11. Uncertainty

43.8K 896 31
                                    

11. Uncertainty

Dinala ko siya sa apartment ko. May sakit na naman siya and I couldn’t leave her side. Kaya kahit gusto kong hanapin ang mga taong sumusunod sa amin hindi ko magawa kasi ayaw kong iwan siya dito. Natatakot ako. Natatakot ako na baka pag nawala siya sa paningin ko may mangyaring masama sa kanya. At kapag nangyari yun, hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Kanina tumawag ang kasamahan ko and reported that they haven’t found the people that are following us and that irked me at hindi ako mapakali.

Could it be that they already knew?

Pero impossible. Kung alam na nila then, ginawa na nila ang lahat para makuha ako.

Naglagay ako ng soup sa food tray and brought it to my room kung saan natutulog si Angela.  Huminga muna ako ng malalim bago ko binuksan ang pinto.

I wasn’t surprised to see her awake.  Nilagay ko ang pagkarin sa side table and looked at her.

"Eat." Nasasaktan ako tuwing nakikita ko siyang ganito. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko dahil sa mga nangyayari sa kanya. And I’m beginning to doubt kung tama ba talaga na itago ko sa kanya kung sino talaga ako. Pero hindi, ginagawa ko to para hidni siya mapahamak. And I would do everything just to keep her safe.

"I said eat!" I don’t want to treat her this way but if I have to choke it to her na kailangan niyang alagaan ang sarili niya gagawin ko. Kung kailangan bantayan ko siya oras oras at minu-minuto para lang masigurong kumakain siya sa oras at hindi nag iisip na magpakamatay gagawin ko.

Kinuha ko ang pinagkainan niya at dinala sa kitchen pagkatapos bumalik ako sa kwarto para painumin siya ng gamot.

“John..” Huminga ako ng malalim. I felt remorse whenever he called me by that name. Nasasaktan ako tuwing tinatawag niya ako sa pangalang John. Gusto kong marinig na tawagin niya ako sa totoong pangalan ko pero alam kong isang kalokohan ang hinihiling ko.

"Drink that."

"John you don't have to do this." Tiningnan ko siya. Ano ang gusto mong gawin ko Angela? Watch you die?

"Drink that."Pinipilit kong kumalma pero parang napakahirap gawin nun pag kaharap ko siya kasi sa mga oras na to gustong gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa.  Gusto ko siyang pagalitan sa ginawa niya pero wala na akong karapatan. Johann used to own her but John doesn’t have any right towards her. God! Sana bigyan mo pa ako ng lakas para mapigilan ang sarili ko.

"John, if you're mad at me...." Mad at her?

Tears of Angel (The Sequel)-In His Point of ViewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon