CHAPTER 5 - First Blood

26 2 2
  • Dedicated to Juvelyn Comoda Villacorte
                                    

A/N : please continue your support in this story guys. Maraming salamat sa mga nagbabasa dahil kayo ang inspirasyon ko para magpatuloy sa pagsulat at pangangarap Chos ! anyways dont forget to vote and comment . love lots xoxo .











C.C   POV

Bumulagta sa sahig ang katawan nang isang lalaki upang maging dahilan nang pagsigaw nang babaeng kanina lang ay nilapitan nito. Hindi ko namalayang nadulas na pala ang bagay na hinahawakan ko sa aking nanginginig na kamay. Ilang ulit rin akong napalunok nang laway habang hindi parin inaalis ang tingin sa lalaking nakahandusay at hindi na gumagalaw sa aking harapan. Hanggang sa bumigay na lang nang kusa ang aking mga paa at napaluhod ako. Pabilis nang pabilis ang tibok nang aking puso nang ilagay ko ang aking kaliwang kamay sa aking dibdib. Pilitin ko mang maging kalmado pero pakiramdan ko mauubusan ako nang hininga anumang oras. Isinara ko ang aking mga mata sa pag asang baka panaginip lang ito ngunit kahit ginawa ko iyon dinig ko pa rin ang sigawan at tawanan nang mga inaakala ko ay mga  ordinaryong kabataan.




FEW MINUTES EARLIER ..... 

Tanghali noon nang dumating ang sasakyang naghatid sa akin papunta dito. Hindi man nahahalata pero napangiti ako nang sa tuluyan ay makaka pag aral na ako. Ilang taon ko ring hinintay ang pagkakataong ito na sa wakas ay matutupad na rin. Nasa pila na kaming lahat nang may lumabas sa isang magarbong sasakyan na babae at nagsalita. Malambing ang tono nang boses nito habang binabati kami sa pagdating namin. Marami pa itong sinabi ngunit hindi nalang ako nakinig dahil ugali ko nang mabored pag may taong nagsasalita nang mahaba.  Hihintayin ko na lang na matapos siya nang sa ganun ay pwede na kaming pumasok sa loob. Ito din siguro ang nararamdaman nang mga ka linya ko dahil namumugtok at halata sa mga mata nila na wala rin silang paki alam sa welcome speech nang babae.
" Tagal pa ba ? "  tanong nang nasa pinaka unang linya na babae sa batch namin. Natatandaan ko siya , Vivian Violet seat number 1. Nabasa ko kasi ang pangalan niya sa upuan namin sa eroplano nang pababa ako, at isa pa mukha siyang pinaghalong emo at gangster sa anyo niya. Kakulay nang buhok niya ang kanyang apelyido.

" Yaan mo na malapit na yan "  pangising sagot naman nang nasa likod niya. SMALL JOHN, seat number 2 ito yung patpatin na nakaupo sa likod nang Vivian. Marami din itong piercings sa mukha katulad nang nasa una.Mukha itong sakiting manok sa kanyang gupit.

" Gosh , sana hindi masira tong kuko ko "  maarteng sabi nang nang nasa likuran. Tiningnan ko kung sino ang nagsalita at siya nga iyon.
AMY MONTELBON, seat number 12 maarte itong nakatingin sa pink na kuko niya at talagang naka gloves pa siya ha. Kaya pala kumulo nang konti ang dugo ko nang marinig ang boses niya, isa kasi sa mga di ko gusto ang mga maarteng babae. Lalo na at mukha itong mayaman na spoiled brat.

" Calm down guys , darating din tayo doon "
mahinanon ang pagkakasabi nito kaya napatingin ako sa kanya. Siya si KENJIE YOSHIMA , seat number 11. Siya rin yung nakabangga kay Number 13 kanina yung si RHEA pero nakalimutan ko ang apelyido.  Nakakatawa pero bigla ko nalang naalala ang mga pangalan nila kahit unang beses ko lang nabasa. Maamo ang mukha nito at naka eyeglass. Tantya ko 11 years old palang ito kaya nakapagtataka na nasali siya sa batch namin. Hindi ko nalang muna inisip yon nang may inilagay na long table sa gilid namin. Natatakpan ang laman nito nang puting tela na may logo nang Saint Muerte. May sinabi ulit ang babae na nagsasalita sa harapan pero hindi ko na lang yon napansin. Lumapit sa mga long table ang mga lalaking naka army pants at hinila ang nakatakip na tela.


Ilang hakbang din akong napa atras nang makita ang nasa ibabaw nang lamesa. Maayos at malinis na nakahilera ang iba't ibang uri nang baril, kutsilyo, espada, at iba pang uri nang bagay na alam kong nakamamatay. Inasahan kong may sisigaw sa grupo namin o sa ibang batch ngunit binalot nang katahimikan ang buong paligid. Seryosong nakatingin lang sa lamesa ang mga binanggit ko kanina at nakikiramdam din. At nang mga sandaling iyon sa unang pagkakataon nagka interes akong pakinggan ang boses nang nagsasalita

METAMORPHOSISWhere stories live. Discover now