Twenty Three

212 7 1
                                    

| Patricia's POV |

"Patricia?" napatingin ako sa pinto kung saan andun si Mommy . Kakakuwi ko lang galing school

"Yes , pasok po kayo" agad na lumapit sa akin si Mom at hinaplos ang buhok ko

"Why Mom , is there something wrong?" napailing siya sa sinabi ko

"Wala lang narealize ko na dalaga ka na pala , you've changed Nicole.." napangiti ako

"Mom , masaya na ako sa ganito kuntento na ako , pero di ko pa rin pinapabayaan ang mga grades ko minemaintain ko pa rin." sabay tutok ko ulit sa laptop, gumagawa kasi ako ng presentation namin

"So, kumusta na si Ivan?" napatigil ako sa ginagawa ko

"Mom? Seriously , I dont want to talk about that."

"Nicole , alam ko malaki ang kasalanan nila sa iyo, why didnt you just forgive them and start over again?"

"Mom , I dont like what youre talking about!"

"I know its hard for you to forgive them , pero sa ginagawa mo , patuloy at patuloy ka pa ring masasaktan , Nicole tama na ang paghihiganti." napaface palm ako sa sinabi ni Mom

"Mom , hindi niyo po alam kung gaano kahirap at kasakit ang ginawa nila sa akin , ginawa nila akong tanga niloko nila ako!" napaiyak ako at agad akong niyakap ni Mom

"Sssh , I know , pero sana Nicole tandaan mo lahat ng tao nagkakamali at lahat naman tayo ay kayang magpatawad sana maintindihan mo tong sinasabi ko ,para sa ikabubuti mo rin ito , at sana balang araw matanggap mo ang katotohanan , at tatanggalin mo sa puso mo ang sakit at magiging masaya ka na ulit , so please Nicole , as soon as possible itigil mo na tong ginagawa mo , unti unti ka nang binabago ng galit mo." I dont know pero sa sinabi ni Mom , parang biglang sumakit ang dibdib ko which means natamaan ako , hindi ko alam kung mapapatawad ko pa sila.

"Someday Mom , Someday.." yun nalang ang nasabi ko at nakatulog sa bisig niya.

Kinabukasan

Habang naglalakad ako sa hallway diko inaasahan na makakasalubong ko si Ivan , ngumiti siya sa akin na parang may halong lungkot pero hindi ko pinansin iyon nagpatuloy lang ako sa paglalakad ko nang bigla niyang akong hinila at binulungan.

"Meet me at the garden , I want to talk to you ... please?" biglang bumilis ang tibok ng puso ko pero hinatak ko ang braso ko sa kanya.

"Who said to you na pwede mo akong hawakan?" sinabi ko iyon nang hindi tumitingin sa kanya , narinig ko na nagbuntong hininga siya pero nagpatuloy na ako sa paglakad ko , actually magkaklase pa rin kami ngayon kaya nga lang , pag oras ng klase hindi ko siya pinapansin nagaaral lang ako ng mabuti , medyo nabawas bawas narin ang pagiging bad girl ko , si Margot ayun walang katapusang paghihiganti sa akin , na lagi namang napapalpak..

Good Girl turned Bad Girl (Slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon