"Dating Tayo"

8 0 0
                                    

Minsan,
Napapaisip ako.
Minahal kita ng todo,
Pero wala. Iniwan mo pa din ako.
Dumarating na sa puntong iniisip ko,
Kung paano ka aalisin sa puso ko at sa utak ko.
Ewan ko ba. Ang rupok ko na talaga siguro kase makita lang kita, mahal nanaman kita.
Ang unfair naman ng mundo.
Ako, matagal nang walang tayo,
Naghihinagpis pa din dahil sa pagkabigo.
Ikaw, masaya kana. Masaya sa bago mo.
Siguro ang panget ko,
Pakiramdam ko kase hindi moko sineryoso.
Ganon na ba ako kawalang kwenta para ipagpalit agad?
Ganon kana ba talaga kalupit para makahanap agad ng panibago?
Siguro oo.
Ilang beses kong pinilit isiksik sa utak ko na dapat kalimutan na kita.
Pero sa bawat hakbang ko papalayo ay parang bumibigat ang mga paa ko hanggang sa..
Eto nanaman.
Babalik nanaman.
Tanga man kung iisipin pero ganon siguro kita kamahal ng lubusan.
Yung tipong kaya kong magbulag-bulagan,
Yung tipong kahit hindi na ako eh umaasa..
Parin ako.
Na sa huli, na kapag pinilit ko pa,
Na kapag sinubukan ko pa,
Baka sakaling bumalik pa ang dating tayo.
Yung ikaw lang at ako.

Collection of PoemsWhere stories live. Discover now