I thought

5 0 0
                                    

Kleya Arazon's Point Of View

"Huy babaita! Sasabay ka ba samin kumain sa cafeteria?" Nagulat ako kay Candyce ng sigawan ako nito, hindi ko namalayan na nakatingin nanaman ako sa soccer field kung saan naglalaro ang mga players.

"For sure, dito nanaman 'yan kakain. May laro ang bebe e." Pang aasar ni Flora sabay tawa.

"Hindi ako sasabay, may gagawin pa ako sa Calculus." Ani ko. Tiningnan naman nila ako ng parang nanghihinala kaya inirapan ko nalang sila na ikinatawa nila. Haynako.

"Sige, magkita nalang tayo mamayang uwian." Tumango ako sakanila bago sila umalis.

Nang maiwan ako mag-isa dito sa bleachers, nilabas ko na iyong pagkain ko. Ang totoo'y wala naman akong gagawin sa Calculus, gusto ko lang mapanood mag laro si Aethan, my long time crush.

"Aethan Focus!!" Napatingin ako kay Aethan ng marinig ko ang pangalan niya. He was looking at me, bumilis ang tibok ng puso ko. Parang biglang tumigil ang mga nasa paligid ko. Wait, hindi naman ako namanalikmata diba? Ohmygod!

Nakita ko siyang may binulong doon sa lalaking sumigaw sakaniya, maya maya pa'y nakita kong naglalakad na siya papunta sa direksyon ko. Lalong bumilis ang pintig ng puso ko, hindi na ako mapakali. Anong sasabihin ko? Ayos ba mukha ko? Hala! Baka ang haggard ko na! Sabi na e, dapat nag ayos muna ako.

Naglalakad na siya papunta sa pwesto ko, unti-unting bumabagal ang paglalakad niya. Parang nag slow-mo yung paningin ko.

"I brought water for you." Narinig kong masiglang bati  ng nasa likod ko. Napalingon ako at nakita ko ang babaeng kinaiinggitan ko. Tila bumagsak ang mundo ko, lahat ng pag-asa nawala. Ilang hakbang lang ang pagitan nila sa akin kaya naririnig ko ang pag uusap nila. Ang sakit pala.

"Thank you Tiffany! Matatapos na rin kami, maiintay mo ba ako?" Ani ni Aethan. Agad na tumango si tiffany, wala na akong maintidihan. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa.

"Rovis tama na ang harot! Makakapag hintay 'yan!" Sigaw ng mga ka team niya. Tila nabingi na ako at wala na akong ibang maisip. Binalot ko muli ang pagkain ko at nagmadaling umalis sa lugar na iyon.

I didn't even call Candyce and Flora. Dumiretso agad ako ng uwi after ng classes ko. Pag-uwi ko, as usual wala sila Mommy and Daddy. Workaholic sila pareho e, kapatid? Wala. Only child ako. Pag pasok ko sa kwarto ko, bumigat ang pakiramdam ko. Di ko namalayan, tumulo na pala ang luha ko. I even laugh at myself, bakit ba ko umiiyak sa mababaw na rasong ito?

Aethan was my elementary crush, he's good at playing soccer ball. Lagi akong nasa bleachers para panoorin siya, practice man or laban. Walang palya ang pagsunod ko sakaniya everyday, creepy right? Hahahaha. Pero siguro ganon kapag inlove ka. I did not wish for this, pero ewan ko ba bakit ko nararanasan 'to.

Sa sobrang bigat ng nararamdaman ko, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.


"Himala at sumasabay ka na sa amin kumain." Panunukso ni Flora. I just rolled my eyes at her. Hindi na ako nagpupunta sa bleachers, siguro pahinga na muna ako kay Aethan, hindi na rin ako makapag focus sa studies ko which is not a good one.

"I heard Tiffany's crying kanina sa soccer field." Napatingin ako kay Candyce ng banggitin niya si Tiffany.

"Bakit daw?"

"Nag away raw sila ni Aethan." Muntik na akong masamid ng banggitin niya si Aethan. Nandito kasi kami sa Cafeteria habang kumakain. Mahigipit isanc linggo na rin kasi akong walang balita doon, at first time yun sakin. Magsasalita na sana si Flora ng matuon ang atensyon namin sa may pintuan ng cafeteria.

"Stay away from Aethan bitch!" I heard Tiffany's shout. Gumagawa siya ng eksena sa mismong Cafeteria, what a shame. Nakita ko ang babaeng kaharap niya, si Alyza. Nerd type student siya, alam ko mag kaklase sila ni Aethan. Anong problema ng dalawang ito?

I thoughtWhere stories live. Discover now