PHOTOGRAPH (oneshot)

95 6 3
                                    

PHOTOGRAPH (oneshot)

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"KUYA, YUNG PICTURES KO PO?" Sabay sabay na tanong ng apat na estudyante dun sa lalaki sa may rush id station.

"Eto." Sabay sabay nilang kinuha yun. Halata mo sa mga mukha nila na nagmamadali na sila.

***

Mabilis ko namang nilagay ito sa bulsa ng bag ko. Nagmamadali na kasi talaga ko. Gosh! Malelate na ko sa class ko. Kasi naman e. Nagyaya pa kasi sila Janine kumain eh. Yung rush id din naman kasi na sinabi nila kuya, nganga! Nagloko pa yung printer nila kanina. Binalikan ko na lang tuloy.

"Hoy Beatrice Vivian Costanza! San ka na naman nagpunta? Buti na lang wala pa si Sir Sarmiento! Alam mo namang ang init ng dugo nun sa section natin. Kung naabutan mo siya at late ka, nako! Ewan ko na lang!" Sabi ni Genesis, kaklase ko at close friend.

St. Irmina Academy. Dito ako nag-aaral. Isa 'tong semi private school. Dito nag-aral ang mga magulang ko nung highschool sila kaya dito na rin nila ko pinasok. 4th year highschool na ko. Pangarap kong magcollege sa HRMU (HRM University). Gusto ko kasing maging isang sikat na chef someday. Ilang buwan na lang hihintayin namin, graduation na namin.

"Eh kasi naman nagyaya sila Janine kumain dyan sa Tapsihan sa may Don Greg." Si Janine, kaibigan ko na nakatira malapit lang dito sa school.

"Tapos nagpapicture pa ko para sa pinapapasa ni Sir Sarmiento na 1/2 index card. Eh nagloko pa yung printer nila kuya, ayun. Binalikan ko pa." Nag-iisa lang kasi yung rush id na yun na malapit dito sa school. Kung pupunta pa kasi ako dun sa WalterMart, wala na! Baka tapos na yung class namin kay Sir Sarmiento bago ako nakabalik. Napakaterror pa naman nun.

"GUYSSS!! Listen!!" Sigaw ni Anthony, ang nerd na president ng class namin. Tumingin kami lahat sa kanya.. "Class dismissed! Wala na daw class. May biglaang meeting ang mga teachers kay Sir Francisco e. Happy weekend!" Si Sir Francisco yung may-ari ng school. Laging ganun, pag may biglaang meeting, pinapauwi na kami! Yey!! Weekend na! Ayos lang pala kung nalate ako e. Sayang lang pagmamadali ko. Hahaha!!

"Mommy! I'm home!!" Sigaw ko.

"Anak, ang aga mo naman ata?"

"Wala na po kaming klase. Nagkameeting na naman kasi po e."

"Ah, o sya. Pupunta lang ako sa Tita Agnes mo. May ibibigay lang ako sa kanya. Magmeryenda kayo dyan ni Manang Myrna mamaya."

"Sige po. Ingat po, Mommy! I love you!"

"I love you, too! Sige. Babye!" Umalis na siya. Sobrang close namin ni Mommy. Kami lang magkasama dito sa bahay saka yung isang maid. Wala akong kapatid. Si Daddy naman nasa Singapore, nagtatrabaho. Chef din si Daddy sa isang sikat na hotel dun sa Singapore.

PHOTOGRAPH (oneshot)Where stories live. Discover now