Opposites Ch. 13

113 2 2
                                    

Ch.13

Primavera

"Hoy, tinuturuan mo ba talaga ako? E kanina ka pa naglalaro diyan!" Sita ko kay Zaire.

"Wala ka na kasing pagasa, pati wag ka nga maingay," napairap na lang ako.

"Magbabasa na lang nga din ako, ano ba yan," reklamo ko bago kinuha ang phone ko at nagbasa pero nagulat naman ako ng kunin niya yun bigla.

Naka-gloves siya. Di padin na cure ang pagka clean freak niya, wala na nga atang pag-asa ang isang yan.

"Oh talo ako, tara aral na," nakangising sabi niya kaya agad ko siyang sinipa.

"WALANGHIYA KA!" Sigaw ko sa kaniya.

°•°•°

"Yan! Ingay mo kasi, napaalis tuloy tayo," sisi sa akin ni Zaire, napaalis kasi kami sa library.

Ba't pa kaya kami pinaalis e wala naman ng masyadong tao. Para saan pa ang katahimikan?

"Tara sa bahay," yaya niya.

"Luh ayaw ko nga," tanggi ko naman.

"Wala akong gagawin sayo loko ito, kailangan may mareport tayo kay Dean," napausap na lang ako.

As if naman naisip ko yun! Kahit na crush kita Zaire di ako ganoon ka feelingera, well slight lang pero...ah basta!!

"Basta uwi na ako ng mga 8, 9 curfew ko e. Baka mapagalitan na naman ako ni mama," tumungo naman siya bago ako pinagbuksan ng pinto.

"I'm surprised binuksan mo ang pinto ng walang towel or anything," pangaasar ko.

Pumaosk na din siya at sinimulan ang makina.

"Tsk, nililinisan ang kotse ko every hour. Para di kumapal ang alikabok," sabi niya, what do I expect?

"Heh, ano ipapawashing mo ba itong inuupuan ko ngayon?" Tanong ko habang inaayos ang laman ng bag ko.

"Nice, kilala mo na talaga ako," napairap na lang ako.

"Shemay ka Zaire," nasabi ko na lang.

°•°•°

"Haluh adik, grabe naman itong bahay niyo. Yayamanin," na sabi ko na lang ng makapasok sa ala mansion nilang bahay.

"Tara doon tayo sa study room," sabi niya kaya naman sinundan ko siya, mawala pa ako dito di ako makauwi.

"Asan pamilya mo?" Tanong ko ng mapansing mga katulong lang ang nakikita ko.

"Minsan lang sila umuwi, dapat nga nag apartment na lang ako kaya lang malaki kasi ang study dito at mas malinis," sabi niya, hayst i-sisingit niya talaga ang pagiging ckean freak niya e.





OppositesWhere stories live. Discover now