Chapter 2 ❣️

41 1 0
                                    

Mula ng sinuntok ko si mitsue at mapahiya ng sobra ay pilit kong iniiwas ang sarili ko sa kanya, kahit nais ko siyang makita. Lahat ng parte ng campus na alam kung nandoon siya ay hindi ko pinupuntahan, at proud akong sabihin na kinaya ko yun ng dalawang magkasunud na linggo  pero namimiss ko na talaga siya, pati pagkain sa canteen na alam kong nandoon siya ay hindi ako nagmemerienda kaya dahilan para bumaba ang timbang ko.

"Best tara sa canteen.. huwag mo sabihin na ayaw mo na naman! Sabunutan na talaga kita.. nadadamay kami sa kaartehan mo eh!"  Si ken na ilang araw na rin akong dinamayan sa kadramahan ko.

"Eh.. kayo na lang, promise sa lunes sasama na ulit ako." Nakita ko kung paano umirap ang mata nila jane at nova.

"Ano pa ba kasi ang inaarte mo nayen, as if naman may care si mitsue sayo noh! Sarili mo lang pinapahirapan mo." Si jane.

"Korek!" Nova.

Tahimik lang ako at naramdam kong tumabi sa akin si ken.

"Ano? Tara na?"

"Ehh."

"Wala ng ehh ehh dyan, tayo at nagugutom na ang bituka namin!"

"Ayaw!" Pagmamatigas ko pa rin.

"Nayen! Pag ayaw mo tumayo diyan hindi ka na namin bati!" Nag-angat ako ng tingin at
Wala na akong magawa dahil kulang na lang ay bubuhatin na nila ako. Bumuntunhininga muna ako at sabay na naglakad papunta sa canteen.

MITSUE POV

Nakakatuwang isipin na Hindi ko na nakikita ang matabang babae na obsessed sa akin, wala akong pinagsisihan sa mga sinabi ko sa kanya.. tama lang yun dahil hindi normal sa isang babae ang kumilos tulad ng ginagawa niya. Kumakain kami ng team ko sa loob ng canteen ng namataan ko ang tatlong babae ang papasok. Hindi rin lingid sa team ko na baliw sa akin ang matabang babae.

"Tol! Ayan na ang fans club mo oh." Jao.

"hahaha!"

Sabay silang nagtawanan at nakitawa na rin ako kahit wala namang nakakatawa, pasimple kung tiningnan ang babae umupo sila malapit sa salamin samantalang kami ay kabila naman. Hindi ko alam ang pangalan niya dahil hindi rin naman ako interesado na alamin.

"Bakit nga ba ngayon ko lang uli nakita ang babaeng yan tol, eh bawat laro natin grabe makahiyaw yan daig pa girlfriend mo'ng si bettina." Kibit-balikat lang ang tinugon ko dahil hindi naman ako interesado, pasimple ko uli tiningnan ito.

"May hitsura naman kaso mataba."

"Eh.. ano naman kung mataba o payat? As if naman liligawan mo mitsue?"

Napailing ako sa sariling katanungan sa isipan ko ng nagtagpo ang tingin namin, lumaki ang mata niya at biglang tumungo sabay kagat sa labi.. hindi ko alam pero may may pigil na ngiti ang gustong kumuwala sa labi ko.

"Ano'ng gusto mo nayen?" Rinig kong tanong ng isang kaibigan niya.

"Wala.. hindi ako gutom." Sagot naman nito.

"Himala! Diet si tabatchoy! Hahaha!" Isa sa mga grupo ng mga kababaihan na nandoon.. "As if naman may pag-asa pa siyang pumayat!" Nakita ko kung paano kumuyom ang kamao niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 09, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

♥My ULtimate Crush♥Where stories live. Discover now