Chapter Three

3.8K 63 0
                                    

NAKAHARAP sa kanyang lecture notes si Queenie pero wala naman doon ang kanyang isip kung hindi na kay Lyndon. Kagabi pa ito naglalalaro sa kanyang isipan. Sa tuwing maaalala niya kung paano nito ipinagtanggol ang batang pulubi ay hindi niya mapigilan ang sariling hindi mapangiti. Parang higit pang nadagdagan tuloy ngayon ang kagustuhan niyang makilala nang lubusan ang lalaki.

"Hey, bestfriend, sorry I'm late." Humalik sa kanyang pisngi si Verna saka naupo sa kanyang harapan. "By the way, have you heard the news?"

"Nako, ano na namang balita 'yan, Verna?" tatawa-tawang sabi niya rito. "Baka naman kung anong—"

"It's about Vergara," pamumutol nito sa kanyang sasabihin. "I heard nasangkot na naman siya sa isang gulo kahapon."

Natigilan siya sa narinig na sinabi ng kaibigan. Sinulyapan niya ito. She saw a great amount of repulsion from her face.

"You know what he did?" anito. "Walang habas lang naman niyang sinuntok ang isang motorista kahapon sa labas ng university."

Nagbaba ng tingin si Queenie. She knows that it's not right but she can't help but feel offended to her bestfriend. Paano nito nagagawang magpakita nang gayong pagkamuhi sa lalaki gayong hindi naman nito nakita kung ano ang totoong nangyari?

"See, that's what I'm trying to tell you, Queenie!" bulalas nito na para bang isang napakalaking kasalanan ang ginagawa niyang pagtatanggol kay Lyndon. "Halang talaga ng bituka ng lalaking 'yon at puro problema lang ang dala niya dito sa college natin."

Nagbuga siya ng hangin.

"Verna, hindi niya kasalanan iyon," sabi niya rito pagkatapos. "Naroon ako kahapon at kitang-kita ko kung paano niya pinagtanggol ang isang batang pulubi laban dun sa malupit na motorista."

Hindi nakapagsalita si Verna. Napahiyang nakagat nito ang ibabang-labi. Sa ikalawang pagkakataon ay muli siyang napabuga ng hangin.

"Hindi halang ang bituka ni Lyndon, Verna." dagdag pa niya. "Sana naman bago ka makinig sa mga bali-balita ay alamin mo muna kung anong totoong nangyari."

"Sorry na, bestfriend." kagat-labi pa ring hinging-paumanhin nito sa kanya. "Kasi naman, yung nagkwento sa akin no'n, walang binanggit na may bata palang pulubing kasama doon sa eksena."

Napailing-iling siya at muli nalang itinuon ang atensyon sa kanyang lecture notes. Iyon ang problema sa mga tao, hindi pa naman alam ang isang panig ng balita, agad nang nanghuhusga. Sa palagay niya, katulad ng kaso ni Lyndon, iisang panig lang ng pagkatao nito ang nakikita ng mga tao, at 'yon ay ang negatibo. Natabunan na ang positibong panig ng katauhan nito dahil sa negatibo nalang palaging nakasentro ang mata ng mga tao. Kung may paraan lang sana para maipakita niya rin sa ibang tao kung ano ang nakikita niya sa binata ay gagawin niya. Gagawin niya dahil alam niyang deserved nitong makatanggap ng pang-unawa at hindi lang puro kritisismo.

"MAUPO KA, Mr. Vergara." Ang bungad ni Mr. Francisco, ang dean ng College of Arts and Sciences, pagkapasok ni Lyndon sa loob ng opisina nito.

Naupo siya kagaya ng sinabi nito. Matagal na tinititigan lamang siya nito na para bang isa siyang kriminal. Hindi niya iyon ininda sapagkat mula umpisa palang naman ay alam na niyang labis na ang pagkondena nito sa kanya.

"Mr. Vergara, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa," mayamaya ay seryosong sabi nito. "Alam kong alam mo ang dahilan kung bakit ipinatawag kita ngayon dito."

Napaismid si Lyndon. Kung inaakala nito na magkakandarapa siya para lamang ipaliwanag kung bakit siya nanuntok ng isang walang modong motorista kahapon paglabas ng university ay nagkakamali ito. He would not give that benefit to anyone, most especially to this man, na wala naman alam gawin kung hindi ang husgahan siya.

MISS GOODY TWO-SHOES AND THE REBEL (Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon