Chapter 20

435 16 0
                                    

Dirediretso akong lumabas ng mansion. I heard Iris calling my name pero hindi ko siya nilingon.

Tinakbo ko ang daan patungong kalsada at pumara ng tricycle.

“Oyyy! Shanella ella ella e. You pala yan!”

“Kina Nay Rosi.” Sabi ko kay Tonyo.

Buti naman hindi niya ako dinaldal. Alam niya atang wala ako sa mood.

Nakatulala lang ako habang bumbyahe. Bakit ang hina hina ko? Bakit hindi ko hinila ang buhok ng babaeng ‘yon at kinaladkad palabas? Damn!
Pagdating ko sa bahay ni Nay Rosi, tumakbo ako papasok at niyakap siya ng mahigpit ng makita ko siya.

“Oh anak? Anong nagyari?”

Humikbi ako. Hindi ko na napigilan. When Lawrence cheated on me, I didn’t cry. I get drunk, yes pero hindi ako umiyak. And right now with Acis, it’s different. I cried hard as I can. Maybe he kissed her back or maybe they are doing ‘’something’ right now. Damn! My heart is breaking.

How could he say he’s all mine when he doesn’t love me, right? Mag-asawa lang kami sa papel at wala ng iba. He can do whatever he wants! Bakit ko siya nagustuhan? Gusto? Like pa ba ‘to?

Hinayaan lang ako ni Nay Rosi na umiyak. Hinahagod niya ang likuran ko while saying comforting words.

“Nandyan na si Acis, anak.” Sabi niya ng marinig ang sasakyan ni Acis sa labas.

“Dito na muna ako, Nay.”

“Anak, dapat ang problema pinag-uusapan. Mag-asawa kayo kaya dapat nagkakaintindihan kayo at ang pag-uusap ang susi nito.

“Magandang gabi, Nay.”

I looked at Acis na nasa pintuan nila Nay Rosi. Lumamlam ang kanyang mga mata nang makita ako ngunit inirapan ko lang siya.

“Shane.” Tawag niya sa pangalan ko.

“I’ll sleep here, umuwi ka na.” sabi ko.

Nilapitan niya ako. Sinamaan ko siya ng tingin. “Umuwi ka na sa mansion at alagaan ang babaeng ‘yon.”

“Shane,” May pagsusumamo ang kanyang tinig. ‘Okay. Let’s talk.”

“Nag-uusap na tayo!” I fired back.

“Shane, pag-usapan niyo ng maayos.” Nay Rosi.

I sighed. “Sige Nay. Maraming salamat po. Uuwi na kami.” Sabi ko at nauna ng lumabas ng bahay. Ayokong pati si Nay Rosi mastress sa pangyayaring ito.

Nauna na akong pumasok sa sasakyan niya. Sumunod naman siya sa’kin. “Shane.” Tawag niya ulit.

“Shut up! Save it!”

Hindi na siya umimik at pinaandar na ang sasakyan. Maya’t maya niya naman akong tiningnan. Pagdating sa bahay, hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako at nauna na akong bumaba. Binuksan ko ang bahay gamit ang susi ko at paakyat na ako sa kwarto ko.

“Shane.” Pigil niya  at hinawakan ako sa siko. Umiwas ako. “Don’t touch me.”

“Nagseselos ka na naman.” Sabi niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi lang ito simpleng selos! I hate that bitch! I hate him and I hate myself!

“You kissed.” Sabi ko.

“What?!” nagtatakang tanong niya. He looked shock. Ang galing naman talaga!

“Damn! Huwag mo ng ideny! I saw it with my own eyes, Acis. You kissed!”

Inilapit niya ang mukha niya sa’kin at kinulong ng mga kamay niya ang mukha ko. Nanlaki ang mga mata ko.

“Ganito ba?!” then he pressed his lips on mine. Tinulak ko siya ng buong lakas ko at pinunasan ang labi ko gamit ang mga kamay ko.

“How dare you kissed me after kissing with that girl! Nakakadiri! Damn! virus!”

“We didn’t kissed, Shane. Fvck!”

“Eh ano yong nakita ‘ko?!” sigaw ko.

“Aba malay ko! Ano nga ba?”

“Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa’yo after saying she loves you! Ano yun ha? May muta ka o may dumi ka sa mukha kaya niya yon ginawa?!” sigaw ko ulit.

“Fvck!” natatawang mura niya. Ang gago! Pinagtawanan pa ako. Ugh! Annoying Mr. Sunog! Damn!

“She attempted, alright but I pushed her. Yan kasi! Umaalis ka na lang bigla. I already told you that I’m only yours and that means you’ll be the only one who can kiss me.”

Namilog ang mga mata ko. That bitch! Ugh! Sasabunutan ko talaga ‘yon pag nakita ko. Pero wala siyang ebidensya!

“Pano ko malalaman na nagsasabi ka nga ng totoo?” hamon ko.

“Ask her, then. Tsaka, loyal kaya ako.” Sure pa na sabi niya sabay kindat. I rolled my eyes. Ang landi landi ng babaeng ‘yon. Humanda talaga siya.

“Bakit ka nga ba nagseselos Shane? Is it still part of your acting as a wife?”

Umakyat ata lahat ng dugo ko sa mukha ko. Shit!

Nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya. “Tingin mo?!” nakataas kilayng tanong ko.

“Do you like me now, my wife?” he asked while looking intently in my eyes.

“Tell me. Damn! Kasi kung hindi mo ako gusto, pwes! Ako Shanella, gustong gusto kita. Fvck! Hindi pala, I love you Shane! The first time I laid my eyes on you, I fucking fell in love with you!” hindi ako makahinga dahil sa sinabi niya. Unti unti din siyang lumalapit sa’kin kaya napapaatras ako hanggang sa sumandal ako sa dingding. Inihaarang niya ang kamay niya gilid at tinitigan ako sa mga mata. “Now tell me, kaya kaba nagseselos kasi gusto mo ako?”

I bit my lips. It’s the right time to tell him I like him too right? Shit! ang sarap pala sa ears ng mga sinabi niya.

”Yes. I like you too. No, I think …. I’m in love with you too.” Amin ko. Umiwas ako ng tingin pagkatapos kung sabihin ‘yon.

Hinawakan niya ang chin ko at hinarap sa kanya. Nakangisi na siya ngayon.

“I love you my gorgeous wife.” He said then kissed me.

Runaway BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon