Chapter 7

955 45 30
                                    

Wusup? XD another na sabaw na UD mga Idol Hahaha

Enjoy na lang ^_^











___________________

Umuwi na si Kim, Samantalang si Alyssa nag paiwan na lang sa bahay ng mga Lazaro.. Nung una hindi pumayag si Kim pero dahil mas kailangan umuwi ni Kim at baka hanapin pa sya ni mela kaya naman hinayaan na lang nito si Alyssa. Ang katwiran naman kasi ni alyssa hating gabi na at baka na tutulog na ang mga tao sa bahay nya kaya dito na lang sya mag papalipas ng gabi

Buti na lang at pumayag ang sir Dony nila, tulog na kasi si Don manolo ng makauwi sila galing bar. Pinatuloy naman muna nito si alyssa sa driver's room.

Dony - ' Oh aly dito ka muna matulog, dati itong kwarto ng driver namin.. Wala na sya kaya wala ng natutulog dito'

Aly - ' naku Maraming salamat po, pasensya na po kayo sa abala.'

Dony - ' ayos lang naman yun, sige na maiiwan na muna kita dito at titignan ko muna si manang kung nililinisan na nya si Dennis.

Tumango na lang si Alyssa at umupo sa kama, lumabas naman si Dony. Malaki talaga ang pag kakaiba ng mag kapatid. Si Dony tila napakabait, maalalahanin sa mga taohan samantalang ang kapatid nito ay ubod ng bagsik na akala mo pinagtaksilan ng lang it.

Tok Tok tok

Nakarinig ng mahinang katok si Alyssa kaya naman muli itong tumayo sa kama nya. Sa pag bukas ng pinto nya nakita ang katiwala ng bahay.

Manang - ' aly ito nga pala mga unan at kumot...'

Aly - ' naku Maraming salamat po' ngiting saad nya

Tumango lang ang matanda at umalis, inayos na ni Alyssa ang higaan nya. Humiga na sya pagkatapos nyang ayusin ito. Nakatingala lang sya sa kisami habang ang dalawang braso nya nasa uluhan nya.

Iniisip nito ang laging pag banggit ng pangalan na Marky ng amo nya, 'sino ba si marky' sa isip na lang nito. Hindi na lang nya masyadong iniisip ang pangalan na 'yun mas mabuti pang mag pahinga na lang sya

Nakailang ikot na sya sa kama nya pero hindi pa din sya dinadalaw ng antok, hindi kasi sya sanay sa kwarto na tinutulugan nya. Sobra kasing lambot ng kama, samantalang yung kama nya sa bahay parang sinakluban lang ng banig.

Hindi nagtagal tumayo na muna si Alyssa, nag kamot ng ulo atsaka lumabas ng kwarto.

'makainom na nga muna ng tubig' sa isip na lang nito

Madilim na ang paligid kaya naman alam na nyang tulog ang mga katulong, dahan dahan syang nag lakad papunta sa kusina.

Sa pag lalakad nyang i'yun parang may isang pinto ang nakakawang at ito lang ang kwarto na bukas ang ilaw. Kaya naman lumapit sya dito, sumilip lang para tignan kung may tao.

Nakita naman nyang may tao, nakatalikod ito sa kanya at parang may ginagawa.

'dis oras na ng gabi, may gising pa din?' bulong na lang nito 'kung sa bagay ako din naman heheh..' dagdag pa nito

Mag lalakad na ulit si Alyssa papuntang kusina dahil akala lang nya ay si Dony pero mag uumpisa palang syang mag lakad ng bilang humarap ang tao kanina, halos nanlaki ang mata nya. Nakita nya ang isang tao na naka maskara na bonet sa muka. Tanging mata lang nito ang nakikita. Base sa kilos nito parang may hinahanap ito.

Hindi na nag dalawang isip si alyssa, agad syang pumasok sa loob at ginulat ang tao.

Aly - ' hoy sino ka !?'

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 16, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Do , I DIE (Alyden)Where stories live. Discover now