PANGLIMA

1K 19 1
                                    

PANGLIMA

Nagmamadali at halos patakbong pumasok si Iya sa restaurant  . Late na sya sa usapan nila ni Xander . Matraffic  papunta sa restaurant at natagalan sya sa salon.  Nagmessage  sya kay Xander pero hindi nya na tiningnan kung nagreply  ang kasintahan dahil nagmamadali nga sya.

Pumasok sya sa loob at tahimik ang buong lugar. Maganda ang pagkakaayos ng restaurant at walang ibang customer.  Halatang nirentahan  ang buong lugar. Iginala nya ang kanyang mga mata at hinanap si Xander. Pero wala ito.

“Miss,” tawag nya sa nakita nyang waitress. Lumapit ito sa kanya. “Nasaan si Xander , yung nagrent nitong lugar?” tanong nya.

“Nag CR lang po kasi kinakabahan daw sya.” Natatawang sagot ng waitress. Natawa rin sya.

“Thank you Miss.”

Umupo muna sya sa silyang nasa gitna kasama ng lamesang may magandang pagkakaayos. Nainip sya dahil ang tagal bumalik ni Xander. Nag-alala sya kung ano na ang nagyari sa kanyang kasintahan . KIya tumayo sya at pumunta sa CR.

Halos manlamig ang buo nyang katawan nang makita nya na ang kanyang bestfriend na si Lexi ay hinahalikan ang kanyang kasintahan na si Xander. Hindi sya makagalaw  sa pagkabigla.  Nanlalabo ang kanyang paningin sa mga luhang pumapatak sa kanyang mga mata. Anong ibig sabihin nitong nakikita ko? Bakit nandirito si Lexi at hinahalikan si Xander?   Gusto nyang sumigaw sa sakit na kanyang nararamdaman mula sa kanyang puso.

Ikinuyom nya ang kanyang kamao at agad na lumapit kina Lexi. Walang pag-aalinlangang hinatak nya ang buhok ni Lexi . Napahiyaw ito sa sakit na kanyang ginawa.

“S-sweetie?”  nag-aalalang bigkas ni Xander. Hindi nya ito pinansin .  Binitiwan nya ang buhok ni Lexi at sinuntok ito sa mukha.

“Mag-aagaw kang malandi ka! “ sigaw nya kay Lexi. “ Ikaw na bestfriend ko.Paano mo nagawa sa akin ito Lexi?” Nag-aapoy ang mga matang tanong nya. Hindi sya makapaniwala na kayang gawin ni Lexi ito sa kanya.

“Ikaw ang mang-aagaw!” galit na sagot nito sa kanya habang nakahawak sa pisnging tinamaan ng kanyang  kamao. “Alam mong sa una palang ay gusto ko na si Xander pero anong ginawa mo ? Kinaibigan mo  at sinagot mo pa!”

Nagulat si Iya sa kanyang narinig. Wala syang kaalam-alam na ganito pala ang nararamdaman ni Lexi . Akala nya ay  pansamantalang paghanga lang ang naramdaman nito kay Xander.Sapagkat sa  mga lumipas na panahon ay nagkaroon naman ito ng tatlong kasintahan.

“Kaya ngayon aagawin ko sya sa iyo. Ako ang mahal ni Xander at hindi ikaw!” nahihibang na sabi pa nito.

Hindi nya alam kung maaawa o magagalit sya kay Lexi. Nang titigan   nya ang mga mata nito ay nakaramdam sya ng pagkaawa. Para na kasi itong  nababaliw. Bumaling sya kay Xander.  Nagkatingin ito sa kanya at pag-aalala ang nakikita nya sa mga mata nito.

“Akin ka lang Xander!” wika ni Lexi. Lumapit pa ito kay Xander at niyakap ang lalaki ngunit agad na kinalas ni Xander ang mga braso nito .

“Sweetie. I swear, wala akong alam sa mga sinasabi nya. Nagulat na lang ako na sya ang dumating dito kanina at sinabi nyang hindi ka darating. Sinabi nya pa  na sya na lang daw ang pakasalan ko,” paliwanag ni Xander nang  lumipat ito sa kanyang tabi. “Nang pumunta ako dito sa restroom ay sinundan nya pala ako at nagulat na lang ako  sa kanyang ginawa.”

Wala syang duda sa paliwanag ng kanyang kasintahan . Kitang-kita naman niya kanina na si Lexi ang humahalik dito at pilit na itinutulak nito si Lexi ngunit mahigpit ang pagkakakapit nito sa leeg ng kanyang nobyo. Kaya nga sya na ang humatak sa buhok ng ahas na kaibigan . Malaki ang tiwala nya kay Xander pero hindi maiiwasan na hindi sya masaktan na makitang mayroong ibang babae na humahalik dito. Hindi nya rin mapipigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha.

“Xander naguguluhan ka lang. Alam ko naman na ako ang mahal mo,” nagmamakaawang wika ni Lexi kay Xander.

“Please lang Lexi umalis ka na. Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang ideyang mahal kita . Kasi wala akong maisip na nagpakita ako ng pagtingin sa iyo na higit pa sa pagiging magkakilala.” Napapailing na wika ni Xander. Tama nga ang sinabi ng kanyang nobyo dahil kahit sa anumang pagkakataon ay hindi nakipaglapit si Xander sa kanyang kaibigan. Pagnagkakasama silang magkakaibigan at sinasama nya si Xander ay  hindi umaalis sa kanyang tabi ang nobyo. Kahit sa pagpunta sa restroom ay hindi ito humihiwalay sa kanya. Ni minsan ay hindi nya rin nakitang nakipag-usap si Xander kay Lexi. Alam nyang may pagkasuplado ang kanyang nobyo kahit kaibigang babae pa nya ang mga iyon.  Dahil nga doon kaya panatag sya na hindi sya lolokohin ng nobyo. “  ‘Wag mo nang dagdagan ang galit na nararamdaman ko sa iyo ngayon dahil sa pagsira mo sa mahalagang araw na ito.” Galit na dagdag pa ng kanyang nobyo.

Napapailing habang pinapanood ni Iya  si Lexi na umiiyak at nagmamakaawa kay Xander. Naawa  sya dito. Nakakaawang tingnan ang pagkahibang nito dahil sa pag-ibig o mas tamang   sabihin ay  obsesyon. Unti-unting nawala  ang galit nya at napalitan iyon ng pag-unawa. Alam nyang   naghahanap lagi ng pagmamahal si Lexi dahil iniwanan ito ng mga magulang. Nagkaroon  na ng kanya-kanyang pamilya sa ibang bansa at kinalimutan na sya nang makapagtapos sya ng pag-aaral.

“Lexi tama na. Hindi si Xander ang para sa iyo. Maghanap ka na lang ng ibang mamahalin,” wika ni Iya.  Napatingin sya sa mukha ni Xander nang iniikot nito ang braso sa kanyang baywang at  marahang hinalikan sya sa kanyang sentido. Itong lalaking ito ay dapat ipinaglalaban nya at wala syang balak na ipamigay ito kahit pa sa kanyang  baliw na bestfriend. Silang dalawa ang nagmamahalan at walang makapaghihiwalay sa kanila. “Patatawarin kita ngayon pero sana lang ay hindi na kita makita kailanman. Hinding-hindi ko makakalimutan itong ginawa mo. Sa susunod ay sa ospital na ang babagsakan mo pagginulo mo pa kami.”   Banta nya pa. Gusto nyang linawin dito na tanging para sa kanya lang si Xander. Napatungo naman si Lexi at humagulgol.  Wala na syang balak na makita pa ang pag-iyak ni Lexi kaya hinatak nya na ang nobyong umalis sa lugar na iyon.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon