HARPER

1.6K 13 0
                                    

Si Harper at ang kaniyang pamilya ay tahimik lamang na namuhay sa isang maunlad bayan. Nag-iisang anak lamang, mahusay rin siya tumugtog ng alpa, ginagawa niya ito bilang pampalipas oras.

Isang araw, tumutugtog si Harper ng alpa sa kaniyang silild nang may narinig siyang pagsabog. Dali-dali siyang lumabas ng kanilang tahanan upang tignan ang mga kaganapan. Takot at pangamba ang rumehistro sa kaniyang sistema nang malaman ang nangyayari. Ang kanilang bayan ay nilulusob!

Dahil sa nag-iisa lamang sa kanilang bahay si Harper, nagmadali siyang pumasok ulit sa kanilang bahay at nagtungo sa kung saan sila dapat magtago kung may digmaan mang maganap.

Si Magnar ay isang makisig at matipunong binata na nakikipaglaban para sa bayan nila. Siya ay hinahangaan ng lahat ng kababaihan dahil sa kanyanag kagitingan na kinalauna'y naging dahilan upang lumaki ang kanyang ulo na hindi nagustuhan ng mga diyos at diyosa. Masasabing hindi lang siya puro yabang dahil bago pa man siya biyayaan ni Athena ng kakaibang lakas, magaling na siyang makipaglaban. 

   Nasa gitna sila ng labanan nang may naramdaman siyang kakaiba. Siya ay nasa lugar na hindi kalayuan sa tahanan nila Harper. Lumingon siya sa paligid at nakuha ang kaniyang atensyon ng isang munting tahanan. Ipinagsawalang bahala na lamang niya ito at itinuloy ang pakikipaglaban.

Makalipas ang tatlong araw na labanan, nagwagi sila Magnar. Bilang gantimpala sa kanilang kagitingan, nagpahanda ng isang handaan ang punong-bayan.

Taga-silbi ng punong-bayan ang magulang ni Harper, kung kaya't nakakaraos sila sa buhay. Dahil wala naman siyang ginagawa sa bahay, tinulungan nalang ni Harper ang kanyang mga magulang.

Alam naman niya ang mga patakaran ng mga taga-silbi. Hindi nila dapat itaas ang kanilang ulo sa harap ng mga bisita. Mabait naman ang punong-bayan nila kaya hinahayaan siyang magsilbi kung sakali, ngunit sinusunod niya pa rin ang patakaran dahil kapag napag-alaman ng gobernador nila na may isang taga-silbi na nag-angat ng ulo sa isang mataas ang katayuan sa lipunan, buhay niya ang kikitilin.

Kaya laking pasasalamat ng punong-bayan dahil kahit na matagal na siya sa puwesto, hindi pa rin nag-aalsa ang kaniyang mga nasasakupan laban sa kaniya.

Ang punong-bayan ay may dalawang anak na babae. Ang kaniyang asawa ay pumanaw pagkatapos ipanganak ang ikalawa nilang anak. Sabi ng mga taga-bayan, dahil daw sa kabutihan niya kaya wala pang nag-aalsa laban sa kaniya.

Lingid sa kaalaman ng punong-bayan, ang kaniyang dalawang anak ay dating kaibigan ni Harper. Nagsisilbi ang mga magulang ni Harper noon, pero dahil bta pa lamang siya, hinayaan lamang siya ng punong-bayan na maglaro sa kanilang hardin. Doon niya nakilala ang dalawa, nang malaman nila na anak ng taga-silbi si Harper, nilayuan nila siya.

Ganoon pa man, nagpapasalamat si Harper dahil nagkaroon siya ng mga kaibigan kahit saglit lang.

Araw ng handaan ay abala sila sa mga gawain. Nagsidatingan ang mga bisita at ang mga taga-silbi ay nagsibalik sa kusina. May kani-kaniyang bisitang dapat pagsilbibihan ang bawat isa.

Si Harper ang nakaatas na magsilbi kay Magnar. Ihahain niya na ang inumin nang mapatid siya dahil sa isang anak ng punong-bayan na nasa gilid lamang ng punong-bayan.

Dahil sa galit, inutusan niyang mag-angat ng tingin ang dalaga. Nag-aalangan man, sinunod pa rin siya ni Harper. Nang makita ng binata ang mukha ng dalaga, tila isang anghel ang nagdaan.

Bumuntong hininga siya at pagkatapos ay pinabalik sa kusina ang dalaga. Alam niya sa sarili niyang, nahulog na ang kaniyang loob. Ngunit dahil alam niya ring makisig siya at hinahangaan ng mga kababaihan, hindi siya mahihirapan sa pagpapa-ibig kay Harper.

Isang buwan ang lumipas at hindi pa rin pinapansin ng dalaga si Magnar. Nagkamali siya ng akala na madali lang mapaibig ang dalaga. Ngunit sa kalooban ng dalaga, alam niyang nahuhulog na rin ang loob niya.

Isang araw, palihim na sumunod si Magnar kay Harper, ramdam ito ni Harper ngunit hinayaan na lamang niya. Pagkapasok sa bahay ng dalaga ay naghintay muna siya ng limang minuto bago kumatok.

Pinapasok niya si Magnar sa loob ng kaniilang tahanan. Dahil kahit ayaw niyang papasukin ang binata sa loob, hindi siya maaaring tumutol sapagkat mataas ang katungkulan nito sa lipunan.

Inabutan ng alak ni Magnar si Harper. Kumuha ng baso ang dalaga. Nang painumin si Harper ng binata, nalanghap niya ang kakaibang amoy ng gayuma. Ininom pa rin niya ito dahil alam niyang ganoon pa rin naman ang mangyayari.

Isang linggo ang lumipas, inamin ni Harper kay Magnar na hindi talaga siya tinablan ng gayuma, kundi, ganoon na ang nararamaman niya. Labis na galak ang naramdaman ng binata dahil sa narinig.

Isang buwan muli ang lumipas. Sa isang buwan na iyon, tila yelong natunaw ang kahambugan ni Magnar. Marahil sa impluwensiya ng dalaga kaya nagkaganoon. Ngunit kinailangan munang umalis ni Harper at magtungo sa malayong bayan para sa pagdiriwang ng kaarawan ng kaniyang kamag-anak. Naintindihan naman ito ni Magnar.

Isang araw pagkatapos makaalis ng pamilya ni Harper, isang kaguluhan ang naganap. Hindi tumagal ng isang araw ang labanan dahil higit na malakas ang kalaban. Nasawi ang lahat ng nasa bayan na iyon. Walang natira ni isang buhay, kasama na roon si Magnar.

Mabilis na nakauwi ang pamilya nang marinig ang nangyari. Isang nakakabangungot na lugar ang kanilang nadatnan. Mula sa pagiging masiglang bayan, ngayon ay puno ng dugo at katawan ng mga tao nalang ang makikita mo.

Hinanap ni Harper ang katawan ng kaniyang minamahal at hindi siya nabigo. Hindi maiwasang mapahagulgol ni Harper sa nakita. Nahabag naman ang mga diyos at diyosa. Si Hades ay napagdesisyunan na alukin ng kasunduan si Harper.

Ang kasunduan ay kapag pumayag si Harper na maging alay para sa ritwal ni Hades, tutuparin niya ang tatlong kahilingan ng dalaga.

Agad namang pumayag ang dalaga dahil alam niyang walang mawawala sa kaniya, sinuportahan din siya ng kaniyang mga magulang.

Ang una niyang kahilingan ay ang muling buhayin ni Hades si Magnar pagkatapos ng isang daang taon. Ang ikalawa niyang kahilingan ay ang burahin ng diyosang si Mnemosyne ang ala-ala ng binata tungkol sa kaniya at ibabalik lamang ito kapag sila ay muling nagkita. Ang ikatlo ay hindi na muling kukuha pa ng mga kaluluwa si Hades sa loob ng isang daang taon.

Isinagawa kaagad ang ritwal ni Hades. Ang ritwal na ito ay ang pagkuha ni Hades sa mga kaluluwa ng mga taong may busilak na puso. Ngunit dahil kay Harper, hindi na muna niya ito isasagawa.

Lumipas ang isang daang taon, muling nagbalik ang sigla ng bayan. Bagong mga tao na ang naroon. Walang bakas ng digmaan. Binalik ang buhay ni Magnar na walang alam kundi ang pangalan niya lamang. Binago ng mga diyos at diyosa ang kaniyang itsura na naaayon sa bayan na kaniyang pupuntahan. Pati ang kaniyang mga ala-ala ay inalis, maliban sa kaniyang pangalan.

Pagdating sa bayan, may nakitang pamilyar na mukha si Magnar. Ngunit hindi niya maalala. Pilit niyang inalala ito, at dahil sa kasunduan, ibinalik ni Mnemosyne ang ala-ala ng binata.

Naalala na niya ang lahat. Ang digmaan, ang kanilang pag-iibigan ni Harper, ang kaniyang pagkamatay. Laking pagtataka niya nang makita ang mukha ng iniibig niya sa katauhan ng ibang babae. Mas nagulat pa siya nang lapitan siya at tinawag sa kaniyang pangalan.

Labis na galak ang nararamdaman ng binata, alam niyang kahit matagal na ang panahong lumipas, iyon pa rin ang babaeng minahal niya. At mamahalin niya. Isang malaking ngiti ang sumilay sa kaniyang labi bago banggitin ang pangalang, "Harper".

WAKAS 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 14, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HARPERWhere stories live. Discover now