Chapter 1

23 6 0
                                    

• The Beginning

CARMELA

“Carmela, we're here. Ready yourself.” sabi ni papa. I look outside the window and saw a simple 2-storey house and a big backyard with lots of different plants. The car stopped and its my cue to go outside.

“While you’re here, behave yourself. Wag kang maging pasaway sa tita mo, intiendes?” tanong ni papa. Tumango nalang ako at binalik ang tingin sa bahay, kung saan magiging bahay ko na rin. Hindi nagtagal ay bumukas ang pintuan at lumabas ang isang babae na may golden brown na buhok at blue na mga mata. She looks so identical to my dad kaya alam ko kaagad na siya ang tita ko.

“Your Carmela? Wow! Lumaki kang maganda and look to your eyes, namana mo sa mama mo.” sabi ni Tita habang namamangha na nakatingin sa akin. Nagulat pa ako bahagya dahil sa sinambit niya sa mama ko. My mother died when I was so very young, ni hindi ko na nga maalala ang itsura niya kung wala lang akong picture niya na nakatago sa kwarto ko. Tinago kasi ni papa ang mga pictures ni mama noong nagpakasal ito kay tita Mabeth, my stepmother. Naintindihan ko naman kung bakit kaya nga sinuplit ko nalang ang isang picture ni mama bago pa ito itinago kung saan kaya may kopya pa ako. Naging masaya naman kami dahil mabait ang stepmother ko hanggang sa nagkaroon ako ng kapatid na lalaki. I was 17 when I became rebellious to my father, it is because of the accident that I didn’t even committed. Siya, ang ama ko ang hindi pa naniwala sa akin. Mabuti nalang my sanity keeps me intact because of my stepmother. Siya na hindi ko kadugo ang naniwala sa akin at sinusuportahan ang mga hilig ko, it doesn’t include my bad records.

“Ate, sa inyo muna si Carmela. I already enrolled her to Rolaia Duilexy University and starting on Monday makakapasok na siya ng school.” sabi ni papa. Hindi na ako nagsalita pa dahil wala naman akong magagawa. I saw horror in my tita’s face kaya nagtaka ako.

“Are you sure about enrolling her there?” tanong ni tita. Nakita ko namang tumango si papa.

“It’s about time.” sabi ni papa. Pabalik-balik lang ang tingin ko sa kanilang dalawa dahil hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila.

“Carmela!” sigaw ng isang boses. Lumingon kami sa pintuan ng bahay at nakita ko si Ate Clarisse. Siya lang at ang isa ko pang pinsan ang nakita ko sa personal dahil noong sa manila pa ako nakatira, bumibisita si Ate sa amin at naglalaro kami ng kung ano-ano kaya siya ang pinakaclose ko sa iba ko pang pinsan.

“Ate Clarisse!” sigaw ko pabalik. Lumapit naman siya amin at niyakap ako, nagmano rin siya kay papa.

“Tito, mama, kukunin ko lang si Carmela ha.” sabi ni Ate at hindi na hinintay pa ang sasabihin nina tita, tuluyang hinigit na ako nito papasok sa bahay.

“I like your home, Ate. So simple.” sabi ko habang tinitingnan ang bawat sulok ng bahay ng mapahinto ako.

“Ate, naiwan ko ang bagahe ko sa labas.” sabi ko.

“Don’t worry, ipapakuha nalang natin kay Carlos.” sabi ni Ate. Si Carlos, ang kapatid ni Ate Clarisse na 18 years old pa lamang. Matanda lang ako sa kaniya ng 3 taon at matanda naman si ate ng 5 taon sa akin. That makes me 21 and Ate Clarisse 26.

“Carlos! Carlos!” sigaw ni ate. Nakita ko namang tumakbo si Carlos mula sa kusina ata nila.

“Oh, Hi ate Carms.” aniya, “Ano yun ate Risse?” tanong nito kay ate.

“Pakikuha naman yung mga bagahe ni Carmela at ilagay sa magiging kwarto niya.” aniya, “Sige na bilis.” utos ni ate. Tumalima naman si Carlos at lumabas ng bahay. Hinigit na naman ako ni ate papasok sa kusina kung saan lumabas si Carlos. Pinaupo naman niya ako at binigyan ng cookies na paborito ko.

“Binake ko talaga yan dahil dadating ka.” aniya, “So I heard na dito ka mag-aaral. Anong university ba? Baka malapit lang sa pinagtatrabahuan ko.” sabi ni ate.

“Sabi ni papa sa Rolaia Duilexy University raw.” sabi ko. Nakita ko naman ang kanina reaksyon ni tita kanina sa mukha ni ate.

“Are you really sure?” tanong nito. Tumango naman ako bilang sagot.

“Bakit ba ate? Anong meron doon at ganiyan ang reaksyon niyo ni tita?” tanong ko.

“A-ah, wala naman Carms. He-he-he, nagulat lang ako. RDU ay isa sa pinakasikat na university dito sa atin kaya nakakamangha na makakapasok ka doon.” sabi ni ate. Pero hindi ako kaagad naniwala.

“Si Carlos, saan nag-aaral?” tanong ko.

“Ah sa Bregade Lux University siya eh. Malapit lang dito. Pero yung paaralan mo ay malayo pero malapit lang sa pinagta-trabahuan ko kaya mahahatid kita at masusundo. Kaya bigyan mo nalang ako ng schedule mo ha.” sabi ni ate. Tumango naman ako.

"Ate, I thought, magpapatayo ka ng negosyo?" tanong ko.

"Magpapatayo nga ako, pero matatagalan pa. Alam mo namang gusto ko na sarili kong pera ang gagamitin ko, diba?" aniya. Tumango naman ako.

"So-"

"Harujusq!" sigaw ni ate. "Mama naman eh, wag kang basta-bastang sumusulpot lang. Kita mong magugulatin ako eh." sabi ni ate kay tita na nasa kusina na rin. Parang kabute naman kasi ni tita, bigla-bigla nalang sumusulpot kaya ayun, nagulat si ate dahil siya pa naman yung nasa gilid ng bukana ng kusina.

"Ahahaha, pasensya na anak. So, Carmella, anong masasabi mo sa bagong tahanan mo?" tanong ni tita.

"Okay po tita. Napaka'aliwalas dahil sa mga halaman niyo dito sa loob." sabi ko.

"Mabuti naman kung ganoon. Ang tito mo ang nakaisip na gawing parang mini forest ang bahay eh. By the way, madali mo nalang makikita yung kwarto mo dahil may nakalagay na pangalan sa pinto." sabi ni tita.

"Ok po." sabi ko, "Ate, punta lang ako sa kwarto ah." sabi ko.

"Sige. Magpahinga ka na para may lakas ka bukas. You know, shopping-shopping muna tayo at the same time bibili ng mga gamit mo." sabi ni ate. Tumango nalang ako at nagpaalam ulit bago pumanhik sa taas at hinanap ang kwarto ko. And true to tita's words, may nakalagay nga sa pinto na pangalan. I mean, lahat naman ng pinto ay may pangalan. Pumasok na ako at bumungad sa akin ang simpleng kwarto. Wala pa akong may nakikita dito, kundi kama, cabinet, study table at pinto papuntang CR ata. Tamang-tama, magsa'shopping kami bukas, bukas ko nalang bibilhin ang mga furnitures na kailangan sa kwarto ko. For the mean time, matutulog muna ako dahil napakahabang byahe ang ginawa ko kanina. Humiga na ako sa kama at bago ako pumikit, inaalala ko muna ang mga naganap these past few months, and some of them are not worth of remembering tho. And before I lose my consciousness, I heard a sweet voice whispered in my ears.

You'll be fine

The Night GoddessTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang