SA IYO AKING AMA

48 1 0
                                    

Composed by: Alex de Guzman | Interpreted by: Faith Cuneta

I
Ngayon ang panahon at pagkakataon
Na magbalik-loob sa Panginoon
Kabiguan, kasawian at kalungkutan
Sa ating Dios Ama ang kasagutan

II
Ang dalangin ko samahan Mo ako
Maging lugod at tapat sa'Yo
Kailan man Ikaw ay paglilingkuran
Dahil ang buhay ko ay sa'Yo lamang

CHORUS I
Patawad Oh aking Ama
Sa aking mga nagawang sala
Huwag na sanang malalayo sa'Yo
Ang buhay kong iniaalay sa'Yo

CHORUS 2
Tulungan Mo aking Ama
Makasunod ako sa'Yo t'wina
Nais kong maglingkod sa'Yong tunay
Mag-aalay papuri buong buhay
Sa Iyo aking Ama

III
Salamat sa Iyo aking Amang banal
Sa lingap Mo at pagmamahal
Dalangin ko sana ako'y 'Yong samahan
Hanggang sa buhay na walang hanggan

REPEAT CHORUS 1 & 2

INSTRUMENTAL

REPEAT CHORUS 1 & 2

CODA
Salamat sa Iyo, aking Ama

A Song of PraiseWhere stories live. Discover now