sa lupa para tulongan kayo. Pero hindi ko naman inaasahan na mapapalapit ako sa inyo at magiging kaibigan ko kayo. Hindi ko kayo masisisi kung nagalit kayo sakin dahil sa mga ginawa sa inyo ng demonyo na iyon kaya nga lumayo na lamang ako para sa kaligtasan nyo." Mahabang paliwanag ko.

Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Ishy pati si Karla hanggang sa yakapin na nila akong lahat maliban kay Brent na nakatingin sakin. Nag peace sign ako sa kanya at lumapit tsaka sya niyakap ng mahigpit naramdaman ko din ang pagyakap nya pabalik kaya napangiti ako.

"I'm sorry." sabi ko.

"It's okay." Mahinang sambit nya kaya napangiti ako.

The Goddess In The Sky Where stories live. Discover now