Charmer 9

2 0 0
                                    

Anong sabi ng lalaking ito?
"I said get out!"

Agad naman kaming napalabas, hindi ko alam sa pagkagulat o sa takot dahil may pagka otoridad ang boses nito.

"Ang sungit naman! Pero infairness ang gwapo," Hirit ni Ameya ang kinikilig pa. Napa-palatak naman si Colton.

"Mas gwapo ako dun! Lamang pa nga dahil mabait ako" Sabay pogi pose. Gross.

"Heh! Gumising ka nga! Mas gwapo pa yun kesa sayo!" At nagbabangayan na ang dalawa.

Papunta na kaming cafeteria dahil may two hours pa kaming vacant bago ang last subject namin sa morning.

"Nandun sila oh," Turo ni Ameya. Tiningnan ko si Ehra, tahimik nito ah.

"A penny for a thought?" Sabi ko dito. Umiling lang ito at ngumiti. Sabay sabing "Kain na tayo," at umupo.

"How's the first subject?" Tanong ni Kuya Aval, habang kumakain.

"Okay lang naman, focus na focus nga ang tatlong babae" Sagot ni Colton at kumain na rin.

"Really? So, Avery may natutunan ka ba?"

"Huy Hulk ano sa tingin mo? Siyempre meron! Ah, wait may tanong ako."

"What?"

"Tell me more about the Kingdoms specially the Wizard and the Black Charmer," It feels like something is missing. I dont know kung ano, feel ko lang parang may hindi sinasabi si Miss Ai or kulang lang talaga sa oras.

"Oww,"

"Every Kingdoms has its chosen one," Umayos ng upo si Ehra at uminom ng tubig at nagpatuloy ito. Nakinig din ang iba pang kasama namin dito sa table.

"We dont know who are they, but every lunar eclipse yung mga napili ay magkakaroon ng marka sa bawat bahagi ng katawan. Every year ito nagaganap. Pwedeng same person or iba naman. Dalawa lang ang kilala ko, si Marcos Antonovich na galing sa Water Kingdom at si Flame Ignite from Fire Kingdom. Limang taon na ring nakalipas na walang napiling chosen one ang Wizard at ang Black Kingdom" Huminga ito ng malalim at tiningnan ako.

"Black Kingdom as what our teacher says, they are the Black Charmers or the bad one, we are the White Charmers or the good. Tumiwalag sila dahil sa sakim sila sa kapangyarihan may Hari't Reyna rin sila, may chosen one rin sila same as the Wizard, wala pa rin sila nito."

"Bakit wala pa silang chosen one ?"

"Hindi pa rin nakikita ang anak ng Reyna, twenty years ng nawawala."

"Dami mong alam, Ehra."

"May mga libro sa room ko, kaya binasa ko ito at History ng Underworld ang nakita ko"

CharmersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon