Chapter Two- A Liar and the Master

18 0 2
                                    

oooOooo

Pinapasok ako ni Nana sa bahay. Ganun pa din walang pagbabago. Ang malaking litrato ng pamilya ni Trei ang mabubungaran mo sa pagpasok mo pa lang.

Tumingin ako sa mga litratong naka display sa ibabaw ng antique na mesa.

Nakakapagtaka kung bakit naroroon pa din ang mga larawan naming dalawa.

Ndi na nakatiis ang kalooban ko. Umakyat ako sa taas kung saan naroroon ang kwarto ni Trei.

Pagpihit ko ng door knob hindi ko inaasahan ang nakita ko.

Isang babae nakahiga sa kama niya.

'Niloloko ako' yan ang paulit ulit sa isipan ko nung oras na yun.

Ilang sandali may lumabas sa bany, at walang iba kundi si Trei. Nakatapis lang ito ng tuwalya. Saka niya lang ako napansin.

"Ry..." sabi niya.

"Kelan pa? " sigaw ko na naging dahilan ng pagkakagising nung babae.  " Magsalita ka! May pawala wala na siya pa kayong nalalaman! Ano na Trei. .. Masakit na dito!" sabay turo sa dibdib ko.

Sinubukan niya akong lapitan.

Pero.

"Josh...." sabi ng babae.

Josh? Ang alam ko ayaw niya ng pangalang iyon.

Ni hindi na ako nahawakan ni Trei pagkarinig ng pangalan niya..

"Josh, sino siya? Siya ba yung sinasabi mong wedding planner natin?"

Wedding Planner??

"Ikakasal ka na pala??" naiiyak kong tanong. Pesteng luha toh ooh!  " Kelan pa? Dapat sinabi mo. Hindi yung ganito. Im happy for you" Ngumiti ako ng mapakla.

"Wag mo siyang lolokohin katulad ng ginawa mo sa akin. Ako pala ang dapat nagsabing pagod na ako. Naibigay ko na ang lahat lahat sayo. Ang pag intindi at pagmamahal. Wala nang natira para sa sarili ko." pagkatapos nun tumalikod ako. Pero humarap ulit. Binigyan ko siya ng malakas na sampal. Sinigurado ko na babakat ang kamay ko sa mukha niya.

At doon umalis na ako.

----++++-----

Dumiretso ako sa bar at nilunod ko ang sarili ko sa alak.

Hilong hilo na ako.

Sana nandito ka Mirko. Kailangan ko ng Bestfriend ngayon.

At dahil sa sobrang kalasingan ko I passed out.

SAMANTALA..

Kararating lang ng isang binata sa bar.

I missed this place.

Good thing I've already home after two years..

Inayos ko ang damit ko. I am wearing a grey long sleeved polo and a simple pants. Sa loob ng polo ko ay ang Tee na regalo sakin ng bedtfriend ko. Naka print doon ang pangalan ko.

'Mirko'

Moving ForwardWhere stories live. Discover now