-
Iba pala pagnaramdaman
Kaya pala kusang mararamdaman
Ang pagibig na muling bumalik
Na akala ko'y di na babalik-
Akala ko lang pala
Nung una'y iwinaglit ko ito't binaliwala
Pero tuwing kinakalimutan
Biglang bumabalik ang nakaraan-
Mga alaalang masasayang balikan
Alaalang tumatak saking isipan
Ang yung ngiti
Na nagpahupa saking pighati-
Nais sana kitang balikan
Pero paano, paano kung bigla kanalang.....
lumisan
Na nagpaluha sakin ng lubusan
At iniwan akong luhaan-
Sa ilalim na umuulan na kalangitan
Pero sapat na ang mga palatandaan
Sa puso kong dumurugo
Ang ngiti ko'y kabaliktaran ang nakatago
-Wala na bang katapusan
Ang masaktan ng ganito kalubusan
Ang sakit, subrang sakit sa kalooban
At ngayon ako naman ang lilisan-
Masakit man tanggaping
Lumayo kang muli sa aking piling
Tatanggapin ang iyong paglayo
At ako nalang ang kusang lalayo-
Ibabaon ko lahat sa limot
Mga nakaraan nating nabahidan na nang lumot
Hanggang sa muli nating pagkikita
Noon at ngayon Mahal parin kita...
-------------------------------------------------------------------
![](https://img.wattpad.com/cover/195712420-288-k158367.jpg)
YOU ARE READING
Idadaan sa TULA
PoetryHello po, first time ko po ito.. at tula pa.. ahaha.. actually di ko sana i-publish yung mga tula ko sa wattpad eh.. pinilit ako... kaya wala akong magawa😅 Bigo kasi ako kaya gumawa ako ng tula na di ko naman aakalain, Na masakit pala sa damda...