sa aking pag-iisa, sa pagtanaw sa bintana;
naisip ko,
sana ganito kaliwanag ang isip ko, ang isip mo;
maunawaan kita, maunawaan mo ako;
maintindihan kita, maintindihan mo ako;
uunawain kita, uunawain mo ako;
iintindihin kita, iintindihin mo ako;
may kaunting kulimlim;
pero di ba bahagi naman ng isang relasyon ang kaunting pagdilim?
kaunting pagtatalo, away kung mas matindi;
wag lang poot o galit, aba! iba na 'yan;
may kaniya kaniyang opinyon, katwiran, alibi, dahilan, gusto, nais, pangarap, panaginip;
ngunit kung may pagbibigayan,
at nangingibabaw ang pagmamahalan,
liliwanag din ang kulimlim na 'yan;
sana andito ka,
para mas maliwanag ang lahat...
>senti_jhie
BINABASA MO ANG
bugso ng damdamin
Poetry'...ang mga luha ay mga salitang kailangang isulat at ilathala' (Paulo Coelho - inspirasyon ng mga nasabing salita)