Kabanata 3

2.1K 37 0
                                    

Kabanata 3

Acquaintance Party

Tahimik lamang kami ni Kirk habang sumasayaw sa malamyos na musika. My hands were on his chest while his arms were wrap around my waist. Direcho siyang nakatingin sa akin habang ako naman ay nakatingin sa kan'yang dibdib.

Kirk is avoiding me since that day happened. He's still my seatmate but lesser the talk. Hindi naman talaga siya palasalita ngunit nagsasalita naman siya kahit papano, hindi tulad ngayon na halos buong linggo ng tikom ang bibig niya.

Acquaintance party namin ngayon at siya ang kapares ko. Ngunit imbes na masaya ang araw ko ngayon ay nasira yata dahil sa pag-iwas niya sa akin. We are dancing awkwardly, o ako lang ang nakakaramdam ng awkwardness dahil parang wala lang naman ito sa kan'ya.

"H-hey." I utterly said. Nang mag angat ako ng tingin ay ang malamig niyang tingin ang bumungad sa akin. Napalunok ako dahil ro'n. "I said hey." I manage to say even though I'm very nervous.

"What?" Malamig niyang tanong sa akin. Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib. Hindi yata ako makakahinga ng maayos pagkatapos nito.

"Are you mad?" Mahina kong tanong sa kan'ya. Naitungo ko ang aking ulo matapos ko iyong sabihin. Uminit bigla ang aking pisngi. Kung bakit ko ba kasi iyon nasabi sa kan'ya no'ng nakaraang linggo, how stupid of me.

"Hindi." Ikling sagot nito ngunit nanunuot pa rin ang lamig sa kan'yang boses.

"B-bakit mo ako iniiwasan kung ganon?" Tanong ko sa kan'ya. Sa pagkakataong iyon ay bumitiw ako sa pagkakahawak sa kan'yang dibdib. Ibinaba ko ang aking mga kamay at tinignan ang kan'yang mukha.

"Iniiwasan ba kita, Thralia?" Inosenteng tanong nito sa akin. He was about to pull my waist again but I refused him. I won't dance with him not unless he tells me the truth.

"You're not a good liar, Kirk." Sagot ko sa kan'ya. He furrowed his eyebrows on me. Huminga siya ng malalim bago tuluyang tumayo ng matuwid. "You've been avoiding me ever since I told you that. Why?" Tanong ko sa kan'ya ulit.

"Thralia." He calls my name like I am some sort of a puzzle that is very hard to solve. "You said you hate me very much." He said a matter of factly. I'm waiting for him to explain more but he did not.

"Yes, Kirk. I've been telling you that ever since we met, have you forgotten? But, you, you never avoided me." Naguguluhan kong sagot sa kan'ya. Inihilamos niya ang palad sa kan'yang mukha.

"So, Thralia? What if I'm avoiding you?" Malamig niyang tanong sa akin na nagpakunot ng noo ko. "Why do you care?" Tanong ulit nito sa akin. We never mind the people who are dancing around us. Nanatili kaming nakatayo habang magkaharap at nagtatalo.

"I care because I want to know why you're avoiding me all of a sudden!" Medyo iritadong sagot ko sa kan'ya. Paikot ikot na lang kasi ang aming usapan. Parang pati ang pagsagot sa akin ng matino ay iniiwasan niya na rin. To hell with this guy.

"Why do you want to know?" He asked as if I am not irritated. Inirapan ko siya I am on the verge of telling him how I hate him so much but I stopped myself. Baka iwanan niya na talaga ako rito sa gitna ng maraming tao pag nagkataon.

"Kirk, my question is so simple. You just have to answer me why you're avoiding me all of a sudden, but instead of answering me, you questioned me back. Are you dumb or just simply stupid?" Irita kong tanong sa kan'ya. Iritado niya rin akong tinignan.

"Stop this Thralia. I find it nonsense for you to question me these things. You never really care before but why are you suddenly so curious?" Iritado niya ring tanong sa akin. Nasapo ko na lang ang aking noo at bahagyang hinilot ang aking sentido.

Controlling the Wild Beast Where stories live. Discover now