As I Promised

17 3 0
                                    

"As I Promised."

Ito na ang araw na pinaka-hihintay ko. Ang makita ko ang babaeng pinaka-mamahal ko na suot ang pinaka-magandang gown sa mundo.

Maya-maya pa ay bumukas na ang pinto ng simbahan.

Malayo pa man ay agad ko ng nasilayan ang 'yong mukha.

Sa bawat hakbang mo papasok sa loob ng simbahan palapit sa'kin ay unti-unting nahuhulog ang aking mga luha.

Marahil ako ay masaya dahil dumating na ang araw na pinangako ko sayo.

Sa di kalayuan... pansin kong ikaw ay nakatitig din sa'kin. At ang 'yong mga mata ay nagsisimula na rin maglabas ng luha gaya ng sa'kin.

Habang ikaw ay papalapit ng papalapit sa'kin ay unti-unting bumabalik ang alaala noong araw na sinabi ko sayo ang aking nadarama.

***

"Uhmm... Alyssa may sasabihin ako sayo." Naka-ngiting sabi ko pero kinakabahan talaga ako.

"Sige, ano 'yon?"

"Totoo bang aalis na kayo dito?"

"Oo eh. Doon na ako sa province namin mag-aaral."

"Sayang naman."

"Huh? Anong sayang do'n?"

"Kasi di na kita makikita."

"Ano ka ba? Magkikita pa tayo no. Lilipat lang naman kami do'n pero bibisita pa din kami dito sa manila."

"Pero kung sakali bang sabihin kong gusto kita di na kayo aalis?"

"Sus! Bata pa tayo di pa p'wede. Papagalitan ako ng papa ko."

"Edi hihintayin ko hanggang mag eighteen ka na 'tsaka kita liligawan."

"Matagal pa 'yon. Makakalimutan mo din 'yang nararamdaman mo sa'kin."

"Paano kung hindi? Papayag ka pa rin ba na ligawan kita pag nag eighteen ka na?"

"Paano kung may boyfriend na ako no'n? Anong gagawin mo?"

"Pake ko kung may boyfriend ka no'n? Basta promise ko sayo, kahit mag boyfriend ka pa ng marami hangga't di ka pa kinakasal, maghihintay ako." Naka-ngiti kong sabi.

Nang time na 'yon alam kong wala pa akong muwang sa mundo. Hindi ko rin alam ang sinasabi ko pero yung pinangako ko sayo; hanggang ngayon pinanghahawakan ko.

Apat na taon na ang lumipas.

Eighteen ka na.

Pero ito pa rin ako, umaasa na uuwi ka sa manila.

At nagkatotoo naman.

'Yon nga lang... nalaman ko na may boyfriend ka na at almost one year na kayong dalawa.

Nagulat lang ako bigla kasi ang pagkaka-alam ko, pag nag eighteen ka do'n ka palang p'wedeng ligawan.

Oo, masakit sa part ko. Pero ano nga bang magagawa ko? Di naman ako p'wedeng magalit o kahit magreklamo kasi wala namang tayo. 'Tsaka malamang ang akala mo siguro nakalimutan ko na yung pinangako ko sayo kasi nga matagal na 'yon at bata pa tayo.

Pero nagkamali ka do'n. Kasi yung pangakong 'yon ay tinutupad ko. At dahil sa pangakong 'yon, ngayon kakayanin ko kahit na may nagpapasaya na sayo.

Alam mo ba kung anong sinasabi ko sa sarili ko?

"Okay lang kahit mauna sila sa'kin... kasi ang mahalaga ako naman yung huli mong mamahalin."

'Tsaka bukod pa do'n, lagi kong inaalala yung pangako ko sayo. Na hangga't di ka pa kinakasal maghihintay ako kaya kahit masakit... kakayanin ko.

Anim na taon na ang lumipas.

Sinubukan ko rin magmahal ng iba para kalimutan ka, at alam mo ba? Nagawa kong limutin ka ng pansamantala.

Naisip ko kasi na baka nga siguro, hindi talaga tayo ang para sa isa't-isa. Kaya muli kong binuksan ang puso ko para sa iba; at nagawa ko naman.

Nagkaroon ako ng kasintahan pero di rin kami nagtagal. Inaamin ko, minahal ko rin siya at di ako napilitan lang.

Pero dalawang buwan ang makalipas pagkatapos kong masaktan sa ibang babae... muli kang nagparamdam.

Ang sabi mo sa'kin, hindi kayo nagkaka-intindihan ng boyfriend mo. Hindi ko alam kung anong trip mo at naisipan mong magk'wento sa'kin ng nangyayari sa inyo.

Nang mga oras na 'yon ay umiiyak ka.

Di ko alam ang gagawin ko kasi nga malayo ka at saka ang unang pumasok sa isip ko ay wag mangi-alam dahil baka ako pa ang maging dahilan ng hiwalayan niyong dalawa.

Kinabukasan, muli mo kong chinat. Ang akala ko ay okay na kayong dalawa pero 'yon pala ay tapos na kayong dalawa. Natutuwa ako na nagagalit sa nalaman ko.

Natutuwa ako dahil nalaman ko na wala na nga kayo, at maaring may pagkakataon na ako. Pero nagagalit ako dahil sinaktan ka niya.

Ikaw yung babaeng pinangarap ko na nagbago dahil lang sa lalaking pinakamamahal mo. Tapos nalaman ko na sinaktan ka lang niya ng gano'n, kahit sino naman siguro magagalit do'n.

Pero nang dahil sa pangyayaring 'yon bumalik ang nararamdaman ko sayo.

Nagkaroon ulit ako ng pag-asa na baka sakaling sa pagkakataong ito ay naayon na sa kahilingan ko.

Muli akong naghintay sayo kahit na napaka-tagal at sa pagkakataong 'to, muli akong sumugal. Hindi ko na muling sinubukan na kalimutan ka at maghanap ng iba para mawala ang nararamdaman ko sayo.

Inisip ko ito na 'yon. hindi ko na papalampasin pa ang pagkakataong ito at muli akong aamin ng nararamdaman ko sayo.

Pero gayon pa man ay di mo ko kinibo. Hindi ko alam kung ano ba talagang sagot mo pero naghintay pa rin ako. Siguro wrong timing lang ako nang araw na 'yon o siguro may bago ng nagpapasaya sayo.

***

Pero ngayon ito na, nandito na tayo sa pinaka-hihintay kong pangyayari.

Ang araw ng kasalan.

Ilang hakbang nalang ay magka-pantay na tayo ng kinatatayuan.

Naka-tingin ka sa'kin habang lumuluha ng may ngiti sa mukha.

Sa pagkakataong 'to alam ko na ang dapat kong gawin.

Kaya ngumiti din ako sayo pabalik kahit na patuloy ang pag agos ng aking luha.

Sa pagpapatuloy mo ng paglalakad papunta sa altar ay tinaggap ko na... tanggap ko na hindi talaga tayo ang para sa isa't isa.

Sa palagay ko ngayon ay tapos na ang pinangako ko sayo. Tapos na ang paghihintay na ginawa ko dahil dumating na ang araw na katapusan ng pangako ko. Pero kahit gano'n pa man, alam ko sa sarili ko na tinupad ko ang pangako ko sayo na hangga't di ka pa kinakasal ay maghihintay ako. Siguro nga'y di talaga tayo ang tinadhana... pero ngayon ay alam kong ganap na akong malaya.

Kaya sa pinaka-masayang araw ng pinaka-mamahal kong babae... pipilitin kong maging masaya.

At hindi ko pinagsisihan na naghintay ako ng napakatagal kahit na hindi siya naging akin kahit kailan. Dahil ang mahalaga... minahal ko siya at tinupad ko ang pangako ko sa kanya.


A/N:

Hindi pag-aaksaya ng panahon ang paghihintay ng matagal sa taong iyong pinaka-mamahal kahit na walang kasiguraduhan. Bagkus ito ay pagpapakita lang na minahal mo siya dahil mahal mo siya, hindi dahil sa kung anong panlabas na ka-anyuan lang ang nakita mo sa kanya.

As I PromisedWhere stories live. Discover now