Namatay Ako

0 0 0
                                    

--; Hanauxx created a story
--; Hanauxx titled it Namatay Ako.

🕓 9:11 AM
🗺 Philippines
📆 August 3, 2019
⚠️ Contains dramatic scenes

"Akira! Bumaba ka na diyan! Magluto ka na ng pang-umagahan natin!" Sigaw ni Ate sa baba kaya nawala yung mahimbing kong pagtulog.

Bumaba na ako at tsaka siya sinabihan. "Pero ate hindi po ako marunong--" Natitigil ako ng sinampal niya ako.

"Anong hindi marunong?! Dapat matutunan mo yan! Halika dito!" Sinabunutan niya ako at kinaladkad sa kwarto.

"Diyan ka nababagay walang kwentang kapatid!" Saka niya sinara ang pinto at nilock.

Pagod na ako. Pagod na akong ginaganito pero wala akong magawa. "Ma.. Pa.. Bumalik na po kayo.." Sabi ko at humagulgol na.

Di ko na namalayan na nakatulog na pala ako kakaiyak.

----- Tanghali -----

"Hoy bumangon ka diyan!" Sabi ni Ate na nagpagising sakin. "Ate. Natutulog pa po ako, pagod pa ako ate." Sabi ko naman.

"Ah tapos?! Sumasagot ka nang bata ka?! Gago ka paepal sana di ka nalang nabuhay! Walang kwenta, bobo, panget pa!" Sinampal niya ako at sinabunutan.

Napaiyak ako sa sinabi niya. Sino ba namang hindi maiiyak e nanggaling iyon sa kapatid mo. Pagod na ako.

"Sige! Linisin mo ang buong bahay! Kwarto, CR, Kusina, Rooftop, Sala! Dadating sila mama at papa ngayon!" At sa huling sabi niya ay sinampal niya ulit ako.

Andami ko nang sugat kaya nagsuot ako ng long sleeve para matabunan iyon. Pero ngayong gabi sasabihin ko na kung anong nangyayari kahit na di naman sila maniniwala.

Nilinis ko na ang buong bahay ng may kumatok sa pintuan. Nakita ko sina Mama at Papa. Kalaunan, natulog na si Ate sa kwarto kaya ito na yung pagkakataon.

"Ma.. Maniwala po kayo sakin. Inaabuso na po ako ni Ate.. Ma, pagod na ako dito ma. Please dalhin niyo ako sa inyo." At saka ako umiyak.

"Anak! Wag mong pagsabihan ng ganyan yung ate mo. Di kitang pinalaking ganyan." Sagot ni mama.

"Ma?! Seryoso ka ba?! Nasasaktan na ako ma! Lagi niya nalang ako inaabuso! Walang araw na hindi niya ako pinpagalitan! E kung ikaw kaya yung nasa posisyon--" Napatigil ako ng sinuntok ako ni papa sa mukha.

"Wag mong pagsalitaan ng ganyan yung mama mo! Wala kang respetong anak!" Sigaw ni papa habang nakakuyom yung kamay niya.

"Haha. Sabi na e. Sige okay lang pala ako ma. Goodnight nalang" Saka ko sila binigyan ng mapaklang ngiti.

Pumunta na ako sa kwarto. "Pagod na ako. Sobrang pagod na. Ayoko nang mabuhay. Lagi nalang si Ate yung kinakampihan." Iyak kong sabi.

Pumunta ako sa rooftop at nagdala ng upuan at lubid. Pinahugis ko ng bilog yung lubid at tsaka mineasure kung sasakto ba ito sa leeg ko.

"Magpapakamatay nalang ako. Wala naman akong kwenta e. Haha." Sabi ko at ngumiti sa hangin.

Itinali ko na yung lubid sa leeg ko at ginawa na yung dapat kong gawin.

----- Kinabukasan -----

"Akira!!" Pumunta si Ate sa kwarto ngunit wala siyang nakitang Akira. Pumunta din siya sa banyo at kusina pero wala pa din kaya nagpasya siyang pumunta sa rooftop.

"A-Akira? Bunso! B-Bat ka nandyan! Gumising ka please!" Nanginginig ang tuhod niya habang tinitignan ang bigting Akira.

"Ma! Pa! Si bunso! Wala na!" Umiyak ito habang tinitignan ang katawan kong walang malay.

May mensahe akong inilagay dun bago ako nagbigti. Binasa ni Ate yung mensahe.

Dear Family,

  Sorry kung wala nang Akira na pag-uutusan niyo. Mawawala na ako. Siguro habang binabasa niyo 'to ang saya niyo. Natupad na yung pangarap ni Ate na mawala yung Bobong, Panget, at walang kwenta na Akira. Pero sorry kasi di niyo na ako makikita pang muli. Mahal na mahal ko kayo.

                                  Nagmamahal, Akira.

----- Sa burol -----

"Akira. Gumising kana diyan oh. Mahal na mahal ka ni Ate. Sorry kung lagi ka nalang niya inaabuso. Pero bat naman ganito yung igaganti mo sakin. Bunso.." Sabi niya sa nakahandusay kong katawan.

"Anak gumising kana paumanhin dahil di ka namin pinakinggan ng mama mo" Umiyak sina mama, papa at ate.

Ngunit wala na ding silbi yung mga paumanhin nila. Hindi na ako mabubuhay pa.

"Bat di niyo yan sinabi nung mga panahong buhay pa ako? Alam niyo? Yan lang yung kailangan kong marinig para mananatiling buhay pero wala na e." Huling sabi ko at nawala na sa hangin.
                                    

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 03, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now