CHAPTER 5

102K 1.1K 166
                                    


LOREN POV

"Finally dumating ka na Ms. Loren , nasa operation room na ngayon ang mommy mo. Pray for her,"ani ng Doctor. Kinakabahan ako sa maaring mangyari like what if hindi maging successful? Ayoko man mag isip ng ganun ay hindi pa rin maiiwasan dahil napaka delikado ng operation na isasagawa kay mommy.

"Doc please gawin nyo ang lahat para mailigtas ang mommy ko,"pagmamakaawa ko at hinakawan ito sa braso.
"Don't worry Ms. Loren we will do our best to save the life of your mother. Excuse me," saad nito at pumasok na sa OR. Umupo muna ako sa may upuan at napayuko.

"You need someone to lean on.Hindi mo kayang mag isa,"ani ng isang boses na pamilyar sa akin at pati amoy nito.
Iniangat ko ang paningin ko sa taong nagsalita at tama nga ako si Sir. Phoenix ito.

"What are you doing here?"tanong ko dito. Umupo naman siya sa tabi ko.

"Para samahan ka."

"Hindi ko kailangan ng kasama."

"No you're not."

"I am," pagmamatigas ko dito.

"Tss." Hindi na siya nagsalita kaya tumahimik na lang din ako ilang oras ang nakalipas bago lumabas ang Doctor. Mabilis na tumayo ako at hinarap ito.

"D-doc kamusta ang m-mommy?" kabadong tanong ko. Inalis muna nito ang face mask niya. Nanghihintay lang ako ng sagot nito, halos sumabog ang puso ko sa kaba. Pakiramdam ko ay may hindi magandang nangyari.

"I-I'm sorry Ms. Loren..pero the operation is not successful.. Your mother is dead.I' sorry," mahinang saad nito, napahagulhol na lang ako ng marinig ko ang sinabi niya.

"P-pero Doc nag usap tayo kanina sabi mo gagawin mo ang lahat para mailigtas si m-mommy pero.. ano 'to ha? A-ano 'tong sinasabi mo na wa-wala na ang mommy ko?Answer me! Bakit n'yo sa hinayaan mamamatay?!" sigaw ko sa Doctor at inalog alog ito.

"Loren please calm down.." pagpapakalma sa akin ni Phoenix.

"Bitawan mo ako Phoenix!!"

"Hindi ba Doctor ka ha? Bakit mo hinayaan mamamatay ang mommy ko? Hindi mo ba alam na siya na lang ang me-meron ako? Siya na lang ang rason ko para mabuhay, tapos sasabihin mo sa akin na patay na ang mommy ko?" galit na saad ko. Gusto ko na sumabog dahil sa galit.

'Hindi pa patay ang mommy ko.. hindi pa.. hindi niya ako iiwan..'

"I'm sorry pero hindi kinaya ng katawan niya ang operation,"aniya.
"BULLSHIT! Bakit nyo siya inoperahan kung hindi naman pala kaya ng katawan niya? Doctor ka ba talaga?!" Hindi na nakaimik ang Doctor sa sinabi ko.
"Excuse me," saad nito at umalis na sa harapan ko.
"Loren calm down."
"Fvck it Phoenix how can I calm down when my m-mom is already.."

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko bagkus tumakbo ako sa kwarto kung nasaan si Mommy. Halos bumigay ang tuhod ko ng makapasok ako sa kwarto, my mom was covered by a white blanket.Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

'No! This can't be!'
Humarap ako kay Phoenix at hindi ko na napigilan mapaiyak. Niyakap niya ako ng mahigpit at dahil dun naramdaman kong may isa pa akong tao na masasandalan.

"Si mo-mommy Phoenix.. wa-wala na si mommy.. h-hindi ko kaya.." hagulhol ko.

"Shhh I'm here don't worry hindi kita iiwan." He wiped out my tears. "Lapitan mo na ang mommy mo," saad nito. Habang papalapit ako sa kama kung nasaan siya ay mas lalo lumalakas ang kabog ng dibdib ko.

Damn! Hindi ko kaya..

Dahan dahan kong inalis ang kumot na nakatakip sa mukha ni mommy. Napatakit na lang ako ng bibig ko para hindi ako makagawa ng ingay. Please gisingin nyo na ako sa bangungot na 'to. Hindi na ako nagdalawang isip pa at niyakap ko na ito at doon mas lalo akong naiyak. Wala na ang nagiisang tao na masasandalan ko, mayayakap ko sa tuwing malungkot ako, wala na yung taong magpapalakas ng loob ko, wala na...

I'm His Sex Slave (COMPLETED)Where stories live. Discover now