Chapter 32

7.4K 172 19
                                    





5 years had passed....


"Bessy may paparating supplies ngayong hapon galing sa Zamora, bawang at sibuyas yata ang marami saka di din daw sila makakapag supply ng mga galing Baguio kase medyo nagka problema."-paliwanag ni Niko saakin.

"Sige ganda, saka okay lang naman kung di muna sila makapag dala ng mga galing Baguio kasi marami pa naman tayong naka stock jan, may mga nasisira na ngang gulay."-sagot ko naman dito.

"Okay noted bessy ko. Sige na ako nanaman jan puntahan mo na ang inaanak ko dun at hinahanap ka na daw sabi ni nanay."

"Sige ganda, ikaw na ang bahala jan at baka nagwawala na yun alam mo naman."

"Hayy sanay na ako."- sabay naman kaming napa tawa.

Naka mainitin naman talaga ng ulo yung anak kong yun, mawala lang ako sa tabi nya saglit agad nya na akong hahanapin.


5 years din ang lumipas at marami na ding nangyari sa buhay namin ng anak ko, sa ngayon meron na akong malaking pwesto ng gulayan na kung saan katambal ko naman ang bessy kong si Niko, running for 3 years na yung business namin at meron pa kaming ibang pinag kakakitaan which is yung meat shop namin at kami na din yung namamahala ng daingan ni tatay lito kase medyo humihina na sya dahil sa edad nya, minsan tumutulong din naman sya pero konting effort nalang naman siguro.




"Mama!"

Tumakbo ito papasalubong saakin at halata ko sa mukha nito ang pagka inis saakin.

Sabi ko na nga ba.

"Nako wag kang tatakbo apo!"-sigaw ni nanay.

Nginitian ko nalang ito at sinalubong din.


"Miss mo si mama anak?"-kasabay nito ang pag yakap ko sa aking anak na mainitin ang ulo.

"Hindi! Hindi kita na-miss mama kase iniwan mo nanaman ako, di mo nanaman ako sinundo sa school ko."-patampo nitong sabi.

"Eh kong hindi mo na-miss si mama bakit ka tumakbo papunta sakin? "-pang aasar ko pa dito.

"'Di aalis nalang ako mama. "-naka yuko na nitong sabi at parang talagang iiyak na ito, ako naman tong nag pipigil na talaga sa tawa.

Ganito kami lagi kapag dumadating ako, kesyo hindi ko daw sya nasundo ganito-ganyan kaya talagang natatawa nalang ako sa pang best actress na pag iinarte ng batang 'to.

"Shhh... Okay sorry na ulit baby, busy lang talaga si mama sa business natin hah. Wag ka nang mag tampo anak ko."-at niyakap ko ito.

Di parin ito umiimik.



"Okay sige... Anong gusto mong pang peace offering ni mama sayo?"

Bigla itong natigilan at ngumisi ng pagka ganda ganda.

Oh diba? Yun lang ang katapat ng tampo.

"Gusto ko sa Jollimac mama, gusto ko maraming fried chicken yung spicy and together with delicious burgers and yummy fries..."

"Oh sya sige na sige na para lang di ka na mag tampo kay mama kahit dalhin mo pa sa bahay ang buong Jollimac anak. "-tumawa naman kami ng sabay ni nanay rose.

"Nay bihis na kayo ni tatay sama na po kayo samin, pag bibigyan ko lang tong matakaw na apo nyo."

"Ay wag na anak marami pa akong gagawin...

"Ako na ang bahala dun sa mga gagawin nyo nay, wag nyo nang alalahanin yun ang mahalaga makasama kayo samin para di na din tayo mag luto mamayang hapunan mag tetake out nalang tayo."-paliwanag ko dito.

"Ay sya sige sige na at tatawagin ko lang ang tatay mo."






"Grabe mama laki laki ng tyan ko oh hihi."-tawa pa nitong turo sa tyan nya.

"Napaka ganda pero napaka takaw nitong apo ko."-ani tatay lito na natatawa pa.

"Nako eh san pa ba magmamana 'di sa ina din, tanda mo pa naman siguro eh nung bata pa yang si Ana halong ubusin ang isang plangganang talaba kung hindi lang sya allergy eh nako."

"Eh masarap naman po kase talaga ang talaba lalo na pag sinawsaw sa sukang may sili."

"Oh kita mo na hay nako kaya wag na tayong mag taka, pati nga kahit anong ipakain mo na gulay sa batang to di nya talaga siguro aatrasan eh, di tulad ng ibang bata pihikan sa gulay."

"Kaya nga nay eh, buti na nga din at di sya over weight kahit palakain sya."









Naka uwi kami ng bahay ng bandang mga 6pm and as expected pagod sa kain ang batang matakaw.

"Ano ammi apo napagod ka sa kain mo no?"-tanong ni tatay lito sa kanyang apo.

"Di naman lolo eh, diba may mga foods pa tayong dala? Kakainin ko pa yun mamaya eh."

"Ay nako dahan dahan sa kain apo hah baka ma sobrahan sige ka, lalake ng lalake ang tyan mo nyan."-at bigla namang napahawak ang bata sa tyan nya na medyo malaki nga ito dahil busog na busog.

"Nakikita mo ba yung alagang baboy ni lolo dun sa likod ng bahay nak? Magiging ganun ka sige ka jan."-pananakot ko pa. Natawa naman  kami ni tatay sa sinabi ko.

"Basta kakainin ko parin yung mga foods dun, favorite ko po yun eh."

"Kayo talaga, wag nyo nang asarin yan at di din naman kayo mananalo jan."-sabat naman ni nanay.









"Beh halika na, tulog na tayo gabing gabi na tama na yang laro sa doll house mo."-pagyaya ko naman sa anak ko.

Naglalaro pa kase ito ng dis oras na ng gabi, pinag bigyan ko na kase weekend naman.

"Okay po mama."


Binuhat ko ito at binaba ko rin naman sya agad sa kama dahil medyo may kabigatan, lamunista kase eh, pero syempre dapat in control parin kase di maganda sa bata ang laging kumakain ng mga unhealthy foods at yung sobra sobrang pagkain, at sa case kanina talagang pinayagan ko lang syang kumain ng marami sa fast food kase minsan lang naman.

Hinaplos haplos ko ang buhok ditong hanggang balikat at hinagkan ang noo.

"Happy ka ba baby ko?"

"Opo mama kase naka kain ako sa Jollimac together with you and lola and lolo."

"Good to here baby na happy ka. How about bukas? Sasama ka ba kay mama sa meat shop?"

"Yes mama, kase nandun din si lola and as long as lagi kitang kasama mama it can made my day happier than the usual."

"Awww ang sweet sweet naman ng baby ko, I'm the most happiest too baby kapag nakikita kitang happy."-together with a peck on her forehead again.

"Sige na sleep na tayo, goodnight baby mahal na mahal ka ni mama."-niyakap ko ito.

"I love you too mama, and goodnight sana may Jollimac ulit bukas hihi."

"Let's see anak."


Kahit sobrang daldal ni Ammi I'm so thankful na hindi nya naitatanong sakin kung nasan ang papa nya, but sometimes syempre naaalala nya ding mag tanong pero sasagutin ko lang sya ng nag tatrabaho ito sa malayo at di pa ito makaka uwi ay okay na, mahirap talagang ipaliwanag ang totoo at di pa nya maiintindihan dahil masyado pa syang bata.

Pero syempre darating naman talaga ang panahon na makikita at makakasama nya ang papa nya at di ko naman ipagkakait yun dahil ayoko namang idamay ang bata sa kung ano mang sitwasyon ang meron kami.

May galit parin naman pero, hindi naman ako perpekto para hindi tanggapin. Oo malalaman nya ang tungkol kay Ammi at handa naman ako at di ko ipagkakait sakanya ang bata, but when it comes to our marriage hihilingin ko nalang na maging malaya sakanya, ayoko ko na ng any involvements sakanya except kay Ammi.

















T  O   B E   C O N T I N U E...

The Bastard's DownfallWhere stories live. Discover now