Friendzone 2 (One Shot)

348 17 10
                                    

~ All rights and reserved. No part of this document may be reproduced in any form or by any electronic or mechanical means, including information storage and retrieval systems, without prior permission from the Author. PLAGIARISM is a crime.

Note: Any resemblances of person, place or events are purely coincidental.

(c) 2014 | MeetTheEpalAuthor

A/N: This is the second book of my one shot also titled Friendzone. You can also read it. ^__^

Friendzone 2 In every love story... there is a painful ending.

***

Nakamove-on na ako. At naka-move on ka na rin. Lumipat ka na ng school at may bago ng nagpapatibok ng puso mo. Binibisita mo ang dati mong school at hanggang tingin lang tayo. Wala na akong nararamdaman na pagka-ilang sa tuwing makikita kita. Sa pag-alis mo siya namang dating ng bagong magpapatalon ng puso ko. Hindi tulad mo mas napapakilig niya ako.

Nitong mga nakaraang, araw palagi niya akong pinapatawa sa mga kalokohan niyang ginagawa. Katulad na lang ng mga 'knock-knock' jokes na ginagawa niya. Mas mabait rin siya palagi niya akong sinasamahan sa contest, palagi siyang nandyan naka-suporta at palagi akong kinocongratulate kahit na minsan hindi ako nanalo.

"Para sa akin, ikaw ang magaling... Che" 'yan ang palagi niyang sinabi. Naging magkaibigan rin kami pero hindi ko alam na tulad ng pagkahulog ko sa'yo ay ganon rin 'yung kanya. Hindi siya masyadong ka-gwapuhan pero tama lang. Siguro dahil na rin sa pag-cheer niya sa akin kay ako nahulog sa kanya.

Katulad rin ng sa'yo nagsimula lang sa infatuation, sa una. Asaran, kulitin at seryosong usapan. 'Yan ang routine ng usapan naming dalawa. Pero nitong mga nakaraang araw na-uuwi kami sa seryosong usapan.  Ilang araw mo nang tinatanong sa akin kung anong ideal boy ko. Nahihiya ako noong una dahil baka isipin mo, na ikaw ang tinutukoy pero ng malaman ko na hindi ka pala mahingin sinabi ko na rin sa'yo.

"Ano bang ideal boyfriend mo?" tanong mo sa akin. Nakain ako ng mga oras na 'yon. Sobrang gutom ako dahil sa may program tayo at hindi ako nakakain ng ayos. Akala ko lokohan lang ang tanong mo pero pagtingin ko sa mukha mo sobrang seryoso mo. Halos magkasalubong na nga ang kilay mo. Gamuntik na rin akong mabulunan. 

"H-ha? Bakit mo natanong?" pabalik kong tanong sa'yo. Biglang nagbago ang mukha mo at ngumisi ka. Halata na inaasar mo na naman ako. Akala ko seryoso ka 'yun pala hindi. Tinuloy ko na lang yung pagkain pero nagulat ako ng kulbitin mo ako bigla.

"Bakit dati nakita kitang naiyak? Nakipag-break ba sa'yo yung boyfriend mo?" napatawa naman ako sa sinabi mo. Kahit kailan wala pa akong nagiging boyfriend at gusto ko ikaw ang maging una. 'Yan sana ang sasabihin ko sa'yo kaso nga lang baka ma-reject na naman ako. Hindi na kita sinagot kasi alam mo na 'yung sagot, inaasar mo lang ako.

Naging super close tayo na halos lahat ng gusto mo sa isang babae alama ko na. Gusto mo 'yung simple lang ayaw mo sa maarte at may kung ano anong inilalagay sa mukha. Gusto mo 'yung maalaga at nakikisakay sa trip mo. Hindi 'kill joy', hindi seryoso, palaging na ngiti, okay lang kahit hindi masyadong kagandahan basta may 'utak' at 'mabait'. Halos tumalon ako sa tuwa ng malaman ko na 'yun ang gusto mo sa isang babae pero masama rin ang masyadong expectation.

Isang araw habang pa-uwi na ako, ready na ang lahat ng gamit ko. Pero may isang bagay akong nakalimutan, nakalimutan ko 'yung libro natin sa Science. Bumalik ako sa room at hindi ko inaasahan ang makikita ko. Nakita kita na kasama siya, kasama ang babaeng sa unang tingin palang lahat ng mga lalaki maghahabol para makuha lang siya. Pero higit pa doon ang nakita ko. Hindi lang kayo magkasama may ginagawa pa kayo... nagmemake-out na kayo. Sobrang sakit... mas masakit pa sa naramdaman ko noon kay Chad. Higit higit pa ang pinaramdam mong sakit sa akin kala ko ako na 'yung 'the one' mo.

Kinabukasan, sinabi mo sa akin na may girlfriend ka na. Nalaman ko na rin ang pangalan niya. Siya pala si Agatha, 'yung 'it girl'  sa school natin. Lalayuan na sana kita pero sa tuwing lalayo ako sa'yo. Pinapakilig mo ang puso ko.

Isang beses, nakain tayo ng ice cream sa may park. Hindi ko naman alam na may amos pala ako sa bibig ko. Dapat ako na lang ang magpupunas noon pero hindi, ikaw ang gumawa. Pinunasanan mo 'yung amos at sabay ng pagpunas mo ay nahuli kong nakatingin ka sa labi ko. Nakatingin rin ako sa'yong mga mata. Sa mga mata mong magaganda. Inilagay mo ang kamay mo sa chin ko. Unti unti kang lumapit sa akin at inilapat mo ang labi mo sa labi ko.

Hinalikan mo ako at binalik ko lang ito sa'yo. Naghiwalay ang ating mga labi at natuwa ako sa ginawa mo. Pero iba ang naging reaksyon mo, nagulat ka sa ginawa mo. Parang hindi mo gusto ang nangyari.

"Pasensya na, Che. Hindi ko sinasadya" sabi mo sa akin at bigla ka na lang tumayo at tumakbo hinabol kita at niyakap ko ang likod mo para tumigil ka sa pagtakbo. Handa na ako, handa ko ng sabihin sayo ang lahat. Ang lahat ng gusto kong sabihin.

"Hindi mo kailangang mag-sorry, Kev. Wala kang kasalan. Matagal ko ng gustong sabihin 'to sayo. Unang pagkikita pa lang natin minahal na kita. Ikaw ang lalaking nagpatibok nitong puso ko. Tinatanong mo kung bakit ako naiyak ng mga araw na 'yon kasi iniwan rin ako ng isang tao na gustong gusto pero hindi niya sinuklian ang pagmamahal ko. Tinatanong mo rin kung sino ang ideal boyfriend ko, isa lang ang sagot dyan ikaw 'yon. 'Yung nangyari kanina hindi mo kailangan humingi ng sorry. Mahal kita at sana hindi hanggang kaibigan lang tayo, gusto ko yung mas higit pa doon,"

Tinanggal mo ang pagkakayakap mo sa akin. Hinarap mo ako at nakita ko ang mukha mo na puno ng luha na kagaya na rin ng sa akin. Please, Kevin mahalin mo rin ako.

"Sabi mo ako yung ideal boyfriend mo at ako rin 'yung nagpatibok ng puso mo. Sinabi mo rin na may isang tao na hindi sinuklian ang pagmamahal mo dati, pasensya ka Che. Hindi ko kayang mahalin ang .... kaibigan ko." tuluyan ka ng umalis at iniwan ako doon. Umiiyak. Wasak na wasak. Wala ka ng tinira sa akin.

Sumakto pa ang langit dahil bigla na lang umulan. Dinamayan pa nga ako sa pagluluksa ko. Napaupo na lang ako. Umiyak na lang ako doon. Wala ng natirang tao kundi ako na lang. Ramdam ko ang pagpatak ng ulan sa katawan ko. Wala akong pakelam kung mamatay ako ng dito dahil sa lamig. Siguro ng mas maigi na kung mamatay ako kaysa naman sa mabuhay ako ng wasak at basag. Mas mabuti na ito.

"Gusto mo bang mamatay!! Ano ka ba?! Nadidinig mo ba ako?!" nawala ang lamig na nararamdam ko. Nakita ko ang isang lalaki na may hawak na payong. Galit na galit siya at halatang inis na. Itinayo niya ako at pinagalitan na naman.

"Gusto mo ba talagang mamatay sa lamig?! Tara na, umalis na tayo!! Baka mamaya patayin pa ako ng tatay mo!!" sabi niya sa akin. Nagpahigit na lang ako sa kanya. Wala naman akong magagawa. Step brother ko siya... kailangang sumunod. Hindi kami magkadugo pero todo ang pag-aalala nito kapag naiyak ako. Hindi ko alam na may nagmamahal pa pala sa akin.

Friendzone 2 (One Shot)Where stories live. Discover now