『limot』

25 0 0
                                    

『limot』

Saturday morning umalis ang magulang niya sa hacienda. Hindi siya bumaba para magpaalam o kaya ay nagtext para lang masabi na magingat ang mga ito. First time niya itong ginawa. Usually, pag may tampo siya sa papa at mama niya, kapag aalis ang mga ito, magsosorry siya agad kahit hindi siya ang may kasalanan. Kinakain siya ng konsensya niya sa tuwing nakikita niya ang lungkot sa mga mata nila.

Pakiramdam niya kasi, masasayang ang oras na magkakasama sila.

Pero, pride ang nanaig sa kanya ngayon.

Nagumpisa na rin siyang magbuo ng canvas niya. Tutal nasa mood naman siyang magpinta at mag-emote. She just needs to lash out her inner emo self. She tried putting her feelings in the canvas. Her typical work are light and very uplifting. But she wanted to paint darker ones today.

May dalawang katok ang narinig sa pintuan niya hours after she drafted her work. Hindi niya ito pinansin dahil sinabi niya na sa mga katulong na wag siyang iistorbohin. Baka si Jade lang naman iyon.

Nagpatuloy pa rin ang katok at sa bawat ingay na ginagawa nito ay patuloy siyang naiirita. Padabog niyang ibinaba ang palette at brush at saka gigil na tinahak ang daan papuntang pintuan. Magsasalita sana siya ng biglang pumasok ang nasa pintuan.

And look, it's the devil himself.

Uriel looked at the state of her room. Nagtataka ba ito dahil sobrang kalat ng kwarto niya? Psh. Ang bilis naman ata nitong mag-stereotype. She rolled her eyes at the thought and observed him observe her cave. He doesn't looked satisfied at all.

"Anong ginagawa mo dito?" Biglang sabi ni Uriel.

Nagulat naman ang dalaga sa sinabi nito. "Good god, ikaw ang nag-barge in sa kwarto ko and you're accusing me of being here. Are you crazy?"

He ignored her and leveled his eyesight to her. "Aradiel, I know things suck pero hindi ka pwedeng magmukmok dito."

"Quit acting. Para kang tanga."

He stopped talking before setting his eyesight on her bed and sat there. He had the thought of examining her painting.

"Gawa mo?"

Idiot. "Obvious ba?"

"See? You're stuck up. You're so uncool. Sabi nila Tita Annie, hindi ka daw boring kausap."

She gritted her teeth. "What. Do. You. Want."

He blinked. "A lot. Hindi ko mabilang eh."

"If you're acting crazy and a jerk, lumayas ka sa kwarto ko."

"And what if I don't want to?"

"We're seriously going to do this? Sa kwarto ko?"

He signaled for her to go on and talk. Nababaliw na ang isang to.

"Do what you want. Wag ka lang manggulo."

Dahil nanahimik lang ito, hindi na pinansin ni Aradiel ang lalaki. Bahala siya diyan. Bumalik siya sa pwesto at sinubukang lagyan na ng kulay ang draft pero bigla nitong pinigilan ang kamay ni Arry.

Sun-kissedWhere stories live. Discover now