Mi Amore

7 7 2
                                    

Pumasok ang isang dalaga na nakasuot ng puting roba sa isang silid, at doon nakita niya ang mga estudyanteng nag-aaral ng medicina.

"Good evening!" Magiliw niyang pag bati sa mga ito at nag si tinginan naman ang mga ito sa kanya saka at ngumit at masiglang bumati rin pabalik.

"GOOD EVENING Dr. DAKOTA!"

"So, kamusta naman ang experience niyo dito?" Tanong niya sa mga ito.

"Maayos naman po, and so far sa isang linggong narito kami ay naging mabuti naman ang takbo ng lahat." Sagot ng isang mag-aaral na ang pangalan ay Kathy, habang nangingiting tumango naman si Dakota.

"Good, and sana wag kayong mapressure masyado, to be a doctor is not easy, as well as the other courses but, pag pursigihin niyo lang lahat at pasasaan ba't madudugtungan din ng Dr ang mga pangalan niyo." Sa sinabi ay nag sabay ng sabi ang mga estudyante ng 'TAMA'.

Pumunta si Dakota sa kanyang lamesa at doon ay naupo, at habang nag aayos ng gamit ay nag salita ang isang estudyante.

"Tutal wala naman ng masyadong gagawin si Dr. Dakota as well tayo, why not mag kwentuhan muna tayo for a bit?" Suhistyo ni Lise at nag sitanguan naman ang mga ito, habang ngumiti at umiling iling lang si Dakota.

"Sure ba kayong wala na kayong gagawin?" Paninigurado niya pa at sabay sabay naman na nag sitanguan at sabi ng 'Opo' ang mga ito.

"Okay, so anong pag kwekwentuhan natin?" Pag tatanong niya pa.

"Dr. Dakota, why not kwentuhan mo na lang kami ng something na interesting? Like ahm, may thrill ganun?" Pag aani naman ni Ram at tumango tango naman siya bilang pag sang ayon at nag isip.

"Okay, this story is about a girl who fall in loved with a man na dapat ay iniwasan niya, pero dahil sa mapag larong tadhana, wala nahulog siya eh, deeply and madly....." nag si hiyawan ang mga babae habang tahimik lamang ang mga lalaki. "Pero this story is not all about butterflies and rainbows, this story is a lot way more different sa mga narining niyo ng estorya."

"Isang araw pumunta ang mga estudyante sa gubat, mga taong kagaya niyo din, gustong maging doctor....." napa 'ohh' naman ang mga ito at tumango tango, "Napag pasyahan nilang libutin ang gubat, sa pag aakalang magiging masaya yun, pero hindi. Dahil isang malaking pag kakamali ang nagawa nila, na para sa isang tao ay pinaka masayang pangyayari sa buhay niya na isa rin palang wawasak sa makulay niyang mundo."

"Nag patuloy sila sa pag akyat sa bundok, hanggang sa umulan at nag sitakbuhan ang mga ito, mabilis silang tumakbo hanggang sa marating nila ang puso ng gubat, at doon may nakita silang isang malaking mansyon. Gulat man ay nag mamadali silang kumatok para sana humingi ng tulong dahil naliligaw na sila at wala silang masisilungan, kumatok ang isang kasama nila sa pintuan at sabay sabay silang nag dasal na sana ay may tao, at sinagot ata sila dahil may nag bukas ng pintuan.

"Hulaan ko, Dr. Mang kukulam yun no?" Tanong ng isang estudyante pero hindi niya ito sinagot, habang nag sitawanan naman ang iba.

"Tumambad sa kanila ang napaka puting babae, nakangiti ito nang napaka lapad at tinanong kung anong ginagawa nila at sinabi naman nila ang dahilan, pinapasok sila at kung malaki na ang bahay sa labas ay mas malaki pa ito sa loob. Inalagaan at pinakain sila ng marami, habang tuwang tuwa naman ang mga bata, lumipas ang isang araw at masama pa din ang panahon, habang nasa silid ang isang babae ay lumabas ito para sana ay mag ikot ikot, pero sa pag labas niya pa lang ay may dumaan sa harap niya na napaka kisig ay gwapong lalaki....." sa huling sinabi ay nag sitilian ang mga babae, "Yieeee!!!!!" Napa tingin si Dakota sa relong pambisig niya at nakitang oras na para umalis.

"I'll just make it short, anong oras na oh. So yun na nga, lingid sa kaalaman ng mga estudyante, mga cannibal pala ang mga tao roon." Sabay sabay naman na napa hawak ang mga tao sa loob sa bunganga nila at gulat na nakatingin lang sa kaniya. "Dumating sa punto na isa isa silang tinali at wala silang nagawa, pilit man silang manlaban ay wala silang lakas, hinampas at pinalo ang mga nag balak. Isa isang silang pinag papatay pero bago bawian ng buhay ay dumaan muna sa hirap ang mga ito."

"Hala, grabe naman."

"Nang ang babae na ang papatayin ay naka titig lang siya sa lalaki sa harapan niya, ang taong naatasan upang patayin siya, ang lalaking minahal niya at minahal din siya sa loob lamang ng maiksing panahon, pareho silang naka titig sa isa't isa at dahil sa pag mamahal ay humarap ang lalaki sa magulang niyang naka tayo sa may gilid habang may mala demonyong mga ngiti, tumanggi ang lalaki at sinabi niyang mahal niya ang babae, ngunit dahil sa galit ay hindi ito pinayagan ng mga magulang niya, tumutol ang mga ito ganun din ang ibang mga kauri nila sa likod ng mga ito, sa kasiraan ng ulo ay pina tanggal ng magulang niya ang tali sa dalaga at sinabing makakapayag lamang sila kung kakayanin nilang maka lusot sa boundary, sa daanan ng bundok."

"Hala, sana naman naka ligtas sila Dr." Nahahabag na ani ng isang estudyante.

"Tumakbo silang dalawa, hawak siya ng lalaki ng mahigpit sa kamay habang may hawak naman na palakol ang lalaki sa kabilang kamay, pinapatay ng lalaki ang kung sino man ang man ang humaharang sa daraanan nila....." naputol ang kwenekwento niya ng tumunog ang telepono niya at nakitang mensahe yun galing sa ina niya na pinapauwi na siya. "I have to go guys." Pag papaalam niya pa, kinuha niya ang mga gamit niya at nang akmang lalabas na ay sunod sunod na tanong ang ibinato ng mga estudyante.

"Did they survive?"

"Have they pass the test?"

"Who told you the story? Or where did you read it Dr. Dakota?"

"How are they?" Lumingon siya sa mga ito at saka ngumiti.

"Dr! Did they have a happy ending?" Sa tinanong ay dito lumabas ang mapait niyang mga ngiti.

"The woman did, but the man didn't." Huminga ito ng malalim saka ay mas piniling sagutin na lang ang pang huling tanong. "Hmmm they didn't, but I hope they did. You know guys, sometimes destiny works in a crazy way, kaya naman kayo mag ingat, okay?" Tumawa ito ng pagak at saka ay tumalikod ulit, pero napa hinto ulit ito.

"Dr! Last question, what's the name of the girl?" Lumingon siya ng bahagya at natahimik sandali, kapag kuwan ay sumagot ito.

"Dakota." Pag katapos nun ay tuluyan na itong lumabas habang napuno naman ng katahimikan ang buong silid.

"I hope she's not the Dakota on the story, it's just so tragic." Seryosong ani naman ng isang estudyante.

^_^

One Shots.Where stories live. Discover now