Chapter 9 - Gift

4.6K 126 1
                                    

Sabrina



"Blooming huh." puna sa akin ni Zoey.

Nandito kami ngayon sa mall, nauna lang kami kina Iris at Kelly na pumasok dahil naghanap pa ng mapaparkingan yung dalawa.

Bibili kami nang regalo para kay Chuck dahil birthday niya kasi sa susunod na araw.

"Kung hindi pa kami maagang dumating sa bahay niyo, hindi ko malalamang sa inyo natulog si Kelly." dugtong pa niya.

"Biglaan lang naman, nagtatampo kasi." sagot ko na lang kay Zoey.

"Talaga lang huh? May nangyari na naman ano?" Pangungulit niya.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko, bigla kasi akong nahiya sa kaibigan ko.

"No need to answer, alam ko na ang sagot, pulang-pula ka oh." sabi niya na natatawa pa.

"Che, wag ka nga." Ang nasabi ko na lang.

"Sige na hindi na kita kukulitin, basta huh yang sinasabi ko sa'yo.. Alamin mo kung ano yang nararamdaman mo." Biglang seryoso niya.

Maganda talagang naidulot ng pakikipag relasyon ni Zoey kay Iris eh.

"Oo na nga eh, don't worry alam ko kung ano 'tong ginagawa ko." sagot ko sabay ngiti ng tipid sa kanya.

Napailing-iling naman si Zoey sa akin.

"Biglang na-curious tuloy ako sa mangyayari sa future." Sabi niya.

"Future talaga agad? Di ba pwedeng yung ngayon lang muna?" sabi ko.

"Boring yung ngayon eh." sabi naman niya.

"Ewan ko sayo Zoey, diyan ka na nga.." Sabi ko, sabay alis at nauna nang maghanap ng shop na mapagbibilhan ng gift ni Chuck.

Narinig ko na lang na tinawag niya ako pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

Napunta kami sa bilihan ng mga relo.

"Watch ibibigay mo?" tanong ni Zoey.

"Maybe? Wala rin naman kasi ako maisip. Ikaw ba?" sabi ko.

"Di ko nga rin alam eh, nasa kanya narin kasi ang lahat." sabi naman ni Zoey.

"Kung sa bagay, nasaan na ba sina Kelly at Iris? Makakatulong yung dalawang yun lalo na si Kelly, kuya niya yun eh." sabi ko.

"Nag text na'ko sabi ko puntahan tayo dito, nandito narin yun maya-maya." sabi niya.

"Speaking of..." sabi ko ng makita si Kelly at Iris papalapit sa amin.

"May naisip na kayo?" sabi ni Iris na lumapit agad kay Zoey at nakipag holding hands.

NAPAKA-SWEET TALAGA! Inggit much.

Pero hindi pala ako dapat mainggit, MAS SWEET KASI SI KELLY.

"Bili mo ko watch." sabi ni Kelly na mabilis na nakalapit sa akin at ngayon nga ay nakaakbay na sa akin.

"Birthday mo ba?" pagloloko ko sa kanya.

"Hindi pero gusto ko ako lang ang bibigyan mo ng relo wala ng iba." seryosong sabi niya.

"Hirap na ngang mag-isip pang regalo yang si Sab sa Kuya mo pinagbawalan mo pa sa relo?" sabi ni Zoey.

"Ah basta wag yung relo. Damit na lang." sabi ni Kelly.

"Pero Kelly marami na siyang damit." sabi ko.

"Marami narin siyang relo." sabi naman niya.

"Guys alam niyo, mas okay sana kung mahahanap natin si Sam." singit ni Iris.

"Sam?" si Zoey.

"Oh, si Samantha? Yung nalilink sa kanya nung 1st year tayo?" sabi ko.

"Wait kilala mo yung Sam?" sabi ni Zoey.

"Zoey, hindi ba't sikat na couple sina Shey at Arkin sa school? Ship name nila is "Sherkin" tapos nung 1st year tayo may isa pa, yung "Satchie" si Sam at Chuck yun." paliwanag ko.

"Oh my god, bakit ko ba nakalimutan na Sam ang name ng best friend ni Shey?" napangiwing sabi ni Zoey.

"It's okay babe, matagal-tagal narin naman nung huling binanggit ko ang name ni Sam, ayoko lang din kasi marinig ni Shey, tiyak malulungkot yun. Mamimiss niya lang lalo yun." sabi ni Zoey.

"Actually kahit ako nalungkot nung malamang umalis ng walang paalam si Sam, naging malapit din siya sa akin noon, sila ni Shey kahit sa videocall ko lang sila nakakausap. Gustong-gusto ko nga siya para kay Kuya noon and maybe kahit ngayon. Tiyak ako na siya lang din ang makakapag balik sa dating si Chuck." sabi ni Kelly.

"Sobrang crush ko si Chuck noon, pero dahil parang aso't-pusa sila, umasa talaga akong hindi sila magkakagustuhan. Kaya hinabol-habol ko talaga si Chuck kasi baka may pag-asa ako, lalo na at nawala si Sam. Pero one time nagka-usap kami ni Chuck. I asked him kung bakit hindi niya ako magustuhan.."

"Wait bakit hindi ko alam 'to?" Singit ni Zoey.

"Eh nakalimutan ko na lang sabihin, that time kasi busy ka kay Iris." sabi ko.

"At busy ka sa akin." Sabi naman ni Kelly.

"Okay sige palalagpasin ko 'to pero next time yung mga ganitong bagay ipaalam mo sakin, para may karamay ka naman." sabi ni Zoey.

"Thanks sissy, pero okay lang talaga. At least di ba madali ako nakamove on sa kanya. Sana lang ay bumalik na si Sam, kasi sobrang mahal siya ni Chuck." sabi ko.

"Actually guys nawawalan na nga kami ng pag-asa na makita pa si Sam. Ginawa na kasi namin ang lahat pero hindi talaga namin siya mahanap." Malungkot na sabi ni Iris.

"Habang tumatagal rin ay tila nawawala ang Kuya ko. Nandiyan nga siya pero deep inside sobrang lost siya." si Kelly.

"Feeling ko hindi regalo ang kailangan ni Chuck, siguro mas maa-appreciate niya kung ipaparamdam natin na hindi siya nag-iisa sa laban. Na kasama niya tayong naghihintay sa pagbabalik ni Sam." sabi ko.

"Tama si Sissy, kaya kayo Iris wag kayo mawalan ng pag-asa, sabihin niyo kina Arkin ituloy lang ang paghahanap kay Sam." sabi naman ni Zoey.

"Yes babe, promise gagawin namin ang lahat para sa kaibigan namin." sagot naman ni Iris.

Binalik ko ang pansin ko kay Kelly, nanahimik kasi siya bigla.

Nakita kong nagpunas siya ng luha.

"Umiiyak ka ba?" tanong ko.

"Hindi huh, naluha lang pero tears of joy naman. Masaya lang ako na may mga kaibigan si Kuya na katulad niyo." sabi ni Kelly.

"Kelly naman, kaibigan mo rin kami.. Kung gaano namin kamahal ang Kuya mo, syempre ganun din kami sayo." sabi ni Iris.

"I know right? Kaya nga mas pinili kong mag stay dito sa Pinas kasi alam kong may mga taong mas nakakaintindi sa akin. At syempre nangako ako sa isang tao na babalik ako. Di ba Sab?" sabi niya sa akin at may pakindat pang nalalaman.

"Tama na nga itong dramahan natin, dito pa talaga sa mall guys? At ikaw Kelly dami mo na namang alam. Nandito tayo para maghanap ng pangregalo sa Kuya mo." sabi ko.

Pag-iiba ko sa usapan, nakita ko kasi yung pasimpleng tingin sa akin ni Zoey. Nang-aasar na naman po.

"Pero di na natin need ng gift, magplano na lang tayo ng surprise party sa kanya." sabi ni Kelly.

"Tama si Kelly at may naisip na ako." sabi ni Iris.

"Mas okay ngang i-surprise na lang natin si Chuck." Sang-ayon din Zoey.

"Kung sa bagay." sang-ayon ko narin.

"You know what guys, yung kayo lang mismo ang makasama ni Kuya sa birthday niya okay na yun. Sapat ng regalo para sa kanya yung friendship niyo. Alam ko kahit papaano ay mababawasan yung lungkot na nararamdaman niya dahil sa inyo. Ang saya niyo kayang kasama." sincere na sabi ni Kelly.

Napangiti na lang ako sa sinabi niya.

Minsan talaga kahit gaano kaloko 'tong si Kelly ay may nasasabi ding matino.

My Dream Guy's SisterWhere stories live. Discover now