I'm Ok

33 10 3
                                    

"Kiaaaaaaaaaa!" nasa malayo pako pero rinig na rinig ko na ang sigaw ng best friend ko nasi Eli. Naglalakad ako patungong classroom kung saan nandun sya naghihintay na nakangiti.

Ano kayang meron? 

"Ohh? ba't nagsisigaw ka dyan?" tanong ko sa kanya 

"Ehhhhhhhhhhhhhhh! Kasi naman nakakakilig kanina" tamo to hindi sinagot yung tanong ko, abnormal talaga >_<

"Anong meron?" tanong ko, eh sa nacu-curious ako eh.

"kanina, Si Calix kasi nagtapat sa feelings nya para kay Mika. Ohhh diba nakakakilig? Eyyyyyyyyyyy!" tumiling sabi nya sakin.

Nung narinig ko yun parang sumakit ata puso ko Hayss. Paki ko ba? anong pakialam ko sa kanila? Nababaliw na ata ako.

"ohhh? Ano ngayon?" kunwaring walang pakialam. kunwaring hindi nasaktan. Hayss

"Ehhhhhyyy! Si mika din pala may feelings din, Kaya ayun naging sila naaaa!" tumili na naman sya. 

Worst day ata ngayun. Lalong nawasak puso ko.

Umubo ako.

"Ayos kalang ba? May tubig ako sa bag ko, wait lang kukunin ko lang." Sabi nya sakin tapos pumasok sa klasrom at pumunta sa upuan kung saan nakalagay yung bag nya. sinundan ko rin naman sya.

Pagpasok ko, nakita ko si Calix at Mika na sweet sa isa't-isa. Nung tumingin ako sa kanila nakita kung inirapan ako ni Mika. 

Wala na'ko magagawa. sila na talaga.

Lalong nawasak ang puso ko, hindi na ata ako makahinga.

Parang lalagnatin ata ako ngayon.

Umupo ako sa upuan ko kung saan naka tabi ko bff ko.

"ohh ito inumin mo." binigay nya sakin tumbler nya. ininum ko na din ang tubig.

"Mukhang lalagnatin ata ako, Uuwi nalang ako" tumayo ako at hindi na pinansin ang sinabi nya.

Kahit best friend ko si Eli, hindi ko sinabi sa kanya na mahal ko si calix kaya hindi ko siya masisi na todo suporta sya sa tamabalan ni calix at mika.

--

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Nagmumokmok.

Ang sakit pala no.

Yung nakikita mo yung mahal mo, na masaya pero hindi ikaw ang nasa piling nya.

Ba't ba kasi umasa pa'ko?

Yung pakikitungo kasi sa'kin ni Calix, akala ko may meaning na yun.

Ba't ba kasi napakatanga ko? Simpleng bagay lang yung pinapakita nung tao. Bini big deal ko.

Nakalimutan ko ring  eh check yung label.

--

Wala atang may alam na mahal na mahal ko si Calix maliban kay Mika.

Si mika ay kambal ko. Alam kong alam nya na mahal ko si Calix simula palang. Pero bakit hindi nya sinabing mahal niya din ang mahal ko?

Pero wala na akong magagawa. Naging sila na. At WALA AKONG KARAPATAN.

Magiging okay rin ako. Sana lang.

Kahit na napakasakit. Pipilitin kong maging masaya. Para sa ikasasaya ng Kambal ko.

Lesson Learned : Wag kang umasa sa mga bagay na imposibleng mangyari, masasaktan ka lang.








I'm OkWhere stories live. Discover now