Chapter 7: Prediction of the innocent

2 2 0
                                    

Diannes POV

Huminto ang kotse ni Lance sa parking lot ng school at kaagad kaming pumasok ng gate at nagsimulang magtungo papunta sa room ni Jancy sa Seventh floor ng University.

As we enter the elevator theres a weird feeling na may mangyayari talagang masama.

Is it us na  nag-oover think or talagang may mangyayari.

Tumigil ang elevator sa 3rd floor ng University at bumukas ang pinto nito.

Sumalubong samin ang anim na mga istudyante na nakangiti sa aming apat.

Isa isa nilang isinuot ang mga maskara nilang may baliktad na pentagram sa noo at binunot ang baril at kutsilyo sa nga beywang nila.

"Bilis Lance! isara mo ang pinto!" Sigaw naman ni Lays na nagpapanic sa nakita niya.

Nagulat ako ng biglang kinalabit mg lalakeng istudyante na nakamaskara ang kanyang hawak na baril.

Isang nakakabinging pagputok ang naganap.

Nakatayo ako sa harap ng mga kaibigan ko at nakaharap ang kanan kong kamay sa mga nakamaskara.

At napigilan ang bala na lumipad patungo sa ulo ni Lance.

Napasigaw ako at pinatilapon ang mga nakamaskara papalayo sa amin.

Madaming mga istudyante ang nakakita sa nangyari at kaagad silang nagtakbuhan.

Nakarinig kami ng mga pagputok ng baril sa baba ng University na mukang nakasilencer.

Napatakbo kaming apat sa hagdan at nagsimulang tumakbo papataas.

Hindi namin inanintala ang pagod at dalidaling narating ang seventh floor ng University.

Dumeretso kami sa room ni Jancy at nadatnan sila ng mga classmates niya na nakayuko sa ilalim ng mga upuan at nagmamakaawang wag silang patayin.

Napatakbo papunta sa kanya si Lance at kaagad siyang inakap.

"Okay guys! Halika na at lalabas na tayo!" Bulyaw ni Hanz habang isa isang lumalabas ang mga classmate ni Jancy.

Nahuli kaming lumabas nina Hanz at nagulat kami sa aming nakita.

Napakaraming mga dugo ang nasa dingding at nakita namin ang nagkalat na mga parte ng katawan ng mga kaklase ni Jancy.

Napa hinto kami ng makita namin ang isang napakalaking halimaw na marami ang galamay.

Sinubukan naming magtungo sa isang direksyion ngunit naharangan na ito ng mga nakamaskarang istudyante.

"Hoy! Anong ginagawa niyo? Please patakasin niyo kami." Bulyaw naman ni Lays na nakasandal sa ding ding.

Inipon ko ang lakas ko at sinubukang paangatin ang mga kaibigan ko.

"Anong ginagawa mo Dianne?" Bulyaw naman ni Hanz habang nakalutang sa ere.

"Ililigtas ko kayo." Bulong ko sa kanya sabay nginitian.

Ibinaba ko sila sa 5th floor ng University at mukang naubos nito ang lakas ko.

Sinimulan kong maglakad papasok ng classroom at ikinandado ang pinto.

Nagsimulang hampasin ng halimaw ang pintuan at kaagad na nasira ito.

Isa isang pumasok ang mga nakamaskarang istudyante at tinutukan ako ng mga baril at kutsilyo.

"Sumama ka na sa amin, ng sa maiwasan natin ang pagkamatay ng iyong mga kaibigan." Pangungumbinsi sa akin ng lalaking nakamaskara.

Nagsimula siyang maglakad papunta sa akin at kaagad ko siyang pinigilan gamit ang kapangyarihan ko.

Nagsimulang kumalabit ang isang nakamaskara at umalingawngaw ang pagputok ng baril.

Nakita kong bumulagta ang isang nakamaskara sa likod.

Nakita kong nakatayo dun si Hanz.

At Naagaw niya ang pansin ng halimaw.

Napasigaw ako at nanumbalik ang lakas.

Pinalutang ko ang mga baril na hawak ng mga istudyante at sinimulan ko silang barilin ng paulit ulit hanggang ang natitira nalang ay ang lalaking kontrolado ko.

Pinalutang ko siya sa ere kasabay ng mga baril na nakalutang din.

"Hindi niyo ako makukuha." Bulong ko sabay pinaputukan ng mga baril ang ulo niya.

Lumabas ako ng room at naglakad patungo sa elevator kung saan hinahampas ito ng halimaw at pilit na pumapasok.

"Hoy baliw! Ako ang harapin mo!" Bulyaw ko habang papalapit sa halimaw kasabay ng mga baril na nakalutang sa ere.

Nagsimulang tumakbo papunta sa akin ang halimaw at kaagad ko siyang pinaulanan ng bala.

Ngunit hindi parin ito tinatablan.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" Sigaw ko habang nakatutok sa halimaw ang kamay ko at pinahinto siya sa kinalalagyan niya.

Tumingin ako sa mga babasaging bintana ng mga classroom at kaagad itong binasag.

Sa pangalawang attempt na patayin ang halimaw gumamit ako ng mga malalaking basag na parte ng Bintana at kaagad itong ibinaon sa ibat ibang parte ng katawan ng halimaw.

Napatigil ako ng hindi na kumikibo ang halimaw at nagsimulang maglakad sa dugo nito.

Hindi mabuksan ang elevator dahil sa stuck ito.

Kaya ako na mismo ang nagpwersang binuksan ang pinto.

Biglang may lumabas na palaso as elevator na papunta sa akin at napigilan ko ito sa ere.

Tumingin ako ng makita kong hawak ni Lays ang isang pana.

"Lays? papatayin mo ba ako?" Pasigaw kong tanong sa kanya.

"Sorry, akala ko ikaw yung halimaw." Bulong naman niya.

Lumabas sila Hanz at ang iba pa sa elevator at nagsimula kaming maglakad pababa ng University gamit ang hagdan.

Nailigtas nga namin si Jancy pero hindi ko nailigtas yung ibang mga istudyante.

Napahinto ako sa paglalakad.

"Hanz, bakit? Nangyayari to sa akin?" Bulong ko sa kanya na huminto kasabay ko.

"I think it's because god is testing you, kaya tatagan mo lang sarili mo tandaan mo nandito din kami sa tabi mo." Pagcocomfort naman niya sa akin sabay nginitian ako.

Nagulat ako ng hinawakan niya ang kamay ko at nagsimula ulit kaming bumaba ng hagdan.

Hindi mo lang alam Hanz, matagal na kitang crush.

At mukang mahal na kita.

"I will do anything to protect you and my friends." Bulong ko sa sarili ko.

The DevilReaper Cultحيث تعيش القصص. اكتشف الآن