Chapter 13

23.2K 419 4
                                    



"OH! ANONG ATIN, Edward?" tanong kaagad ni Yhesa sa kaibigan.

"Inom muna tayo," sagot niya.

"Parang kay bigat ng problema mo ah. In love ka na ba sa asawa mo, Edward?"

Awtomatikong napatingin naman sa kaibigan si Edward, sa sinabi nito.

"Oh yes, in love ka na nga. So, anong problema mo, easy lang ang sulusyon ang katapat niyang tell her na mahal mo siya sa tingin ko naman, eh. Mahal ka rin niya, di tapos ang problema mo."

"Hindi ganon kadali, Yhesa. "

"At bakit, naduduwag ka ganon ba? Hoy, Edward wala ka niyang di ba? O baka ngayon palang dahil in love ka nga."

"Maybe, pero hindi 'yan ang gumugulo sa akin, Yhesa. "

"Ano nga?"

"H---hindi ko pala siya asawa!"

"What?" Nanlaki pati butas ng ilang niya."Wait, anong ibig mong sabihin,eh. Samantalang ikinasal naman kayo, ah?"

"Oo, pero si Mommy..."

"Oh no, don't tell me na nakialam na naman ang Mader mo?"

Tumango si Edward sa kaibigan.

"Oh may gosh! Don't tell me na  pinakialaman niya registration ng kasal ninyo ni Rossana?"

"Exactly, Yhesa. "

"Naman, naku! Iyan mommy mo talaga, Edward, nakakalagas siya ng bangs, ah!"

"Anong problema ninyo," ni Perry na kadarating lamang.

"Hay, naku itong si Edward, in love na sa asawa niya."

"Oh, that good, para masaya na ang pagsasama nila. "

"Ay ewan ko!" sagot ni Yhesa.

"Hoy, bakit ganyan ang reaction mo, Yhesa, hindi ka ba natutuwa para kay, Edward?"

"Hindi, no!

"At bakit naman?"

"'Yan si Edward, ang tanungin mo 'wag ako, Perry. "

"What's up, bro?"

"Si Al, pumunta sa bahay kanina."

"What? Ang damuhong iyon! Manunulot pa, ay naku makakalbo ko siya ng pinong-pino!" Malanding sabi ni Yhesa.

"'Wag mong sabihin umakyat na siya ng ligaw kay, Rossana?"

Kumunot ang noo ni Edward."Paano mo alam, Perry?"

"Sinabi niya rin sa akin ang pinag-usapan ninyo. "

"Gagong, Al. Iyon ah, alam na nga niyang asawa ni Edward si Rossana makikisawsaw pa," sabat ni Yhesa.

"Siya ang nagsabi kay Rossana na hindi balido ang kasal namin."

"Sandali, Edward. Paano mo naman alam, na hindi nga balido ang kasal ninyo ni Rossana?"

"Narinig ko, kaagad kung pinuntahan si Mommy, para alamin ang totoo tama nga si Al, wala akong karapatan kay, Rossana," paliwanag niya.

"So, ganon na lang, Edward. I give up mo na kaagad si Rossana? Kung kailan nararamdaman mo na mahal mo na siya."

"Ano bang gagawin ko?" Tanong niya sa dalawa.

"Ano pa di ligawan mo. At sabihin mong mahal mo siya, pag hindi mo pa sinabi na ang damdamin mo sa kanya Edward, sinabi ko sa'yo, mawawala ng tuluyan si Rossana, and the worst pa baka kay Al pa siya mapunta."

THE PROXY BRIDEWhere stories live. Discover now