CHAPTER TWO

1.8K 70 0
                                    


“No quickie for today.” sabi ni Haven nang makasalubong ko ito sa hallway ng school.

“Quickie? Nag---” Kaagad ko namang tinakluban ang bibig ng kaibigan kong si Lorenz.

“Wala ‘yun, kaya manahimik ka na lang,” sabi ko habang hinihigit siya papasok sa classroom namin.

Nang matapos ang first class ay lumabas na muna ako para abangan ang isang estudyanteng naghahamon sa akin nang away. Akala mo naman talaga ay mananalo sila sa akin ‘e mukhang mga basang sisiw na iniwan ng kanilang ina.

“Tang-ina ka lalaban ka pa!” I uttered as I tigthly gripping his neck until her lost his breathe. Mas lalo ko pa itong hinigpitan nang patuloy akong sinusuntok. Sa kalagitnaan ng aming away ay napansin ko namang dumaan sa harapan namin si Haven.

“Hin---di na----” utal nitong sabi saka ko siya bintiwan.

“Ano, lalaban ka pa?” umiling na lang ito sa tumakbo palayo.

Duwag pala ito. Pinunasan ko ang dugo sa labi ko saka sinundan si Haven.

Saan kaya ‘yun nagpunta?

Nagpunta ako sa likod ng school para hanapin siya at hindi nga ako nagkamali, nandoon siya. Gamit ang pinagpatong-patong na silya ay pinipilit niyang umakyat sa pader para makaliban. Makakaakyat na sana siya nang biglang dumulas ang paa niya kaya kaagad ako tumakbo para siya ay saluhin.

“Gotcha!” nakangiting sabi ko saka siya ibinaba.

“Anong ginagawa mo rito? Di ba busy ka sa pakikipagaway?” sunod-sunod niyang tanong..

“Tapos na akong makipag-away kaya sasamahan na kitang kumain dahil nagutom din ako du’n,” sabi ko habang hinihimas ang aking tiyan.

Katulad ng nakagawian namin ay pumunta na ulit kami roon sa stall ng street foods na binilhan namin kahapon.

“Paborito mo ang street foods huh?” I asked her.

“Oo at paborito mo rin na makipag-away ano?” She sarcastically said. “Kung hobby mo na yan, bakit di mo pagkakitaan, sumali ka kaya sa boxing.” natawa na lang ako sa sinabi niya.

“Hinahanap ka ng mga minions ni Zandro ah,” I uttered and took a sip of my lemon juice.

“So what?” mataray nitong sabi.

“If you tell them that you and I are dating, hindi kana nila  guguluhin.” sabi ko sa kan’ya. “You can pretend that I am your boyfriend para hindi kana nila guluhin, basagulero ang mga iyon.” pagpapatuloy ko habang kumakain.

“Look who’s talking. Ikaw rin naman ‘di ba?”

“Haven !” Sabay kaming napalingon ni Haven para tingnan kung sino ang tumawag sa kan’ya. Si Zandro pala, kasama ang kan’yang limang minions.

“Haven, nang lumipat ako dito 164cm tall ako binu-bully nila ako at sinasabihang city hick, kaya uminom ako ng tatlong bote ng gatas araw-araw para tumangkad ako kaya tutulungan kita para ‘di ka na nila guluhin.” I whispered to her while looking at Zandro who’s now standing on the other side of the road.

“You live a stupidly complicated life if you continue getting in trouble,” said she.

“Kapag ba hindi na ako nakipag-away , papayag ka?” I asked her then she looked at me for a second and look back again to Zandro who’s now walking towards our direction.

“Hoy ! City Hick” sabi ni Zandro nang makalapit ito sa aming dalawa.” Anong ginagawa ninyo dito ha? Nagla-lunch kayong dalawa?” inis nitong sabi at susuntukin na sana niya ako nang biglang humarang si Haven.

First Love Never Dies | CompletedWhere stories live. Discover now