Kabanata 13

5.2K 71 2
                                    

Kabanata 13

"Maria Alexandria..."

Madaling araw palang ay nakatanggap kaagad ako ng tawag galing kay papa. Marahan akong humikab at tiningnan ang payapang mukha ni North habang mahimbing na natutulog.

"Papa..." marahan kong sagot.

"I am already here in Manila. Kalalapag palang ng eroplanong sinakyan ko."

"Ang aga naman, pa..." ani ko sabay hikab na naman.

Damn. I am so tired.

"I'm sorry, did I wake you up? You sound so tired, Maria Alexandria."

"No, papa, hindi ako pagod. Medyo antok lang po ng konti."

"Then, good. Be ready, we're flying to Espanya later tonight at 6pm."

"What!?" padarag akong napaupo dahil sa pagkakagulat.

North immediately groaned beside me because of my sudden violent movement. Kumalabog ang dibdib ko dahil sa kaba at kaagad kong tinakpan ang bibig niya.

"Are you with someone? Parang may narinig akong dumaing."

"D-dumaing? Wala. Ako lang iyon, papa. Ako lang iyon." normal kong sagot para hindi mahalata at kaagad kong iniba ang topic. "By the way, why are we going to Espanya? Ba't naman po biglaan? You know how much I hate biglaang lakad, papa."

"Your lolo wants to attend Maulo's birthday celebration."

Naramdaman ko ang bahagyang paggalaw ni North sa tabi ko. I drag my gaze to check him. Dahan dahang bumukas ang kanyang mga mata, kaagad ko siyang sinalubong ng ngiti at sinenyasang huwag munang magsalita.

"Papa, puwede naman kayong pumunta ng hindi ako kasama."

"No, young lady." pinal na sagot ni papa. "We need to talk kaya kailangan mong sumama sa amin."

"Papa, I am sure we can talk about that on the phone."

"No, Maria Alexandria."

Bigo kong nilingon si North at malungkot na sinimangutan. He look at me sleepily. Kaagad akong napangiti ng makita ang itsura niya. He look so cute while trying hard not to sleep again. Muntikan na akong mapahalakhak ng makita ang inaantok niyang mga mata at magulong buhok.

"Alright, papa." ani ko. "Are you on the way home? Magpahinga ka kaagad pagkadating mo sa bahay. Ibababa ko na ito. I need to inform my people that I'll be gone for awhile and I need to cancel an important meeting pa pala."

"Meeting? With whom?" takang tanong ni papa sa kabilang linya.

"With the Herreras, papa." walang preno kong sagot.

Huli na nang mapagtanto ko kung ano ang nasabi ko kay papa. Narinig ko ang bahagyang paghalakhak niya sa kabilang linya.

"An important meeting, huh?"

"Papa, please, 'wag mo nang bigyan pa ng kung anong meaning ang sinabi ko. Normal na lunch lamang iyon. They're giving back the favor because we invited them on our home."

"Anak, save your explanations for later. I need to hang up now. Kailangan ko pang tawagan ang mama mo. Take care, alright."

"You, too. Te amo, papa."

"Te amo, bebé."

Pagkababa niya ng tawag ay kaagad kong hinarap si North.

"Good morning, babe."

"Mornin', babe." paos niyang tugon.

"Your bedroom voice is so hot, babe." bulong ko at marahan siyang pinatakan ng halik sa labi.

A Little Bit of Wild SideWhere stories live. Discover now