Chapter 1

142 8 0
                                    

Krisha's PoV

Naglalakad ako papuntang school ko, first day of suspension ko ngayon. Ugh!

Nakakainis naman kasi yung lalaking yun eh! Kung hindi dahil sakanya hindi ako masususpend ngayon. Ugggghh

Ginigigil niya ako sa totoo lang tapos kagabi sinusundan niya ako, like hello? Nakakatakot kaya nung time na yun, yung ikaw lang magisa naglalakad sa tabi ng kalsada at gabi pa.

"Ganda ng umaga natin ah" napatingin ako sa nagsalita. And speaking of the demon, yung lalaki kahapon.

"Ganda mo mukha mo" sabi ko at naglakad ng mabilis.

"Sabay ka na saakin, layo pa ng school oh" sabi niya saakin.

"No thank you, at tska may kasabay ako" sabi ko

"Sino kasabay mo???" Tanong niya saakin

"Ahhhh...uhmmm" wala akong masabi kasi gawa gawa ko lang yun, like hello, diba sabi ko loner ako sa school kaya wala akong friends doon.

Nahagip ng mata ko yung isang babae.

"Liliiith!!" Tawag ko kaya lumingon siya tumakbo ako papalapit sakanya at umakbay sakanya. Magkasingtangkad lang naman kami kaya hindi ako nahirapan akbayin siya

"Kanina pa kita hinihintay eh" sabi ko sakanya.

"Ahhh??" Nagtataka niyang sinabi.

"Halika na sabay na tayo?" Tanong ko. "Makisabay ka muna please" bulong ko sakanya.

"Ahhh okay, lika na, sorry overslept ako eh, nagreview pa ako" sabi niya at nagsimula na kami maglakad.

"Hey girls! Hi Lith, sabay na kayo saakin, pare-pareho lang naman tayo ng school eh" singit ng bwiset saamin.

"Hi ! Sige sabay na kami saiyo, okay lang ba sayo?" Tanong niya saakin. No choice kaya tumango nalang ako at sumakay na kami sa sasakyan niya.

"By the way Theo, anong course nga pala tinake mo?" Tanong ni Lisa sakanya.

"Bachelor's degree in business administration, ikaw?" Tanong niya pabalik

"Same with Krisha, Architecture" sabi niya.

"Magka-klase ba kayo?" Tanong niya ulit kay Lilith.

"Yup!"

"Magka-close ba kayo ni Krisha?" Tanong niya ulit. Bat ba ang dami niyang tanong. Imbistigador ba siya?

"Hindi... Nagtaka nga ako nung nilapitan niya ako kanina, eh ang tahimik niya kaya sa classroom. Loner daw kasi siya, tapos weird sabi nila kaya walang ding lumalapit sakanya. Peaceee" sabi niya sa lalaki na yun tapos nag peace sign siya saakin dahil sa huling sinabi niya. Nilaglag niya ako. Ugh

"Tahimik? Hahaha, tahimik ba yan, ang ingay ingay nga niyan kahapon sa guidance, parang nakalunok ng megaphone" napanganga ako sa sinabi niya.

"Loko ka ba?! Hindi ako magiingay kung hindi mo ako tinulak kahapon noh!" Sabi ko.

"Tsk! Hindi kita itutulak kung wala ka sa puwesto kung saan ako lagi sa nakaupo" sabi niya naman.

"Ugggh, ginigigil mo ako lalake ka! Sarap mong kalbuhin!" Sabi ko sakanya.

"Owss, talaga ba?" Sabi niya.

"Uggh, itigil mo tong sasakyan na toh at bababa na ako" sabi ko kaya sinunod niya. Huhuhu, epal talagang  lalaking toh

"Diba sabi baba ka? Baba na" Tch, eto na nga baba na ako.

Bumaba ako at padabog na sinarado yung pintuan at nagpaandar ulit siya ng kotse niya. Sana masira yang kotse mo! Hmp! Nagsimula na ako maglakad. Malayo pa yung school dito, pero maaga pa naman kaya on time ako makakarating don.

Together ForeverDonde viven las historias. Descúbrelo ahora