LET ME LOVE YOU Pt. 2

0 0 0
                                    

Nasa bahay ka ngayon nila Jungkook dahil gumagawa kayo ng project nyo. Habang bising busy ka sa pag reresearch si Jungkook naman ayun busy kakatxt at pangiti ngiti pa.

"Jungkook, tulungan mo naman ako dito" sabi mo sa kanya

"Sige, ano na bang gagawin?" sabay tabi niya sayo at tinignan yung mga nireresearch mo. Sobrang lapit niya sayo kaya Di mo naiwasang mag blush. Di ka nagsalita kaya napatingin siya sayo, iniwas mo yung tingin mo at humarap sa laptop.

"Ah, eto isummarize mo muna maghahanda lang ako Ng meryenda" paliwanag mo sa kanya bago ka tumayo at nagtungo ng kusina para kumuha ng makakain

Pagbalik mo nagsusulat at seryoso na si Jungkook sa ginagawa niya, tumayo ka na lang muna at tinitigan siya.

'bakit ba kase hindi kita makalimutan? kahit anong gawin ko lalo lang lumalalim yung feelings ko sayo' sabi mo sa isip mo

Bumalik ka lang sa sarili mo ng biglang bumukas yung pinto, yung magulang ni Jungkook dumating na.

"O, Y/N andito ka pala" masayang bati sayo ng mama ni Jungkook

"Good afternoon po tito, tita" bati mo sa kanila nilapag mo yung tray na hawak mo at nagbeso sa kanila tumayo din si Jungkook at nagbeso sa kanila

--- Y/N's POV ----

"Oh, ano bang pinagkakaabalahan nyong dalawa ha? Baka naisip nyo na bigyan kame ng apo nako ah!" pilyong biro ni Tito

"Pa, ano ba?" naiinis na sita ni Jungkook. Pinalo naman ni Tita ang braso ni Tito.

"Ano ka ba, Di pa nga nililigawan ng Jungkookie natin kay Y/N apo na agad nasa isip mo" natatawang biro ni Tita

Namumula na ko dito sa kilig at hiya samantalang si Jungkook naman ayun, mukang Inis na Inis na dati naman matatawa lang sya sa ganitong biro pero ngayon naiinis na sya.

"Ma, hahatid ko na si Y/N sa kanila malapit ng mag gabi eh" prisinta ni Jungkook

"Pero, pano yung project natin?" tanong ko

"Sa isang araw pa naman deadline niyan bukas na lang natin ituloy" sabi ni Jungkook

"Dito ka na kaya kumain Y/N?" Prisinta din ni tita

"Ma, hinahanap na si Y/N ng mama niya" sabi ni Jungkook

Huh? Ano daw? Hindi naman ako hinahanap ni mama ah?

Napatingin ako kay Jungkook at nilakihan niya lang ako Ng mata. Ah gets ko na.

"Opo, tita next time na lang po may inuutos po kase saken si mama sige po tita una na po ako tito babye po" paalam ko sa kanila sabay kuha ng bag ko

"Sige hija, ingat ka" sabi ni Tito at tita

Pagkalabas namin ng bahay nila Jungkook. Naglakad lang kame tutal sa kabilang subdivision lang naman ako nakatira at Di naman yun kalayuan.

"Y/N pasensya na kila mama at papa ah, alam mo naman yung dalawang yun gusto nila tayong magkatuluyan" pagpapaumanhin ni Jungkook

"Alam ko naman yun" sabi ko sa kanya

"Siya nga pala, Di na kita hahatid sa inyo hanggang kanto lang ako" pagpapaalam niya

"Teka bakit?" tanong ko sa kanya

Bigla naman syang napatigil sa pag lakad at napangiti sunundan ko kung saan siya nakatingin nakita ko si Trish sa kanto na tila naghihintay.

Nag madaling tumakbo si Jungkook palapit sa kanya saka ito niyakap, kitang kita ko yung saya nilang dalawa. Nagusap sila saglit saka tuluyang umalis, naiiyak na ko habang nakatayo pa din kung saan ako iniwan ni Jungkook kanina Nakalimutan na yata nya na kasama niya ko.

Let Me Love YouWhere stories live. Discover now