2

11 0 0
                                    


Hanggang kailan mo kaya mahalin ang isang tao?

Meron bang hangganan?

Hanggang ilang mali yung kaya mong patawarin o tanggapin? 

Hanggang saan lang yung limitasyon mo?

Hanggang ilang beses mo kakayanin kahit masakit na?

Hanggang ilang beses mo mamahalin yung taong paulit ulit kang sinaktan.

Ako kasi, hindi ko na mabilang. Tanga daw ako. Martyr. Hindi nag iisip.

Pero inisip ko naman, paulit ulit pa nga eh,
Pinaninidigan ko kasi yung habang may maliit na pag asa o chance sa kabila ng sakit, mamahalin ko at aantayin kong maging maayos.

Pero noon yun!
Ngayon, hindi na, hindi pala sa lahat ng pagkakataon pwde mo  i apply yung prinsipyo na yun, kasi kahit kasing liit ng palay, wala ka nang makitang dahilan para ipagpatuloy mo pa yung pagmamahal mo.

Nagmahal kasi ako. Pero. Wala eh. Kahit sang anggulo ko man tignan. Dapat na talagang tigilan. Kasi ako lang masasaktan.

eh yung mga taong nanakit? mga nagloko? mga nangaliwa? nang agaw? at yung mga taong alam nila na sila yung may kasalanan pero sila pa yung matapang?

Pag nagkatuluyan kaya sila magiging masaya ba?

Sana Hindi. Alam kong hindi. At hihilingin kong hindi.

Hindi ako bitter ah. Isa lang akong biktima ng isang magulong istorya.



Author: So, ito na nga, yung ex ko at jowa niya ngayon ginugulo ako, so masaya kaya sila? HAHAHAHA.
Lol. Wah sana suportahan niyo to.
Mwah.

Story Telling: My Love StoryWhere stories live. Discover now