Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte

Prologue

305K 7.4K 4.6K
                                    

Prologue


Ihip ng hangin ang tuluyang gumimbal sa mga natutulog kong balahibo. Suminghap ako at pasimpleng sinara ang aking nakaawang na labi kasabay ng ilang sigaw ng tsuper at katabi nitong babae sa harapan.

"Robinsons! Robinsons!"

My eyes widened, and I roamed my eyes outside the jeep. Muli akong napasinghap at madaling inayos ang bag ko dahil narito na pala ako sa aking ruta.

"Baba na mga Robinson diyan!"

Aligaga ako kaya naihulog ko pa ang ilang barya sa sahig. Naramdaman ko ang akmang pag-andar ng jeep kaya mabilis akong sumigaw.

"Manong, sandali lang ho!"

Nilingon ako ng babae sa harapan ng isang matalim na tingin.

"Ano ba? Bababa ka ba? Kanina pa kami nagsasabi!"

"Opo!" Teka lang naman kasi! 'Yong mga barya ko, sayang!

"Babagal-bagal kasi sa kaartehan! Wala ka sa Luneta Park, hija!"

Ngumiwi ako, I pinned my hair behind my ear, and bit my bottom lip. May katangkaran ako kaya ang hirap yumuko-yuko at baka masilipan pa ako sa suot kong palda. Hindi ko pinansin ang sinabi niya; ang sungit naman masyado ng back rider na 'to.

Humagikgik iyong driver, mukhang bata pa kumpara sa mga jeep driver na nakikita ko. Lalo akong nakatanggap ng nakakamatay na tingin doon sa babae.

"Bilisan mo ngang bumaba, kaarte mo!"

Seriously? Kailan pa naging kaartehan ang pagpulot ng mga barya? I was not even doing anything! I was just picking up the coins!

I gasped and chewed my bottom lip in embarrassment when some passengers laughed lowly. I hurried my moves while picking up the coins. Marahan ko ring hinihila pababa ang aking palda upang hindi masilipan dahil halos puro lalaki yata ang pasahero.

"Masyado ka namang excited, Ate!" natatawang sabi ng isang estudyanteng lalaki na pasahero din at nasa bandang likuran ng driver. "Hindi pa naman kami late! Ayos lang 'yan!"

Bumulong-bulong ang babae kasabay ng pang-iirap.

"Hindi lang naman kayo ang pasahero!" mas malumanay niyang ani sa mga iyon.

Umirap din ako at mabilis na niyakap ang jacket sa aking dibdib. Hindi ko na pinulot iyong piso na nakita ko sa paanan ng isang pasahero at madali akong bumaba ng jeep.

Si ate, nagmamadali masyado. Sabagay, baka humahabol sila ng maraming pasahero ngayong umaga. Time is really gold, sabi nga nila. Hindi naman kasi nabibili ang oras, hindi naibabalik, at hindi rin napapabagal kaya kailangang kumilos.

Ginala ko ang tingin sa paligid habang naglalakad na patawid sa kabilang kalsada. I was going to my friend's working place today that's located in front of Robinsons. Hindi pala umiikot ang jeep doon. It's really different to live independently where I have no guide around. Umalis na kasi si Ate Den kahapon pauwing Canada; wala na akong nakakasama sa pagtungo kung saan-saan dito sa Batangas. I just moved in here with her last month, at kinasanayan ko na ang kasama siya. Iyon nga lang ay kailangan niya ring bumalik ng Canada para sa trabaho kaya naiwanan ako.

Ngayon, pupuntahan ko si Tanya para may makasama sa apartment. Ang alam ko kasi ay nangungupahan lang din siya rito kaya papayag naman siguro iyong magsama na lang kami sa unit ni Ate Den. I came all the way from Cagayan where my home was. I just got a problem with my father that made me decide to live with my sister instead because I couldn't stand his household anymore. He was too manipulative that even a thing I didn't like, I needed to like and follow.

Epicenter Tape #1: Eleventh HourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon