Chapter 26

3.3K 145 20
                                    

26:

REESE's POV

"Ang saya mo naman ngayong umaga?" tanong ni Shane na kakapasok lang sa kusina. Mukhang kakagising niya lang dahil magulo pa ang buhok at may antok pa sa mga mata. Dumiretso siya sa sink at binuksan ang gripo at doon naghilamos ng mukha.

"Wala ka bang balak mag-ensayo ngayon?"

"Mamaya pang ala-una ang practice namin," sagot niya tsaka pinunasan ang mukha gamit ang isang face towel. Mukhang dala niya iyon mula sa kuwarto niya.

"Pahingi naman niyang niluto mo oh. Napababa talaga ako dito dahil diyan. Umabot kasi hanggang sa kuwarto ang amoy ," sabi niya at lumapit sa table kung saan nakalagay ang adobong manok na niluto ko. Kumuha pa siya ng tinidor sa malapit na lalagyan at tumusok ng isang karne. Pero bago niya pa man maiangat iyon ay napigilan ko siya.

"Para kay El ang ulam na iyan," sabi ko at pinilit tanggalin sa pagkakahawak niya ang tinidor na may nakakapit na isang hiwa ng adobong manok. Hindi naman siya nagpatalo at hinigpitan ang pagkakahawak sa tinidor.

"Wag ka ngang madamot. Isa nga lang ang hihingin ko eh. At saka hindi naman siguro saulado ni El ang lahat ng parte ng manok para magreklamo siya na kulang ang niluto mo," saad niya tsaka pinilit kunin ang kamay ko na pumipigil sa kamay niya para tuluyang makuha ang piraso ng karne ng manok.

"Dapat kompleto 'to kapag ibinigay ko El para walang kulang. Tulad ng pagmamahal ko sa kanya, walang kulang."

Nagkunwari siyang nasusuka sa sinabi ko. Kaya ang resulta ay binatukan ko siya.

"Aray~!" reklamo naman niya. Ang nakakamangha lang sa bruha ay kahit nasaktan na siya sa pagkakabatok ko ay nakahawak pa rin siya sa tinidor. Ayaw niya talagang bitawan.

Ako na tuloy mismo ang sumuko at binitiwan ang kamay niya "Fine. Sayo na iyan. Pero yan lang. Wag ka ng manghingi pa uli dahil para na ito kay Eleven."

Tumango naman siya na parang bata at mabilis na isinubo ang pagkain sa bibig niya.

Nagliligpit ako ng mga ginamit ko sa pagluluto ng magsilata siyang muli.

"Tinatanggap naman ba niya ang mga niluluto mong pagkain sa kanya? Nung isang araw lang ay nagluto ka ng Caldereta, right?"

Natigil ako sa kung ano mang ginagawa ko dahil sa tanong niyang iyon. Napatingin ako sa kanya at nakita kong mukhang wala naman siyang ibang intensiyon ng magtanong siya. Just a pure plain question.

"Actually hindi niya tinatanggap ang mga niluluto ko. Ang bagsak nga lagi ng mga nun ay sa tiyan ng mga teammates namin. But despite that I will not stop. I will still try. Wala akong mapapala kung susuko kaagad ako. After all ako naman ang may kasalanan kung bakit niya ako laging iniiwasan at hindi man lang pinagtutuunan ng pansin kahit konti."

"Paano kayo nakakapaglaro kung ganyan siya?" Nakapangalumbaba na siya habang nakatingin sa akin.

"Hindi kami pinagsasabay ni coach sa loob ng court. Kapag nasa loob siya ay si PJ ang point guard ng team at kapag wala ay ako naman," sagot ko sa kanya.

"So konti lang ang playing time mo?" usisa niya pa. Nakakunot pa niyang ang noo niya sa pagtataka. Malamang hindi siya makapaniwala dahil alam niya na magaling akong player lalo na kapag point guard ang position ko.

"Oo," I honestly said. Hindi ako nahihiyang sabihin iyon dahil wala naman akong magagawa. Eleven is a vital key player sa team kaya halos buong laro siyang nasa loob ng court. Kaya naipapasok lang ako kapag malayo ang abanse namin sa kalaban.

"Pero sayang naman," ngakanguso niyang sabi. "I think it will be good if magkasama kayo dahil magandang tandem ang magagawa niyo pagnagkataon. She's a pure scorer while you're a pure point guard. Nice combi."

Loser (GxG) ☑️Where stories live. Discover now